Kwento ko nalang kung anong nangyari kahapon.
Tsaka ngayon.
Tsaka ngayon...
tsaka...
ngayon.
Nagkaroon ng isang Production Workshop sa iskul. Naandun si
Sir Hesus Bobot Lota. Isang skilled production designer.
(Kilala siya at kung makikita niyo ang mga gawa niya,
masasabi niyong, "obviously, kilala nga siya")
Kasama ako sa Workshop. Masaya naman. Enjoy.
Nakakatuwa kasi headache, mapapaisip ka talaga.
Nakakatuwa kasi ang dami kong nalalaman, natutuklasan, nakikita.
Lumalalim lahat.
Pinakita sa amin ang mga stolen shots sa Insiang (yung pang-2002 ata).
Luphfet. Pictures palang, mararamdaman mong makatotohanan lahat.
Ngayon, namamangha ako sa mga stage play. Hindi lang pala basta stage play yun.
Kung ikukumpara sa mga film o isang palabas sa TV, mas mahirap.
Kailangan maging makatotohanan ang dating ng lahat dahil live itong mapapanuod.
Live na makikita ng audience, live na maririnig, maaamoy at mararamdaman.
Dapat talaga makakarating sa audience ang tunay na mensahe nung play. Mahirap dahil hindi pwede ang special effects dito na likha ng computers. Wala ring mga cuts.
At para sa mga gumaganap doon, mas mahirap. Live nga kasi.
Hindi kagaya sa screen na edited na ang mga eksena.
Nasabi ko ring mahirap dahil kailangan ngang maging makatotohan ang lahat
ng mapapanuod ng audience.
At dahil makatotohanan ang lahat, totoo dapat ang bawat kilos o galaw.
Merong isang shot doon na nagpapakita na si Dado ay nagma-mas...
Ma'am Lai: O, Ephraim, ano raw yung ginagawa ni Dado?
Ako: *natawa ng kaunti at nagsalita ng medyo pabulong*
Talagang si Ephraim pa yung dapat sumagot...
Ephraim: (Nakalimutan ko na yung eksaktong sinabi ni Emphi,
pero parang ganto ang dating:
"Ano ba yan? Pati ba naman yung tungkol jan, ako parin?)
Nagsalita na si Sir Bobot. Sinabi niya rin ang ginagawa ni Dado.
Sa amin, hindi dapat bigyang malisya. Hindi ko rin naman binibigyang malisya.
Kailangang maging bukas ang isipan sa mga ganung bagay.
Isa pa, parte iyon ng play, parte ng buhay. Ng makatotohanang buhay kung
saan binase ang Insiang.
Ewan ko kung dapat ko pang sabihin ang ginagawa
niya dahil alam kong iba ang dating nito sa iba at bibigyan ng ibang kahulugan.
(Lalo na sa mga taong hindi talaga alam kung ano nga ba yung "Insiang"
o kahit background nito). Hindi ko nalang sasabihin.
Sa tingin ko naman malalaman niyo agad yun.
Meron ding isang eksena na there are two bodies having an erotic moment
together. Napaisip ako na, buti nalang, pictures palang ang nakikita namin.
Kung iisipin, mahirap ang mga ito na gawin ng live. Live at halos dalawang metro
lang ang layo mula sa audience. Live at kailangan natural ang lahat.
Napaisip ulit ako, mas maganda nga maging designer. Lupfhet pa.
Pwede ring, mas maganda maging audience nalang. Kagaya ko SA NGAYON.
Late na kami nakauwi.
Si Emphi, pumunta pa samin para makopya yung Lesson 11 sa Steno.
Dapat ipapa-xerox lang namin yun, kaso, sinuyod na namin ang buong kahabaan
ng N. Domingo, wala ng bukas na pa-xeroxan. Siguro kasi gabi na nga.
Bumalik kami sa bahay. Syempre, dahil bisita, pinakain namin.
Nakakahiya naman. Tsaka sa daan palang...
Ephraim: Laine, gutom na ko.
Ako: Anong gagawin ko?
Tapos na kaming kumain. Si Emphi, tuloy sa pagkopya.
Ako, nanunuod lang. Alas-8 na.
Mga 8:30, natapos na si Emphi, umuwi narin siya.
Nakonsensya ako kasi hindi ko sinaksak yung sim sa cp ko.
Hindi ko tuloy na-receive yung text ni Meng na nagpa-text pala
si Emphi na dalin ko yung Steno Book ko.
Nakakakonsensya kasi 8:30 na siya nakauwi.
Uuwi pa raw siya ng Las Pinas.
Naisip ko naman, hindi ko kasalanan ang lahat.
Hindi ko rin kasalanan kung maaksidente siya pauwi.
Wala siyang libro eh, buti nga pinakopya ko pa siya...
*evil laughs*
Ang sama ko.
Haha, oks lang. Minsan lang naman yan.
Tapos, nag-senti ako. Yun nga, yung tungkol sa post ko kahapon. Ayun.
'Nyetang Sa Aking Pag-iisa yan...
Pero malupet parin si Fatima, walang tatalo sa kanya:
"Gusto kong kumate!!!"
:))
>>>
Bumili ako ng sketch pad at illustration board.
At Gel Pen pa pala.
Nabadtrip ako dahil tinapon ng tatay ko yung maskarang ginawa namin
sa workshop. Akala raw niya basura.
Kung titignan, mukha nga itong kalat. Hindi kasi kami pinagamit ng ibang materials.
Pwede ang gunting. Gunting lang at pangkulay. At dahil sa wala akong gunting
at pang-kulay, mukha ngang basura yung maskara ko.
Pero kasi, mas maganda nga raw yung ganun. Paano mo didiskartehan ang papel
at gawing maskara kahit wala kang ibang materyales.
Bukas, ewan ko kung anong mangyayari, wala akong maskara.
Haiz... Siguro kakanta nalang ako sa harap nila.
"Kung may problema ka, magsuot ng maskara.
Takpan mo ang iyong mata, buong mundo'y mag-iiba"
(Maskara by Eraserheads)
>>>
Kanina, bago kumain ng Oat Meal:
Ako: Pa, wala ka ng Piaya?
Tatay ko: Eh ang takaw ng boypren mo eh.
Ako: *natawa* Boypren ka jan... Dalawa lang kaya binigay mo.
Tatay ko: Tatlo! Lahat ubos!
Ako: Inubos niya kasi nahiya yun sayo. Bigay ka kasi ng bigay.
Sa isip ko parin:
Pa, wala ka kasing alam. Boypren ka jan. Hindi ako homewrecker, anu ba...
Hehe.
Ewan ko kung maintindihan niyo.
Basta, malinaw, hindi ako homewrecker.
Kung may magsabi man nun sakin, gagayahin ko nalang
siguro si Kian (from PBB Season 2[hindi celebrity edition,
yung commoner's edition lang]),
"Save your own home!"
Search niyo nalang sa net kung anong ibig sabihin ng homewrecker.
Urban language daw ito. Basta, search niyo nalang kung dehin niyo
maintindihan. Or punta kayong urbandictionary.com. Hanapin niyo dun.
>>>
At ngayon nga, ito, bagong entry sa blog.
Sakit ng mata ko. Siguro kasi naligo agad ako kanina pagkatapos mag-PC
for 3hrs. Kailangan ko kasing magmadali.
Wala pa kong nasisimulan sa kahit anong dapat simulan.
Nauubos na oras ko.
Geh...
KTHXBYE.
Sunday, December 16, 2007
Nakakita ka na ng kuting na lumilipad? Hindi pa? Sandali, lilipad ako.
. .
