BIRTHDAY ni MAMA nung Linggo.
Hanggang ngayon, hindi ko parin siya
nakakausap. :c
Sabi ni Uno, "HUUU! Sarap ng gising ko!"
Sabi ko naman, "HUUU! Ang sakit ng ulo ko!"
Ang daming nangyayari.
May taning na oras namin, tapos ganto pa.
Simula palang ng minutong bumubuo sa maghapon,
magulo na.
Hindi ako handa sa lahat.
Sa lahat na dumaan at dumadaan sa ilalim ng maikling panahon.
Sa limitadong oras.
Punyeta, bakit ngayon pa?
I'm losing them one by one,
and found out that I'm busy collecting stones.
>>>
KAHAPON, LUNES
Patuloy ang Production Designing Workshop.
Medyo masayang may alinlangan.
Excuse kami sa klase kaya masaya.
Masaya rin kasi enjoy din naman ang ginagawa namin.
May alinlangan, lalo na ako, dahil hindi na ko sanay na ma-excuse
sa klase dahil sa isang extra-curricular activity.
Nung elementary ko pa ata huling naranasan yun.
Hindi na ko sanay kasi, syempre, nasa isip mo yung,
"Nakikita ko silang nagka-klase, ano kayang ginagawa nila?
May quiz kaya? Meron kayang seatworks? Baka marami na kaming na-miss."
Sa workshop.
Tinuloy lang namin ang hindi natapos na actividades noong Sabado.
Under time pressure kami dahil may isa pang activity na gagawin.
Ang totoo, may assignment kami.
Gumawa raw ng isang stage design para sa script na ibinigay samin.
"QUIAPO" ang title ng script. Tungkol 'to sa buhay. Realidad ng mundong
ginagalawan... at malamang, sa tunay na mundo ng Quiapo.
Hindi ko nagawa ang assignment na 'to sa bahay. Masarap matulog
dahil narin sa pressure at totoo namang kulang sa oras.
Tsaka syempre, ginagawa parin namin yung mga academic homeworks.
Ginawa ko nalang yun during workshop at pwede rin naman pala.
Halos lahat naman kami ganun. Pero bago namin matapos ang pagguhit
sa Quiapo, pinagawa sa amin ang isang activity na may kinalaman sa mga
pinadala saming mga found objects.
May tatlong 4 na kulay ang bakal na upuan. Yung isa, plastik lang na puti.
Pinapili kami ng upuan na magre-represent sa kung sino kami.
Pero kailangang tandaan na 'pag offstage, upuan, pero kapag ginamit na
ang mga ito onstage, hindi na sila upuan. Iba na ang use nila.
At dapat, lahat ng upuan, magagamit. Since ang bawat upuan ay nire-
represent ang bawat isa samin, lahat kami, magagamit.
Kailangan ng critical thinking na at the same time, hindi mo kailangang
mag-isip ng malalim or between the lines. Kailangan lang intindihin ang
instruction. Just read the lines.
Nagkaroon ng 2 grupo at nagkaroon ng mini-game na parang puzzle
ng imahinasyon. Hindi ko nalang ikukuwento kung ano yun. Medyo mahaba eh.
Basta, ang naging resulta ng larong ito ay ang abstract structure.
Mga upuang diniskartehan na binuo ng lahat at pinapakita ang bawat isa
sa amin. Gamit ang mga found objects at yung upuan, ipinakita namin ang Quiapo.
Yung nasa gitnang malaki, malamang, yun ang simbahan. Yung jeep sa kanang gilid,
yung ang isa sa mga jeep sa Quezon Blvd at yung nasa kaliwa, lugar iyon ng isang
manghuhula. Kasi nga, table ang form. Tsaka may mga cards.
Natapos ang lahat. Masaya kami. Graduation namin (sa seminar) at binigyan
kami ng mga certificates. Natuwa ako dahil unang certificate ko yun mula ng
pumasok ako sa PUP. Unang extra-curricular activity rin.
Masaya kaming lahat ang nagpapasalamat ng marami kay
Sir Bobot. Ang dami niyang naituro samin.
Malungkot kasi medyo matatagalan bago namin ulit siya makita.
Ang totoo, kahit 2 araw lang yung seminar, parang nasanay na ko.
Parang gusto ko na araw-araw nalang yung workshop.
Huwag lang araw-araw na alas-7 na ng gabi uuwi.
Sabi samin, sa bahay nalang ituloy yung
drawing ng Quiapo. Tapos, inayos na namin yung avr para sa exhibit
kinabukasan.
"JPD 17... GO!"
(ganun nga ba yun? hehe)
>>>
Pagkauwi sa bahay, ang daming problema. Wala pa kong nagagawa
sa assignment sa SocStud at antok na ko para ituloy yung drawing sa Quiapo.
Pagod na rin ako.
>>>
NGAYON, MARTES, KANINANG UMAGA.
Bago ako pumasok, tinitignan ko kung pano ko didiskartehan
ang isang 1/4 illustration board na dalin sa iskul.
Naisip kong hawakan ko nalang.
Kapag ginamit ko kasi yung plastik ng SM, kapag dinala ko yun,
sasayad sa daan yung plastik. Tsaka mas nagmumukhang malaki
yung dala ko. Parang ewan lang ang dating.
Kailangan kong diskartehan ng mag-isa dahil wala akong maaasahang
tulong sa tatay ko para mapadali ang lahat. Kapag nagpapahatid ako
papuntang iskul, lagi niyang sinasabi na huwag nalang akong pumasok
kung ganon lang din naman ang mangyayari.
(Nakakabadtrip diba? Hindi man lang maging supportive
kahit alam niyang para sa isang exhibit yung dala ko.
Isang napakaimportanteng pangyayari.)
Tatay ko: Gamitin mo yung plastik... yung sa SM.
Ako: O, ikaw magdala. *parang, "Sige, dun ko ilalagay 'tong board, ihatid mo ko"*
Tapos, nabadtrip na yung tatay ko.
Feeling niya sinagot ko siya. Feeling niya, "nagyayabang" na naman ako.
Para sa kanya, pinapairal ko na naman yung pagiging ano ko,
"porma ang unahin bago ang ika-kukumportable ko".
Haiz. Eh feeling lang naman niya yun. Tapos...
Tatay ko: Ikaw nalang mag-isa pumasok.
Ako: *hindi nag-re-reak mode*
Tatay ko: Kaya mo na yang sarili mo.
Sa isip ko, "Ano ba 'to? Ang aga-aga ganto na..."
Umakyat ako para kunin yung charger ng cellphone
(plano ko sanang mag-charge sa iskul dahil bat-empty na yung cp).
Medyo inayos ko rin yung kalat ko. Naisip ko kasi na baka pagkauwi ko
eh nasa labas na ng bahay namin ang lahat ng gamit ko.
Maya-maya, pagkababa ko.
Walang pansinan. Malamig ang paligid.
Pero hinatid parin ako ng tatay ko hanggang sa pagtawid
(na araw-araw namang ginagawa). Ayun. Sumakay na ko.
At himala, wala akong narinig mula sa tatay ko hindi kagaya dati.
Nakasabay ko rin sa jeep si Leo. Pers taym ata yun.
(YUN ANG STRIKE 1)
Pagkarating sa iskul, aking nalaman na hindi na pala kailangan
ng illustration board.
*O, Diyos ko, ano ba naman ito? Diba, langhiya!
Nagmukha akong tanga. Pinaasa niya lang ako...*
(Putek. Nagkaroon ng malamig na atmosphere sa pagitan
namin ng tatay ko ng dahil sa isang bagay na wala rin naman
palang kwenta)
Cramming. Hinabol kong kulayan yung drawing ng Quiapo.
Nainis ako kasi ang pangit ng pagkaka-kulay ko. Minadali ko kasi
at pastel ang gamit ko na medyo hindi ko napaghandaang gamitin
kasi medyo matagal na kong hindi nagkukulay gamit ang pastel.
Minadali ko kasi sabi ni Ma'am Lai,
"Tapusin niyo na yan sa bahay. Pagkarating niyo dito wala nang gagawa
niyan. Wala nang magco-color. Aayusin na natin 'to bukas..."
Pagkarating sa avr, nakita ko si Emphi at Ate Anna na gumagawa pa
ng drawing nila. Yung kay Ate Anna, wala pang kulay. Nainis ako sa sarili ko
kasi pwede pa palang ituloy yun dun at hindi ako nagpunta ng maaga kaya
late ko na nalaman. Nainis ako kasi kung tinanong ko lang ng maayos
si Jade sa kung pangkulay ang dala niya, edi sana, maayus-ayos ang kulay
nung drawing ko. Sana color pencils nalang ang ginamit ko at mas gamay ko pa.
Wala narin. Tapos na eh.
Tumulong narin ako sa pag-aayos para sa exhibit.
Medyo nawala na yung inis ko. Masaya na.
Gumaganda na. Natuwa ako sa exhibit. Kung tao lang ito,
nasabihan ko na 'to ng, "You're making my day!"
Masaya na lahat. Wala ng problema. Oks na.
Akala ko lang pala.
Habang nag-iikot sa LHS para magimbita ng estudyante para pumunta dun
sa exhibit, syempre, dumaan ako sa Sincerity. At doon nagsimula ang Strike 2.
to be continued...
(may ganun?)
Antok na ko eh. 11:13pm na.
KTHX...
Tuesday, December 18, 2007
Ang issue ah, ang issue!
. .
