Thursday, December 20, 2007

Stop the press, hold the news. The secret's safe between me and you.

"Ang issue ah, ang issue!"

KAHAPON.
Teacher's Day kahapon eh. Ayun. Wala lang. Teacher's day lang.
Merong program at kung anu-ano. Mababait ang Loyalty. Nag-perform
parin kami para sa adviser namin. Mali, nag-perform parin sila. Sila nga pala,
hindi ako kasama. Dehin ako sumama. Ni hindi ko nga alam na may ipe-perform
pala eh. Nakipalakpak nalang ako. Nakipalakpak sa Honesty at Sincerity.
Masaya naman ako para sa section namin. Unfair nga lang talaga, at siguro, sa
karamihan, napilitan lang silang pumunta sa harap ng madla para masabi lang na
merong alay para sa adviser namin.

Natapos ang program na, oo, medyo oks naman. Masaya kahit pano.
Tapos, dumiretso kami sa MV Doulos. Wala akong pera dahil hindi nakahingi kay
Ama. Nakalimutan ko kasi. At hindi ako nakapagpaalam. Tsk-tsk!

Medyo marami kami. 31 kaming lahat. Nagsimula ang paglalakbay sa pagsakay ng
bus patungong Quiapo. Naiba ang daan, ang madalas na Quiapong pinupuntahan
namin ay pa-Divisoria rin ang ruta. Liliko sa may San Sebastian at dadaan ng Isetan.
Yung bus, nagdire-diretso lang. Medyo naiba ang mundo.

Pagkababa ng bus, sakay naman ng jeep. Napuno namin ang isang jeep. May nakaupo
sa aisle, merong sabit. Sabi ng mga senpai,
"Parang baguio lang ah..."

Pagkababa ng jeep, naglakbay na kami ng pagka-layu-layo. Nilakad namin ang ilang
daang metro. May dalawang kilometro na nga ata. Ewan, basta, mahabang lakarin.
Nakarating narin kami ng MV Doulos. Libre pala ang entrance kapag below 16.
*evil laughs* Nakatipid ako.
Nawindang naman ako sa hagdan paakyat. 'Nyeta. Pabilog. Hirap i-explain.
Basta, hindi kagaya ng normal na hagdan na may corner, yung sa barko, pabilog.
Parang tanga lang kami nung paakyat. Pero, nakaraos naman kami. Buhay kaming nakaakyat
patungong library.

Nilibot namin yung bookstore. Walang Paulo Coelho, walang Mitch Albom.
Merong Jane Austen, pero naka-focus ako ngayon sa mga akda ng mga nasabing
manunulat. Boring tuloy. Maganda lang yung view sa labas kasi ang lawak ng dagat.
Tsaka masisilaw ka, tinatamaan ng sinag ng araw. Tsaka, mahangin. Malamang,
mataas yung lugar eh tsaka may body of water.

Madaya kasi yung iba sa amin, nakapag-tour pa. Tour hindi lang sa bookstore
(na hindi naman ganun kalaki) kundi tour sa iba pang parte nung barko.
Pinakain pa sila. Ang daya talaga.

Ewan ko kung tuloy yung lakad bukas para makapunta ulit ng Doulos.
Maaga akong umuwi ngayon, dehin na ko nanuod ng Chorale Competition.
Wala akong alam. Kung hindi pa umuwi si Toni Meng, siguro, pwede ko siyang
matanong tungkol dun.

Pagkauwi.
May nakita akong libro na dati'y sa Nat'l Bookstore ko lang nakikita.
Libro na next year ko pa sana bibilin...
Ang bait talaga ng tatay ko. Ahoo-ahoo!
Veronika Decides to Die lang naman. Hanggang ngayon, naka-plastic parin.
Hindi ko pa inaalis kasi baka ma-tempt akong yun ang basahin. Gusto ko munang
tapusin yung pinahiram sakin ni Maan-tots.

Pagod ako. Lechugas. Pero may trabaho pang dapat gawin dito sa bahay eh.
Kailangan kong mag-OL para sa pinsan ko. Kaso, hindi pa siya OL.
Nag-surf muna ako (habang kumakain ng hapunan) at kahit naka-ilang libong beses
na kong nag-search sa net para sa kanya, hindi pa rin ako nagsasawa.

Kaka-search, may nakita akong imahe niya na kinatuwa ko.
Kitang-kita ang passion, yung intensity, yung emosyon... lahat, lahat naramdaman ko.
Lahat nakarating sakin. Nakarating sakin kahit na hindi ko alam ang kinakanta niya
o kung ano ba ang nangyayari nung mga panahon na yun kung kelan kinuhaan siya
ng litrato. Ang tikas. Parang si Lobo, pag kailangan ng tugtugin ang gitara, nagiibang
anyo. Luphfet. Sa kina-simple-simple niya, isang matikas na performance ang pinapakita
niya sa madla. Tikas talaga. Lalo tuloy ako na-i-inspire mag-bass.
(Ahoo! Vocals, pero inspirado sa pagba-bass. Hehe.)
Teka, kilala niyo ba kung sino yun? Si ano lang naman yun...
Jayson Fernandez ng Rivermaya. Sana January na, gusto ko ng bumili ng album nila.
(at sasabihin na naman ng tatay ko, "ang laki na ng gastos natin noong Disyembre,
gastos ka pa rin ngayon?)
O kaya, kung sinong mabait na gustong mag-bigay, oks lang. Mas masaya.

Wala nang magawa.
Mga 7:30pm yun nang wala na akong magawa at masakit na ang mata ko
kakatitig kay Jayson (so kung sino ang makakapagdala kay Jayson sa LHS, isang
napakalaking utang na loob ulit) kasi sunog na yung mata ko dahil sa radiation nung
monitor (kahit na may protection na).

Humiga ako at pinikit ang mga mata. Inisip ang mga bagay-bagay na nangyayari,
at kung ano pang posibleng mangyari. Pati na rin ang mga tao sa paligid, ugali nila
at kinikilos (masaya talagang maging paranoid). Tapos, maya-maya...

Nagising ako ng saktong 10:58pm. More than 3hrs ang tulog ko.
Kaso, pagkagising, ang sama ng pakiramdam ko at yung lalamunan ko, parang
namamagang ewan. Tonsilitis ata. Natandaan ko nalang na hindi nga pala ako uminom
ng tubig bago ako nakatulog. Ayun, pagod na katawan ko, masakit pa ulo ko. Isama
na nga rin yung lalamunan ko. As usual, ito na naman ang unang pumasok sa isip ko,
"Takte, hindi na naman ako makakakanta?"
Buti na lang, kahit parang may linta sa lalamunan ko, nakakanta ko parin yung
Dolorosa.

Tinignan ko yung PC, may msg (sa YM) si Aljon at ang minamahal kong pinsan.
Sorry kung hindi ako nakareply, napasarap tulog ko eh.

Tapos, ayun, natulog ako ng mga 12:30am. Puyat na naman ako.

KINABUKASAN.
7am ako nagising. Ang sama ng pakiramdam ko. Parang nilalamig na may sinat
na ewan. Tapos, kumain. Naligo. Namalantsa ng damit
(biruin mo yun, ako, namalantsa?!). Tuwang-tuwa ako sa suot
kong shirt, "Refreshing Baguio. PUP Tourism". Kay Rowie yung shirt, sinuot ko lang
kasi natuwa nga ako.

Christmas Party na namin. Binigyan kami ni Nyx ng ensaymada na...
MALUPHFET. Sarap eh.

Nyx, Par, salamat. Anong gusto mong gift? Kuting? Marami dito.
Kakapanganak lang nung isang pusa dito eh. Tapos yung kakambal niya,
buntis (malalanding pusa).

Nung natanggap ko yung ensaymada, "Ok, Pwede na kong umuwi"
Hehe. Ang sama ko. Parang sinabi ko naring hindi ko na inaasahan ang regalo ni...
nung nakabunot sakin.

Maaga nga akong umuwi dahil ang sama narin ng pakiramdam ko.
Lalo na yung batok ko, highblood ata ako. Ewan.

Binuksan ko na yung regalo sa akin ni... nung nakabunot sakin. Pagkabukas,
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Natawa ako kasi... bumalik yung childhood days ko. Una kasing bumungad sa akin
ay yung shirt na may pagmumukha ni Tweety Bird. Hehe. Yun din ang madalas iregalo
sa akin, si Tweety Bird. Kamukha ko raw kasi. Kung ngayon, Angelina Jolie tawag sakin
ni Krizzia, sila, Tweety Bird ang tawag sakin dati. Tsaka dehin lang shirt, may iba pang
kasama. Merong... ano yun? Yung nilalagay sa cellphone na parang tali. Yung parang
sa mp4 ni Rita. Ayun. Nung nakita ko yun, naisip ko, "Para magamit ko 'to, kailangan
ko ng bagong cellphone *evil laughs*".

Natuwa naman ako. Tsaka puro dilaw. Mukha bang paborito ko ang yellow? Sa
pagkakatanda ko kasi, apple green ang paborito ko. Favorite color ata ng nakabunot
sakin ay yellow. Sana nilibre din niya ko sa Yellow Cab. Hehe. Pero oks lang.
Natuwa parin ako. Napansin ko lang talaga na puro dilaw. Kung sa bagay, yung
silyang pinili ko noon sa Production Designing Workshop ay kulay dilaw.

(May napansin ulit ako, madilaw ata ang araw na ito. Pati yung
ensaymada dilaw eh.)

Hanggang sa, heto, nag-computer na ko.
Naka-chat ko si Senpai Juno. Turuan daw niya kong mag-gitara then bass.
Why not, kaso, walang oras eh. Malapit na raw kasi ang bandfest, mag-aral na
raw akong tumugtog. Haiz. Imposible parin,walang banda eh.
Semi-existing ang Randomness, pero kung matuto man ako, marunong na ba mga
kapatid ko? Si Pia, alam na ba niya kung pano ang laro ng lead guitar? Si Meng,
marunong na ba siya sa rhythm? Malupet na ba ang drumroll ni Nyx? Haiz.
Sa 4th yr nalang ata magsisimula ang Randomness.


"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Yung "to be continued", haiz. Heto na naman ako.
Tinamad na namang magtuloy ng mga pangyayaring pinangakuan kong ikukuwento
dito sa blog na ito.
Basta, yung Strike 2, isa yung napakalaking katangahan, pagpapadalus-dalos,
maling impormasyon, at muli, katangahan. Hindi ko napanindigan yung,
"Easy Ka Lang. Relak."
Pasensya, importante talaga sakin yung libro eh.
Pasyon ko yun, pinapahalagahan.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer