Friday, December 28, 2007

supercalifragilisticexpialiproxy

So, konting balita lang 'to.


Tapos ko nang basahin yung Morning, Noon, & Night kahapon.

Nakakatuwa talaga. Hehe. Lalo na kay Julia at kay Steve.

Haha... talagang yun yung naalala ko. Wala lang.

Medyo naninibago ako at wala na akong binabasa ngayon.

Wala ng libro. Alanganamang basahin ko ulit sa simula yung

Morning, Noon, & Night eh ang haba nun.

Dapat aalis kami ngayon kaso medyo late ako nagising

kaya hindi natuloy. Hehe. Mahusay... ipagbunyi, ipagbunyi!


"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

Nanunuod ako kagabi (na actually, mga 12:30am na yun) ng Tugtugan
sa MYX. Hehe. Wala lang. Saya lang. Nakakatuwa yung effects pedal.
Usually tatlo lang ang nakikita kong ganun, yung nakita ko kagabi lima ata.
Handami. Hehe.

(Para sa mga hindi nakakaalam kung ano yung effects pedal, search niyo
nalang sa wiki. Ayoko nang mag-explain eh. Tsaka siguro naman nakakita na
kayo ng ganun. Lalo na yung mga may hawak jan ng electric guitar).

Natuwa ako dun sa term na ginamit ni Raimund - Pogifier. Ang effects pedals
ay pampapogi ng tunog. Pogifier. Hehe. Wala lang. Kayo, anong ginagamit
niyong pogifier?
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Kanina, nanunuod ako ng Take the Lead. Wala lang. Masaya lang kasi napanuod
ko na naman yun. Nakakatuwa kasi yung hiphop+ballroom na style nila eh.
So, bukas, Pride & Prejudice ulit. Sabi ni Nyx napanuod niya yung P&P sa HBO
nung 26, mga 2pm. Nainis ako kasi hindi ko napanuod. Nakakainis talaga.
Hehe. Wala lang.
Na-discuss din ata ni Nyx sa blog niya yung isang scene sa P&P.
Yung umuulan na part kung kelan nag-confess si Mr. Darcy kay Elizabeth.
Ayoko nang magkwento. Nitatamad ako. Panuorin niyo nalang. Hehe.
Tsaka mas masaya yun. Sabay-sabay tayong manunuod.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Wala pa akong nasisimulan sa mga assignments. Sabi naman nila klasmeyts,
yung Capitolo lang naman yung assignment. Haiz... ang daming hahabulin sa
pasukan.
Teka, kelan nga ba ang pasukan? Diba sa 7?
So, currently, kumakain ako... at ka-chat si Nicole.
Natatawa ako dun sa mga pics na sinesend niya sakin.
Mga pusa... pusa... pusa... pusa... at pusa... at may isang daga.
Haha. Hang-ku-kyut. Kahit kelan talaga pag pusa eh ano...
wala lang. Pusa parin sila. :))
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Wala na kong maikwento. Wala akong masabi.
Masyado akong...ewan. Wala ako sa sistema ko ngayon.
Sabi nga ni Ate Eunice, "speakless ako". Hehe.
Ayun, may naalala ako.
Nung nasa Doulos kami, kahit bored ako sa loob nung bookstore
dahil wala naman dung mga libro ni Paulo Coelho, Mitch Albom, or Sidney Sheldon,
or kahit na Stephen King, at puro Jane Austen... natuwa parin ako kahit pano.
Kasi, kapag binubuklat mo yung mga libro, nakakatuwa yung amoy.
Amoy libro ang mga ito. Malamang. Hehe. Pero, alam niyo yung amoy ng libro na
parang... libro talaga siya? Yung ganun. Nakakatuwa. Feeling mo nasa kwarto ka
ni V. Hehe.
Haiz... speakless na naman ako.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Siguro sa susunod nalang.
Wala talaga ako sa sistema ng mundo
ko ngayon.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer