Saturday, December 1, 2007

"Break the glass..."

Currently, nandito ako sa isang internet shop. Ok naman dito. Hindi maingay kagaya ng iba. Tsaka ang ganda ng keyboard, hindi lamsak kagaya ng iba. Three hours ako, 50php. Dapat 1 1/2 lang ako para makapanuod ng Dr. Heo Jun kaso tatay ko narin ang nag-alok kaya pumayag narin ako na hanggang alas-4 dito.

(Pinapatugtog kanina yung sa Hwang Jini. Wala lang. Sinabi ko lang.)


>>>
Teka, lumindol ba talaga? Ang daya. Bakit dehin ko naramdaman? Kung dehin niyo alam, araw-araw akong naghihintay na lumindol para maramdaman ko naman kung pa'no. Malakas-lakas pa naman yun. Bakit kapag mahina nararamdaman ko, pag malakas, hindi. 'Nu ba yan. Gumalaw ba talaga ang mundo? Sayang.

>>>
Speaking of Dr. Heo Jun sa Arirang, wala na. Patay na si Sang-hwa. Ang tikas pa naman ng boses nun.

(Siguro kung nandito si Kim Alec, nag-concert na yun. Puro senti ang pinapatugtog. My Valentine yata yung kanta ngayon. Ewan ko kung yun nga yung title. Basta, puro trip ni Kim yung kanta.)

Balik tayo kay Heo Jun...
Ayun, patay na si Sang-hwa. Nabawasan ng matikas ang Dr. Heo Jun. Sana mantiling buhay yung anak ni Heo Jun. Gwapo eh (ahoo!) este, matikas. Yun. Ganun.

>>>
Mamaya nga pala, Just Like Heaven sa HBO. And since 1:42pm na, Stay Alive ang pinapalabas ngayon. Galing ko 'no... alam ko lahat yun. Ehehe. Syempre, kasi nga nag-e-exist ang hboasia.com. Tapos, sa December 26 at 29, Pride & Prejudice. Ahoo-ahoo na naman.

>>>
Nga pala, may ubo't sipon ako ngayon. Badtrip. Yung ubo ko, pahamak. 'Pag kumakanta ako ng Dolorosa, pagdating sa part na mataas, bigla nalang kakati yung esophagus ko. Leche-flan. Basta. Tapos may phlegm(tama ba?) pa. Letse-plan talaga. Yung sipon naman, letse-plan din. Medyo nag-luluha pa ko. Akala siguro ng mga tao dito(kahit hindi naman masyadong marami) masyado akong emosyonal. Hikbi ako nang hikbi. Singhot nang singhot. Partida, lahat ng prutas na rich in VitC kinain ko na. Pati Neozep. Haiz. May electric fan pa. Yung hangin, tumatama sa mata kong currently ay iritable.

>>>
Ano na nga bang nangyayari ngayon? Daming gulo sa paligid.
Nasa kainitan ng balita yung nangyari sa Makati/Manila Peninsula.

(Currently playing Beautiful Girls by Sean Kingston. Gusto ko sanang mag-baby freeze kaso... wala ako sa bahay)

>>>
Ako: Lezlee, nakita ko na naman!
Lezlee: Yung 4th yr? Sino ba kasi yun? An'daya, bakit kasi ayaw mo pang sabihin...
Ako: Sorry, dehin talaga pwede eh.

NOTE:
Si Kuya ay si Kuya. Huwag i-compare sa 4th yr na yun.

>>>
Ssbi ni Pia, nabasa na niya yung climax ng By The River Piedra. Ahoo-ahoo for Pia! Sa tingin ko, sa ngayon tapos na niyang basahin yun.

Isusunod nalang namin yung 11 minutes. Ehehe. Huwag muna. Veronika Decides to Die muna. Ehehe.

NOTE:
Paki-basa yung post ni Meng sa shoutbox ko.
yung "Break the glass..."


>>>
Yun nga palang sinasabi kong ipopost ko this December, yun na yung next post ko.
Hintay lang. Hindi ko rin kasi alam kung kelan ako ulit makakapag-net. Basta, yun na yung sunod.

(can't you see that I'm already broken?)

>>>
(currently playing First Love by Utada Hikaru)
Sa panunuod ko, may nakulimbat akong mga coachable coach.

Habang pinapanuod yung The Making of Agent J sa Channel [V], nakakuha ako ng mga emosyonal na linya:
"Is this destiny? Or by chance?"
"Can a person without the past fear the future?"
"Everybody has a chance at true love... what about me?"
"I only exist when someone acknowledges my existence
."
"
Is love a belief? Or an illusion?"


Meron pa eh, kaso dehin ko na nakopya ng buo. Hindi pa naman ako expert sa steno, pasensya.

Tapos sa Dr. Heo Jun, yung sinabi ni Princess Kongbin:
"Pain comes from obsession."
"Letting go is the way to find peace"

At syempre, galing sa By The River Piedra I Sat Down and Wept:
"Break the glass..."
-ahoo! dyan nagsimula ang lahat. Hindi nga 'to emosyonal. Sensual ito na nauwi sa isang intense na gabi.

"If only I could tear out my heart and hurl it into the current, then my pain and longing would be over, and I could finally forget..."

"May my tears run just as far, that my love might never know that one day I cried for him..."

Haiz... bumabalik ang lahat. Lahat ng nangyari mula nung Oct. 03, 2006 hanggang sa ngayon.
Bakit? Siguro hindi pa ko handa para ilabas yung post of December. Yung Arts of limitations. Ewan. Basta, kailangan talaga ng abiso para dun. Isang matikas na batayan para ilabas yun. Ewan ko talaga.













KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer