na Mga 15 hours ago, dapat may bago akong post kaso
1 am na at alam kong kahit gaano kaikli ang entry ko eh
aabutin ako ng 2 oras sa pagta-type.
Nabadtrip lang naman ako kagabi... ewan.
Nakakainis... Nakakainis... Nakakainis... at Nakakainis.
Pakiramdam ko kagabi nakainom ako ng anim na tangke ng Red Horse.
Mainit. Dumadaloy yung init sa dugo ko. Nararamdamanko yung kulo.
Bumubula pa nga eh (parang chemical na pinaiinitan sa test tube, kumukulo).
Ok na yung flow ng essay ng araw ko kahapon eh, biglang nawakawak.
Isang malalim na incision. Ramdam ko kung paano gumuhit sa mga
ugat ng mundo ko ang itak ng isang napakalaking kabadtripan.
*Ang ganda ng pinaptugtog ni Itay sa ibaba. Rinig na rinig dito sa kwarto
sa taas. Yung Anthology. Currently playing Hard to Believe. Naks.
napapakanta ko*
Syempre, heto na naman ako, hindi ko na ikukwento kung anong nangyari.
Tsaka sanay na ko, ako nalang bahala sa problema ko. At isa pa, kailangan
kong panindigan yung, "Easy ka lang. Relak."
Medyo nawala ang kabadtripan kagabi. Hindi ko nalang din kasi pinansin.
Baka lalong lumalim yung incision. Tsaka wala sa mundo ko ang
"hinanakit-bukid". Oks na talaga eh nang biglang...
Badtrip na naman. Dumagdag yung mabait kong tiyahin. Akala niya ata ay
sa kanya at sa anak lang niya umiikot ang mundo. Ewan. Nyetang millipede
na naman.
Alam ko ang problema ni Pinsan. Hindi ako manhid at may pakialam ako sa
kanya. Punyeta, pinsan ko nga eh. Hindi ko binabalewala si Pinsan. Importante
siya sakin. Hindi ako magpupuyat ng walang kadahilanan.
Palipat-lipat kasi yung windows ng YM. Mamaya na kay Pia, then kay Pinsan,
then kay Senpai Juno. Balik kay Rowie, kay Pia, kay Rowie ulit, then kay
Senpai Juno. Ako, kaya kong i-handle kahit tatlong topic ang umiikot sa
metabolismo ko. Basta focus lang. Yung tiyahin ko, since naguguluhan siya
sa pagpapalipat-lipat ng windows eh nagagalit na naman.
Tiyahin kong mabait: Hindi ba pwedeng kay Ate muna? Pwede ka namang
kausapin ng mga yan bukas eh. Sa kanya muna tayo at namomroblema yang
pinsan mo. Ang haba-haba ng oras niyo kanina hindi kayo nag-usap? Kay Ate
muna tayo at kailangan kong makausap yun!
Ako: Eh anong magagawa ko eh ngayon lang sila nag-online at ngayon
lang ako kinausap. Alanganamang sabihin ko sa kanila na mag-OL sila ng maaga
para lang sa problema ni Pinsan. Alanganamang baguhin ko yung schedule nila
para lang sa inyong mag-ina. Naiintindihan ko naman mga kinu-kwento ni Pinsan.
Ako nalang magpapaliwanag.
Tiyahin kong mabait: "Eh hindi eh. Hindi ba pwedeng diyan lang muna tayo kay
Ate mo?"
Hindi na ako nagsalita. Pero siya, diretso parin ang armalite niya. Nakakainis.
Nakakairita. Akala niya siya lang ang nape-pressure. Minsan, hindi ko na pinapansin.
Total deadma ako kapag umaandar ang armalite niya. Yung tipong wala
akong naririnig sa mga pinagsasasabi niya. Iniisip ko kasi na,
"Leche. Sige, atakihin mo ko ng armalite mo. Gisingin mo nalang ang diwa
ko kapag ubos na bala mo." Kapag ganun, mas asar siya. Syempre, siya,
tumataas ang presyon niya sa kabubunganga sa ibang tao tungkol sa sarili
niyang problema tapos malalaman niyang walang nakikinig sa kanya. Kung
iisipin ganto, kapag nakikita niyang walang problema ang ibang tao habang
pasan niya ang daigdig, gusto niya na yung taong iyon ay mamroblema rin.
Mahaba ang pasensya ko. Idolo ko ang site ng Mistula sa larangan ng
pasensya. Kasi, kahit anong i-click mo dun eh lalabas ang mga quotable quotes
na iisa lang ang punto, "Patience is a virtue".
Mahaba ang pasensya ko. Siguro, kayo rin naman. Pero kahit ang haba ng
pasensya niyo ay kayang balutin ang buong galaxy, kung kayo ang nasa
kalagayan ko ng mga panahon iyan, hindi magdidilim ang paningin niyo, mamumula
lang. Haiz.
Patience is a virtue talaga. Kung gusto niyong ma-practice ang patience
niyo, hilingin niyo na one time, magkapalit tayo ng katauhan para maranasan niyo
ang Practical Test ng tiyahin ko.
Sabi nga ni Pia,
dapat with matcing duro pa sa muka. Habang sinasabi mong
"mga punyeta kayo! Mangagsilayas kayo!"
Haiz, thanks Pia,
you're the laughter in my silence.
May natuklasan lang din ako kagabi. Ang importance pala ay pwedeng
At dahil nga sa medyo ganun ang nangyayari, 88 pages nalang matatapos ko na
"Ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita? Ako'y naiinip na.
May mga tao lang talaga na hindi mo pagsasawaan.
Magka-chat kami ni Nyx ngayon. Hindi namin napansin na 5:30pm na pala. Lalo na ko, hindi ko talaga napansin kasi bumangon ako mula sa higaan ng mga 2:30pm. Nung mga panahon iyon feeling ko ay 10am palang. Ang breakfast ko kanina ay merienda na ng isang normal na tao. Hehe. Bakit nga ba?
Ganto kasi, medyo nagkakwentuhan kami ni itay kaninang madaling araw hanggang sa umabot na ng 3am. 3am ipapalabas ang Pride & Prejudice sa HBO. Since gising pa ako nun, sinamantala ko na ang pagkakataon na makapanuod ng isa sa mga pelikulang hindi ko pinagsasawaan.
Natapos ito ng 5am. Naisip ko na, "Ngayon palang ako matutulog eh dati ito yung oras ng paggising ko." Hehe. Yun nga, 5am. Nakatulog ako ng mga 5:30. Nagising ako ng 8am at natulog ulit. Ayun, paputul-putol na tulog ko hanggang sa 2:30 na. Hehe. Saya.
So, sa January, uulitin sa HBO yung V for Vendetta at Final Destination 3. *Evil laughs*. Ipagbunyi! Ipagbunyi! Hehe. Wala lang. Nakakatuwa lang naman. Makikita ko ulit si V. Mapa-paranoid na naman ako sa mga premonition sa FD3. Basta... Pero yung Pride & Prejudice, uulitin sa Dec.29 at 9am ata and 7pm. Hehe. Kung gusto niyong manuod... try niyo lang. Kung makakapanuod kayo, sana maintindihan niyo ang heavy British accent ng mga characters. Hehe.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
So, alis na ko.
Hehe.
'Geh...
KTHXBYE *evil laughs*
