Sunday, October 7, 2007

Ulila sa iyong kapa...

Isa na namang linya mula sa isang kanta ng Mistula: Nuestra Señora Dolorosa.

Currently, 9:49 na.
An hour ago, umalis na si Mama. Niyayaya(ang daming ya) pa nila ko na sumama sa paghatid hanggang airport. Sabi nila, kahit dehin na ko maligo at kahit nakapangtulog lang ako oks lang. May tsekot naman kasi. Sabi ko, ayoko.
Sa isip ko, "pakshet pala kayo eh. gusto niyo ba 'kong umiyak sa harap ng madlang tao? kung hindi ba naman kayo mga ano..."

Ayoko talagang hinahatid si Mama sa airport. Nasubukan ko na yun dati, gumuho ang crust ng mundo ko. Dahil sa maraming tao, pigil na pigil ang sarili ko. Kailangan hindi ako maging... emotionful
(?!?!) Ano nga bang term yun? Basta, takte. Tsaka, ano yun? Kung dehin ko kokontrolin ang sarili ko, iiyak ako sa harap ng madla. Diba... parang o-gag lang. Ayoko ng ganun. Kaya sa bahay lang ako lagi. Malaya akong basagin ang mga plato na pwedeng basagin.
(siyempre, hindi ko naman talaga ginagawa yun. kapag binasag ko ang mga plato, wala kaming gagamitin at ako lang ang maglilinis nun. nakakatamad lang.)

10:55 ang flight ni Mama. Saktong 10:00am na. Sigurado, ngayon, nasa airport na yun. Mabilis lang naman ang biyahe. Kung mamayang 12pm, kakain ako ng tanghalian... si Mama, nasa Hong Kong airport na. Hindi na talaga mapipigilan.

Mula kanina nung lumabas siya ng pinto, yun yung last view ko sa kanya. At after 3 months, saka ko nalang ulit siya makikitang live/in person/in front of me/whtsoevr. So, sa ngayon, hanggang pictures lang ako. Pwede ring hanggang imagination. Haiz...

To be continued...


After 3 mins.
Dumating si Rowie(pinsan ko). At sakto, tumawag si Mama. Nasa loob na raw siya ng eroplano. Kung nung dumating siya last week ay delayed ang flight niya, ngayon naman, napaaga. Hindi na talaga mapipigilan, nasa loob na ng eroplano si Mama.

*ikaw ang gitara sa aking gitara...
at kay nipis ng lahat kapag wala ka*

Bagsak agad si Rowie. Ganun ba kalakas ang suntok ko? Hehe.
Tulog agad, kararating lang. Yan ang epekto ng mga taong hindi natulog kagabi at tiniis ang antok hanggang umaga. Sigurado, mamaya pang ala-sais magigising yan.

Geh, tuloy ko mamaya.
May panunuorin muna 'ko.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer