araw-araw na pamumuhay...
"Don't forget to bring your... ah, ano ba 'to? Ano ba 'to?
Ano bang tawag dito?"
(haha. bunyag na bunyag. kapag nabasa niya 'to,
sira ang kinabukasan ko. imposibleng nakalimutan na niyang
binigkas niya ang lahat at bawat salitang iyan na kauna-unahang
entra niya na hindi ko malilimutan. Mga Oct ano pa yun... )
*i've been dreaming for so long
to see you smile right back at me,
from where you are...
i've been wishing for so long
to see you smile right back at me,
like i'm somebody special
Special
but as i aged and as i changed
i left it all behind
cause now your calls seem kind of mellow
kind of mellow
kind of mellow*
"Ate, bawal pa pong pumasok..."
Kung nauso lang ang korni pickup lines noong Oct.10.2006, siguro, nasabi ko na
sa kanya 'to:
"Hindi na nga ako makalabas eh. I am trapped."
Tapos, siguro, ako na yung sasabihan niya ng,
"Wow, english yun ah..."
Wala lang. Naalala lang.
Kagabi kasi habang nakikipag-gaguhan kay Pia at Nicole sa conference sa YM,
si Senpai Juno at ako ay nag heart-to-heart talk. Hindi naman madrama.
Puro pangarap lang. Yung bright future na gusto naming marating. Siya, bilang
magaling na gitarista, at ako, syempre... tinatanong pa ba yan? Bilang isang malupet
na bahista. Sali raw kaming bandfest. Iyak-tawa naman ako sa sinabi niyang yun.
Baka sa 3rd yr na ko matutong mag-bass. Haiz...
Patuloy ang agos ng aming pag-uusap hanggang nauwi kami sa special someone.
Ang akin, 'nyeta, isang napakadaling code name - Kuya. At isa pang napakalaking
clue, sabi ko, "itago nalang natin siya sa pangalang Fine Arts Association."
Pinipilit niya ko kung sino ba yun, sabi ko lang, "Initials... Fine Arts..."
Sinabi ko rin kung anong year na. Hehe. Lantad na lantad na eh noh. Sabi ko nalang:
"Hindi naman masama kung malaman mo kung sino yun... huwag lang sa ngayon."
Yung kanya, sabi ko nung una kahit initials lang. Ayaw niya, hindi rin niya sinabi.
Lugi raw siya. Sabi ko, kahit code name lang. Sabi niya, si ano raw yun...
si Keyboards. Wala siyang ibang sinabi. Walang clue, walang kahit na ano. Mas lugi
ako. Kapag sinabi ko pa na related ang pangalan niya sa title ng kauna-unahan kong
free verse na tula, wala na, bunyag na.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Medyo puyat ako ngayon (Si Uno kasi eh... hehe. Echos). Hindi ko alam kung anong oras
Lahat bumubuhos sa gabi, kapag matutulog na ko. Saka lang lumalabas lahat
kapag pipikita na ko. Totoo yata yung Mulat ng Mistula,
kay daming nakikita...
Huwag niyo nang tanungin kung ano yung mga inisip ko. Baka ma-weirduhan lang kayo.
Pero kung sa bagay, masaya maging weirdo. Pero baka dehin kayanin ng metabolismo
niyo eh, kaya... huwag nalang.
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
magmumukhang buhay sa kasalukuyang kabihasnan ang blog niya. Paano raw maglagay
ng background. Iyak-tawa na naman ako. Sabi ko nga kay Meng,
"Toni Mae naman eh, pang friendster lang yan". Hindi sa pinapamukha ko sa kanya na
mang-mang siya (sabi niya eh), pero ang paglalagay ng background ang isa sa mga
equation ng code ko dati dito sa blog nung nagsisimula palang ako na pinaglaruan ko
with the power of common sense. Parang friendster nga lang. Naisip ko kasi dati na,
background-image:url(yung url ng desired BG); .Since dito sa blog code ko ay may
ganun din (referring to: background-color:#FFFFFF), 99.9% ang posibilidad na applicable
yung for background dito."
(shocks. nagbibigay na ko ng clue. isang napakalaking clue para magkaroon din ng BG
yung mga ano...)
Ang totoo, madamot ako sa pagtuturo ng mga ganyan. Lalo na kungyung medyo madali
lang at kaya naman ng sariling utak. Lahat ng makikita niyong kalokohan sa blog ko ngayon
ay likha ng maluphfet na boredom, curiosity, exploring, creativity,
isa pang maluphfet - ang sariling diskarte at technic, patience, self-taught na
paglalaro ng slightly magulong html & other codes at ang dakilang common sense.
Natuto akong mag-computer sa kakapindot at kakadutdot lang (Kaya after 6 months, ang
Windows XP namin ay naging Windows 98. Pero hindi ko kasalanan lahat yun dahil wala
akong magagawa kung mahilig sa porn sites ang pinsan ko at mag-download ng kung
anu-ano kahit alam niyang binili ng tatay ko ang computer na yun PARA SA AKIN. Pati mga
kaklase niya, habang siya'y tulog, ang mga kaklase niya ay patuloy ang paggamit sa
PC KO. Tapos, ako yung hindi makakagamit. Kapag iniba ko ang password, feeling niya,
pinag-dadamot ko sa kanya yung PC KO. Kapag sinabi ko naman, kinabukasan, hindi ko na
mabuksan. Binago niya na ang password na parang kanya yung computer KO. Sa lahat ng
naging sira nun, wala silang gastos. Kami lahat. Kung sa bagay, PC ko nga naman yun.
Ewan ko nga lang kung bakit hindi ko na-enjoy yung PC KO nung XP pa ito. Nagkaiwanan
na kami sa ere nung naging 98 na ito. Low-tech daw kasi. Haiz).
*ok. off topic na, balik tayo sa html codes/javascript/xml/at kung anu-ano pang
codes at pagde-design ng blog*
Natuto akong mag-design ng Myspace ko dati using common sense. Hindi ako nagbasa ng
kung anu-anong tutorial. Hindi ako umasa sa pinsan ko. At pano ako aasa sa kanya kung
siya mismo ang nagpapaturo sa akin. Lahat tiyaga lang. Self-taught nga. Inapply ko sa
lahat ang common sense at hinaluan ng iba pang ingredients na nabanggit.
Madamot ako sa mga ganyang bagay. Ayokong magturo o kahit magbigay lang ng clue
dahil parang ang unfair. Natuto ako mag-isa, nyeta, hindi ba kaya yun ng iba? Hindi sa
mayabang ako dahil alam ko naman marami pa kong dapat matutunan.
"Mada mada dane", ika nga ni Echizen. Ni hindi ko pa nga kayang gawin yung kagaya ng
sa blog ni CJ de Silva kahit may dreamweaver naman kami. Pero lahat ng nalalaman ko
ngayon, sariling diskarte lang.
Nagdo-download ako ng pre-made layout. Hindi para gawing template ng blog ko kundi
para pag-aralan. Tiyaga at patience. Babasahin ko, susuyurin, at iisa-isahin yung code
na lalabas sa Notepad. Minsan glance lang pero madalas, sinasala ko lahat lalo na kapag
alam kong may makukulimbat ako sa code ng dinownload kong template. Tapos, hahaluan
ko ng sariling technic na kalokohan at voila! I-a-apply sa HTML ng blog, tapos, preview,
kapag epektib at lumabas ang gusto kong mangyari, click na agad sa Save.
Naka-credits lahat yun. Kung matiyaga kayong magbasa ng code ng blog ng may blog,
mababasa niyo sa code ng blog ko ang isang listahan ng credits. Hindi lang yung credits na
visible sa blog ko na nasa ibaba ng "Anthology". Yung credits na iyon ay sa HTML lang ng
blog ko mababasa. Mababasa niyo yun kung matiyaga kayo. Hindi ko sasabihin kung paano
mababasa yun. Ayokong sabihin yung alternative na ruta dahil hindi pwede ang right click
sa page ko. Meron pa rin kasing iba jan na hindi alam kung saan at ano yung alternative way
na yun. Ehehe. Kailangang samantalahin ang pagiging inosente ng iba.
Tinuro ko kay Meng kung paano ang paglalagay ng background. Actually, hindi exactly
tinuro dahil sinend niya sa akin ang HTML code ng blog niya at yung URL ng picture for
the BG. Tapos, ako na yung nag-apply ng karagdagang code. Sinend ko ulit sa kanya at
ginawa niya ang dakilang proseso na CTRL+ACV. Sabi ko sa kanya, pag-aralan niya para
matuto siya. Sa tingin ko naman ay natuto si babae dahil mejo nasa 21st Century na ang
blog niya tulad ng nakararami. Umaasenso. Sa tingin ko naman ay magagawa na niya ang
kahit anong gusto niyang gawin sa blog niya. Madali na yun eh. Pero may tinatanong pa
siyang isa na kahit kelan eh wala akong planong sabihin sa kanya kung paano yun gawin
except nga lang kung madadala niya si Jayson Fernandez sa LHS sa Jan3'08. O kahit ibili niya
ko ng lahat ng libro ni Paulo Coelho, Mitch Albom, Sidney Sheldon. Or, yung upcoming
album ng Rivermaya next year. Pwede na yun sakin. Kapag meron na, saka ko sasabihin
sa kanya kung paano gawin yun... teka, ano nga ba yun?
Gustong matutunan ni Meng kung paano yung may picture na maliit sa ibaba pagkatapos
na bawat post (@#$! MENG! CLUE NA YAN!). Ganto ang paguusap sa conference:
Toni Mae: Paano maglagay nung nasa baba? Halimbawa "Very Truly Yours"
Nyx: Edi ilagay mo, "Very truly yours"
Ako: Hahahahahaaahahah :))
Nyx: :))
Toni Mae: naman eh...
Gusto niyang malaman kung paano magkaroon ng ganun.
Yung kagaya ng akin na, "More of her incisions"
at yung kagaya ng kay Leo na "NZYMS" was shot at blah-blah-blah...
Kung ibabase kay Leo, hindi ko alam kung anong ginawa niya para mapalabas yun.
Iba kasi ang technic ko. Konti edit sa html code, konting bawas sa ganyan, konting
ano at ganun at ganyan. Ehehe. Ayoko sabihin. Diniskartehan ko lang yun.
Basta, iba ang technic na ginawa ni Leo sa diskarteng ginawa ko. Medyo sablay na hindi
halata yung akin. Kumbaga sa mga ballroom dancers na medyo nagkamali, nag ad-lib
nalang sila. Hehe. Ewan. Basta, kaya ng diskartehan ni Toni Meng yun.
Isa lang ang payo ko kay Meng,
bawiin na niya yung sinabi niya. Huwag siyang maging dependent.
What if pumunta kami sa Andromeda Universe ni Nyx, sino tatanungan niya?
Si Leo? Baka may talent fee pa ang tutorial ni Leo. At mas masaya sa pakiramdam
ang makagawa ng bagay na sariling sikap. Parang pagbabasa ng libro, lalo na kapag
nobela yung natapos mong basahin. Masasabi mo sa sarili mo na,
"Si Ako na tamad at bored na bored sa mga libro, nakatapos ng isang nobela!"
Parang music din. Sabi nga ni Manx since self-taught siya sa paglalaro ng gitara
"music is in the heart if you listen closely."
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
KTHXBYE.
