12.10.2007
Monday. Wala lang. Balik-iskul kami. Tapos, ayun. Dala ko yung Eleven Minutes sa iskul para ipakita kay Pia. Baka kasi dehin maniwala na binili ko yun eh.
Medyo masaya ang Stats. Parang may Celebrity Deathmatch sa harap ko. Pinagkaiba nga lang, hindi sila celebrity. Ang saya, tawa ako ng tawa. Si Fatima at Socorro kasi, ewan ko lang, nagsasakitan sila pero tuwang-tuwa parin sa isa't isa. Basta, masaya. Ayoko nang ikwento yung iba pang detalye.
Nag-no-notes naman ako sa Bio kaso hindi ako masyadong nakikinig. Wala lang. Masayang tumingin sa labas ng bintana eh. Syempre, kasi, ano...
Ayoko pa sanang umuwi kaso tinatamad na ko mag-overstay sa iskul.
Ayoko pa sanang umuwi kasi nasa tabi-tabi lang si Lobotae.
Pero since tinatamad na nga ako, umuwi na ko. Ayoko ng gugulin masyado ang oras sa kanya.
Matagal ng walang tumatawag sakin ng Rinoa Heartilly at nung 1styr ko pa ginive-up ang code name na Rinoa Echizen.
(konek?)
12.11.2007
Wala lang. Wala lang ulit.
Medyo na-late ako. Dehin ko nakuha yung gamit ko sa locker. Hiniram ko nalang tuloy yung notebook at libro ni Toni Mae sa English. Hindi rin naman ako nakapag-review. Tinamad ako eh. Buti nalang, 69 out of 80 parin ako sa test. Nakaka-ano nga lang kasi na-confuse ako at nag-hesitate na isulat yung "unpoetic" tsaka yung "envy". Lechugas. Kung nagtiwala lang ako ng tama sa utak ko, Naka-71 pa sana ako.
Sa Filipino, walang nag-recite. Humanda raw kami kinabukasan.
May consequence kasi kapag sa loob ng pagbibilang ni Ma'am ng 1 to 10 ay wala paring nag-re-recite samin/sa buong klase. Pinatutupad ang batas na yun kahit sa 3rd yr. Wala nga raw nagda-dare dun at nagkaiyakan pa nga raw nang minsang pinagawa sa kanila (sa 3rd yr) ni Ma'am yung consequence na yun. Ang totoo, isa ako sa mga gustong makasubok ng sinasabi ni Ma'am. Gusto kong i-take yung risk na kahit kelan eh hindi ko viniew as risk. Trip-trip lang. Sakayan lang ng tsubibo.
During Bio Time habang hinihintay si Ma'am Rivera:
*Pinapanuod ang trip ng mga kalalakihang klasmeyt ng biglang may nakitang isang organism sa labas. Halatang kay Ako siya nakatingin (at nakangiti[WTF!]) kaya natawa si Ako. Hindi pinahalata ni Ako kay organism yun at nakatingin lang siya sa mga kalalakihang klasmeyt na kunwari'y sa kanila natatawa.*
Ako: LEZLEE!!!
*tingin naman si Lezlee kay Ako na parang nagtatanong ng "Bakit?"
Ako: LEZLEE! Nakita ko ulit!
Lezlee: *sabay tayo at dungaw sa labas ng bintana*
Ako: Tangergs! Wala na! Tingin ka pa jan eh!
Lezlee: An'daya! Sino ba kasi yun?!?!
Uwian na. Ayun.
Dala ni Lezloy yung Macarthur. Binasa namin.
Langya, malay ko bang ganun yun. Hindi ko alam kung ma-sho-shock ako sa mga nababasa kong salita o matatawa.
"Ulol."
"P@kyu."
"Bogaloids!"
"Abnormalites!"
at kung anu-ano pang mas anong mga salita. Taena!
(ay, dumulas, pasensya).
Hindi ko na tinapos basahin yung Macarthur. Tinamad na naman akong mag-overstay sa iskul.
Umuwi nalang din ako agad.
12.12.2007
Ginawa namin yung consequence.
Wala lang. Sana dehin nalang sila umiyak. Lalo tuloy ano....
Hindi ko sinasabing OA o nakakairita... basta, mahirap i-explain eh.
Buti kung walang ibang makakabasa nito.
Ok naman ang yung test sa PA. Ang gulo.
Ok naman ang test sa Bio... ahoo! Sayang, hindi ko parin na-perfect.
Tama sana ako kung hindi ako nagkamali.
Wala namang masyadong nangyari. Kwentuhan lang ng sama ng nararamdaman, mga saloobin, thoughts, et cetera.
Quek-quek na naman pag-uwi. Cholesterol na naman pag-uwi.
Badtrip sa jeep. @#$!
Naumpog pa ko pagkababa.
Pero bago dun, mas malala. Yung ano, leche.
Basta.
Parang hindi sapat yung paghuhugas ko ng kamay pagkarating ng bahay.
May pasok ba bukas?
Sa ngayon, binabasa ko yung Morning, Noon & Night by Sidney Sheldon.
Sabi ni Maan-tots maganda eh. Geh, try ko.
>>>
Ayun.
Wala na kong maikwento.
Geh.
KTHXBYE.
