*Currently listening to Elesi ng Rivermaya*
Sa ngayon, naririnig ko yung mga tao sa kabilang barrio (actually
yung mga tao lang na malapit sa corner of F. Roman and C. Leyva)
na nagsasaya. May videoke. Ang pangit ng pagkanta ni Manong.
Hehe. Sama ko. Huwag Mo Nang Itanong yung kinakanta niya.
Sa dinami-dami ng kantang pwede niyang makanta yun pa. Ewan.
Takte, ngayon naman, Ang Huling El Bimbo. Puro Eraserheads ah.
Sana naman gandahan nila yung pagkanta.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Medyo nakakabadtrip ang araw ngayon. May mga tao kasi jan na akala nila ay
nakakatuwa sila pero hindi. Naikuwento ko na ito kay Pia. Mura tuloy ako nang
mura sa YM (kelan nga ba hindi? hehe).
Kung iisipin, kung kayo ang nasabihan ng ganun, wala lang yung sinabi ng
lechengpampasirangarawpunyeta na iyon para sa inyo. Pero iba eh. Yung
pagkakasabi niya eh parang kilalang kilala na niya ko. Takteng 'nyeta siya.
Gusto ko sanang isigaw sa kanya na, "Look who's talking..."
at wala akong pakialam kung maputol man ang auditory nerve niya. Or mas
maganda kung magpaka-emo siya sa sulok ng banyo nila at tubuan ng ginseng
root mag-isa dun. Lechugas. Pati ibang tao damay sa kagaguhan niya.
Hindi ko nalang sasabihin kung anong sinabi niya pero sana,
sa susunod na magsasalita siya eh umayos-ayos siya at dapat alam
niya kung saan siya lulugar. Hindi yung banat ng banat.
Sensitive ako sa pakiramdam ng iba pero pinipilit niya kong maging
manhid sa kanya. Sa ngayon ganyan lang muna. Maglalabas ako ng hinanakit
sa blog. Sa susunod, hindi ko alam. Leche. Ewan.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Natuwa naman ako kasi (hehe, biglang natuwa) wala lang. Nakakatuwa lang.
May conference na naman kaming tatlo. Medyo iba ang topic namin ngayon.
Hehe. Huwag niyo nang alamin.
*Welga kami! Welga kami!*
Sabi ni Nyx ipo-post niya sa blog niya yung napagusapan namin ngayon.
Haha. Goodluck.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Tuwing naririnig ko yung "Your Guardian Angel" eh tuwang-tuwa talaga ko
(Ayan na naman, tuwang-tuwa na naman). Parang gusto kong sabihin na,
"Kung sino man ang makakakanta niyan sa harap ko, na ganyan ka-passionate,
at talagang nakaka-tats... kung sino man, I'll give that person the best eleven
minutes of his life"
Nakaka-ewan. Nung iniisip ko yan, seryoso ako na hindi. Seryoso kasi
gandang ganda ako dun sa kanta na sa sobrang kinaganda niya para sakin eh
nasabi ko, "So why not give that person the best 11 minutes kung makakanta
naman niya in that way?" Hahaha... Loko. Baliw talaga ko minsan. Pasensya.
Pero kung sinong gustong mag-try, why not. Hehe. Kaso don't expect the eleven
minutes. Baka gusto niyong banatan ko kayo ng batuta jan. Hehe. Echos
*Kabaliwan mode na naman*. So, pwede ko kayong pakainin ng merienda dito sa
amin at tayo'y magbubunyi dahil nakanta niyo ang Your Guardian Angel. Hehe.
Tugudoink!!!
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Nalagpasan ko na yung 1/4 ng Morning, Noon, & Night. Medyo malayo na ko sa
kabihasnan. Hehe. Pero nakakatuwa. Maganda nga yung istorya. Nakakatuwa
talaga. Kaya nga medyo late na kong nakapag-start mag-internet kanina eh kasi
kinarir ko pa yung pagbabasa.
Na-i-imagine ko ang bawat pangyayari. Hindi naman siya mahirap intindihin
kahit na may mga term na malalim.
Maganda ang flow ng istorya. Sana matapos ko. Gusto kong makarating sa part na
sinasabi ni Maan-tots. Yung "twist".
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Haiz...
Katamad.
Hindi pa OL si Rowie sa YM.
Rowie, pinsan! San ka na?
Hinahanap ka na ng iyong ina.
Tsaka... wala lang.
Hehe. Nababangag naman ako.
Geh...
KTHXBYE.
Ay, wala na pala dapat niyan.
Hehe.
