Tagal kong dehin nakapag-blog. As promised, Sunday, di ba?
Yung title ng entry ngayon, wala lang. Galing yan sa 11 Minutes. Isa yan sa mga tumatak sa isipan ko. Ito'y dahil sa, kung ang By The River Piedra I Sat Down and Wept ay merong "Break the glass", ang 11 Minutes, may "Light the fire". Kaso hindi doon nagsimula ang lahat. Hindi kagaya ng By The River Piedra, nauwi sa isang sensual, passionate, intense night ang page150. Sa Eleven Minutes, kailangan mong maghintay ng labing isang minuto bago makarating sa pahinang naglalaman ng page150 ng By The River Piedra. Kung wala kayong maintindihan, huwag niyong intindihin dahil hindi naman ito ang climax ng entry ko ngayon (na ewan ko kung may climax nga ba). Si Toni Mae at Pia lang ata makakaintindi nun. Isama narin si Nyx at Ephraim... at kung sino pa ang nakabasa na ng mga nasabing nobela.
Sunday, December 9, 2007
"Light the fire"
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Blah-blah:
Para sa mga walang alam sa buhay, para sa mga taong walang alam kundi ang jokes na binibigay ng daga sa tabi niya(konek?), sa mga taong manhid, sa mga taong hindi marunong at ayaw masaktan,at para sa mga hindi kilala kung sino ako, yung totoong ako: hindi ito ang post na nararapat sa inyo. Bumalik nalang kayo sa susunod. Pero kung handa kayong imulat ang mata ng kaluluwa niyo sa tunay
na si ako(na hindi sa lahat ng oras ay perfectionist, pala-mura, at happy-go-lucky), salamat.
Ito na nga yung post. Pero hindi ko inaasahan na maiiba ang nilalaman.
Kahapon, pumunta kaming Quiapo... at nakita ko ang realidad ng buhay. Nakita ko rin ang tatlong nilalang na nagpapaalala sakin kay Lobotae. Hindi nila kamukha si Lobotae pero hindi ko lang alam, naaalala ko lang siya. Lalo na dun sa isang nagbebenta ng pekeng DVD. Napatulala ako sa tikas ng nose bridge niya. Pero syempre, walang tatalo kay Lobotae. Kahit mawalan pa siya ng nose bridge, ako'y mananatiling partisan ng mundo niya.
Dahil sa ganto ang nangyayari, sumuko ako.
Tuwing makikita ko si Lobotae, hindi halata pero natutuliro pa rin ako. At tuwing naririnig ko naman ang kantang Tuliro ng Sponge Cola, tapos yung acoustic pa, naaalala ko naman siya. Isama pa yung nangyari noong March 29, 2oo7.
*Anong nadarama ngayon at nandirito ka sa'kin tabi? Tuliro, di malaman ang gagawin...*
Tuwing naaalala ko yung nangyari noong Enrollment(ewan ko kung May 29 yun o May 30), tumutugtog parin yung isang linya ng Ang Huling El Bimbo sa bawat hanging pumapasok sa akin.
*sa panaginip nalang pala kita maisasayaw...*
Tuwing malamig ang paligid, alam kong malapit lang siya. Kahit hindi ko suot yung reloj ko, basta natutuliro ako, kahit hindi ko pa siya nakikita, kahit wala pang nakakapagsabi na nandun lang siya sa Machang o sa pa-S na upuang bato, alam kong malapit lang siya. At tuwing ganto ang nangyayari lalo na kapag suot ko ang aking dakilang reloj, parang sinasabi sakin na:
Kaya lagi siyang nandito tuwing suot mo yang reloj mo para ipaalala sa'yo ang limitasyon mo. Na kahit tumatakbo ang minutong nakatitig ka sa malalim niyang mga mata, ilang segundo lang ang pagsulyap niya sayo. Hanggang doon ka lang.
Umaandar na naman ang iTunes ko.
*Kung kaya kong pigilan lang ang oras sa kanyang pintig, asahan mong ako'y di hihinto...
Patuloy na pumapatak ang bawat sandaling natitira habang ika'y kapiling ko...*
Hindi ako manhid. Isa yan sa ewan ko kung bakit nasa akin. Pero astigin. Madali kong mabasa ang ugali ng iba at kayang sakyan ang mga ito. Minsa'y alam ko ang bawat salitang umiihip sa mga utak nila. Alam ko kung bakit ganun ang kinikilos nila, kung bakit sila umiiwas, kung bakit sila papampam sa'yo. Salamat at hindi ako manhid, lalo na pagdating sa kanya.
*Every breath you take
Every move you make
Every bond you break,
Every step you take
I'll be watching you...*
Pero kahit ganun ako, pagdating kay Lobotae, limitado. Takot akong basahin ang bawat kilos niya dahil ayokong makaramdam ng bagay na negatibo, at ayokong dumating ako sa punto ng pagiging bulag sa positibo. Mahirap ipaunawa, pasensya. Kaya limitado sa kanya.
Limitado ang lahat sa mundo naming dalawa. Mali, limitado ang lahat sa mundo ng isa't isa sa amin. Nagkakataon lang na nagco-collide ito paminsan-minsan.
At dahil kahit pano, pinapakiramdaman ko siya at nararamdaman ko naman ang bawat kilos niya, nababasa ng kahit paano ang mga ito, lumalala ang sakit ko. Isang sakit na parang diabetes, walang gamot, kailangan mo lang ng tamang diet. Kaso, ako, ewan.
Nag-play na naman mag-isa yung iTunes... hindi, Windows Media Player pala ang tumutugtog ngayon.
*Why cant you see me like I see you
Can't you feel me like I feel you,
Can't you be with me tonight?*
Sa tingin ko naman hindi rin manhid yung hinayupak na nilalang na 'yon. Ewan ko.
Kung hindi pa niya alam ang eksaktong nangyayari, siguro, confused siya.
Pareho kami ng tingin tuwing makikita ang isa't isa pero hindi ko masasabi na pareho ang pinahihiwatig ng tingin na iyon. Ayoko na nga kasing masyado pansinin.
Teka, napaaga ata yung player ngayon...
*Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magde-dedmahan
hanggang sa tayo ay magkagustuhan*
(WTF?! Paki-tanggal yung huling linya)
Noong mga panahon na maraming nagsasabi na isang napakalaking turn-off para sa kanila na kung malalaman nila na yung taong inaalayan nila ng kanilang mga tula ay nawala sa isang komunidad dahil sa pumapatay na palakol ang inabot ng capacity ng utak niya, ako, wala lang. Hindi ako na-turn-off, hindi disappointed. Wala lang. Ganun parin ako. Tuliro parin sa presensya ng kahit silhuoette lang niya. Asar nga ko sa kanila eh, parang gusto kong sabihin sa kanila na, "Lechugas, bakit ba kayo yung dismayado? Ano naman ngayon kung marami siyang pumapatay na palakol? Leche-plan. Masyado kayong affected, bakit, may pagnanasa ba kayo sa kanya?"
Ewan. Basta, ako, ayun. Ganun parin. Kung ganun man ang nangyari, hindi ako apektado. Hindi ko alam. Siguro hindi ako nag-expect ng malaki sa kanya. Siguro, kasi, kuntento na ko sa nakikita ko siya sa araw-araw na alam kong malapit ng matapos. Siguro, kasi, para sa'kin, he's more than enough.
*Ikaw ang gitara sa aking gitara
At kay nipis ng lahat kapag wala ka*
Ayokong sabihin na tama ang sinabi dati ni Leo, hindi lang ako insipirado.
'Nyeta. Ayoko talagang sabihin na ganun kahit minsan alam kong parang ganun na nga pero ayoko paring isiping ganun. Ibang abiso na ang hinihintay ko ngayon. Dati, naghihintay ako ng abiso na magsasabi sa akin na, "maaari mo nang ipagsigawan na wala na, na handa ka ng awitin ang isang linya ng Sundo para kay Jasu".
*...mula ngayon,
pag-ibig ko'y sayo*
Ngayon, naghihintay ako ng abiso na magsasabi sa akin na, "maaari mo nang ipagsigawan na tinatanggap mo sa sarili mo, na hindi mo nalagpasan ng tama ang limitasyon mo".
Pero pano kung matagal nang dumating yung abiso na yun, ayoko lang pakinggan... dahil kahit hindi ako takot sa mga negatibong epekto, takot parin ako sa katotohanang nakuha ako sa tingin?
*Maiiwasan ba?
ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko
ngayo'y lilipas nang hindi kita nasisilayan
nararapat bang pigilan ang damdamin na
lalong mahulog sa iyo?*
(WTF?! Paki-tanggal ulit yung huling dalawang linya...)
(Sabi na eh, takot ako)
Sa ngayon, ewan. Wala lang.
Nangangarap parin ako.
*Himala,
kasalanan bang humingi ako sa langit ng
isang himala?*
At gusto ko parin siyang makita.
*Ilang bukas pa ba
bago tayo ay magkita?
Ako'y naiinip na,
bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka...*
Siguro, pag 3rd yr college na ko, pwede ko ng kantahin ang Five Years
*But he will not be back...*
"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"
Sa susunod nalang yung ibang post.
Yung mas may kabuluhan, para sa iba.
Yung mga talagang nangyayari sa paligid.
Sa paligid nila, at hindi akin.
At konting akin.
Ganun, balik sa dati.
Tulad ng dati.
KTHXBYE.
. .
