Nagising ako ng 4am. Dahil sa medyo maaga pa, ayun, tulog ulit ako.
Mga 5:20, nag-ring yung telepono at nagising ako. Si Nicole ang tumawag.
Tinatanong niya kung may pasok ba... hindi ko rin naman alam.
Hindi ako nakakain ng agahan.
Bago pa ko umalis ng bahay, nararamdaman ko na yung konting gutom...
"Yaka pa yan hanggang break, tiisin muna."
Nakasabay ko si Don Kim at ang nagmimilagrong si Lloyd (milagro ang nangyari dahil hindi
siya late ngayon). Ang ganda ng entra ko sa may bandang riles, takte... natapilok ako.
Ang ganda pa ng pagkaka-tapilok ko, hightech! Hehe. Basta, mahirap i-explain yung
nangyari at kung paano.
Luphfet, hindi ako late.
Maganda rin ang welcome note ni Leonille sakin. Oo, konektado kay Lobotae.
AT LAST, PARE! AT LAST! AHOO-AHOO!
Ito na yata yung abisong hinihingi ko. Hinintay lang ata talaga ng kalikasan na aminin ko
sa sarili ko ang maling pag-exceed sa limitasyon ko (kung ano man ang tinutukoy ko,
at kung hindi niyo maintindihan, bahala na kayo). Luluhod na sana ako sa harap ni Leo kasi
hindi ko inaakalang sa dinami-rami ay siya pa ang makakapagbigay nun sa akin.
NOTE:
Ayoko nang sabihin kung ano yung welcome note ni Leo, lalo na dun sa mga KJ jan (Nakaka-ano man, si @#$!$#@! ang tinutukoy ko) na makakabasa, dun sa mga taong mag-su-suggest ng inaakala nilang joke pero hindi nakakatawa (kasi ang ogag niya). Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko naiku-kwento sa kanya lahat. Pero kasalanan din niya dahil immature siya sa mga ganung bagay at ayokong magsabi ng saloobin sa mga taong mang-mang at estupido sa mga gantong klase ng emosyon.
Walang nangyari. Hindi ako na-shock. Walang sama ng loob. Ewan ko kung bakit.
Natawa pa ko. Natawa ako kasi ano... hehe. Yoko nga sabihin. Mahirap magbigay ng prejudice
pero kung alam niyo lang lahat ng pangyayari, matatawa rin kayo. Ayoko nang ikwento kung
anong nangyari noong... basta.
maganda ang background music, Kamasupra ng E-heads:
*...kami'y nagkantahan nang muntik ng maabot ang langit*
Keyboarding... at hindi center ang pagkaka-type ko dun sa pina-type samin.
Ubos na oras namin, hinayaan ko nalang tutal marami rin namang sablay ang pagkakatype...
o talagang may problema sa paraan kung pano kunin ang mga side margins. Ewan.
Saka ko lang naalala yung tungkol sa Haw-ang.
Goodluck, wala akong perang dala pang-bayad ng ticket.
Bukas nalang. Hindi ko tatakbuhan yun.
Pero sana nga lang bigyan ako ng pera ng tatay ko.
Tsaka maganda naman yung film, mas maganda pa sa mga pelikulang
mapapanuod sa MMFF. Hindi kawalan ang magbayad.
>>>
Hindi na ako nakakain no'ng break. Ginawa ko yung sa PA na hindi naman pinapasa
at yung sa Algebra - na hindi ko na naman maintindihan.
Nag-Social kami at kahit pano, nakasagot ako sa quiz.
Nag-Bio, at wala akong libro.
After 12 hours, nakakain lang ako nung uwian na. Ham & cheese sandwich lang ang kinain ko.
Aakalaing nag-d-diet ako, 'nyeta. Ayoko na ng ganun...
kulang ang tulog, hindi pa nakakain. Kahit tubig, wala.
Parang fasting. Kulang nalang kunan ako ng dugo para sa CBC.
>>>
Muntikan ko ng makasabay si Miguel pauwi.
Buti nalang, hindi. Baka masira ang araw ko.
Kasabay ko si Cesar, ayun. Nice choice ng jeep.
Mabilis pero hindi mag-fi-fifty-fifty ang buhay mo.
*ihulog ang barya, hilahin ang batuta sa pop machine!*
>>>
Hanggang ngayon, wala pa ko sa 25% ng Morning, Noon & Night.
Pero medyo nakakalayo na ko sa simula at mukha ngang masaya.
Haiz... puro libro at music ang buhay ko ngayon.
>>>
Saka ko na iku-kwento yung tungkol sa Production Designing Workshop
o kung ano man yun.
Geh,
KTHXBYE.
