Isang linya sa The Last Supper ng Mistula.
Isa yan sa mga kantang laging umiihip sa aking diwa. Kumbaga, ito ang tinatawag nating LSS. Medyo LSS ako sa The Last Supper. Na-weirduhan lang ako sa kung ano ba talaga ang kahulugan ng kanta. Lalo na sa parteng ito:
Heto ako, iyong bimpo, gamitin mo
Siguro kung narinig niyo na yung buong kanta, mas maiintindihan niyo ako. Ang dating kasi sakin, sacrifcial. Ibinigay ng ina ang kanyang sarili para lamang busog na mahihimbing ang kanyang anak. Ang dating sakin, cannibalism. Ang sama ng term at kung iba- base sa lyrics, masyadong literal na pagkakaintindi ito. Kaso, nang tinanong ko si Nicole kung ano ang pagkakaintindi niya sa kanta, ganun din. Tapos, si Pia, ayaw raw niya nung The Last Supper kasi, "ang ano nun..."
Tsaka kaya nga "last supper", yun na talaga yung huli... Huling hapunan na nung ina. Tapos, yung binigay pa nilang description/caption dun sa kanta, "A mother's last recourse to feed her starving child." So, kung iisipin, siya ang hapunan ng anak niya(?). Ewan...
Teka, ano nga bang definition ng recourse?
Recourse- n. a source of help in a difficult situation.
Ang dating, desperado na yung ina na mapakain yung anak niya, para lang hindi magutom, para lang sa gabing iyon.
Wag kang mag-alala, di ka mauubusan...
Tsaka, "a mother's last recourse..." Yun na raw ang huling source of food or whatsoever to satisfy or to fill her child's starvation. Diba? Gets?
Hindi ko talaga mapagtanto. Medyo gumagana kasi ang aking imahinasyon at aking nakikita sa aking isipan ang pinaka-nangyayari. Ang ibig kong sabihin, there's a picture in my head na nagpapakita ng isang sitwasyon na tumutukoy sa kung anong pagkakaintindi ko sa kanta
"Sarap na sarap ang bata habang kumakain. Siya'y masaya at umaapaw sa kagalakan dahil nasa kanyang harapan ang mga pagkaing ngayon lang niya nakita at matitikman. Sa dami nito, parang walang katapusan. Binusog niya ang kanyang sarili. Siya'y masaya at napunan ang gutom na matagal nang tiniis at tinuring na pasakit. At kanyang napagtanto, hinanap, upang alukin at bigyan ang nag-iisang taong nagbigay sa kanya ng kagalakang kanyang natamo sa gabing iyon. At sa kanyang paghahanap, kanyang nalaman na nawawala siya, ang kanyang ina. At sa huli, nalaman na rin niyang ang sarap na kanyang nalalasap ay bunga ng matinding pagsasakripisyo ng taong nagpapahalaga sa kanya ng lubos."
Yan, isipin niyo kung ano ang picture/movie/sitwasyon niyan. Yan ang umiiral sa aking imahinasyon tuwing maririnig ang kantang iyon.
Ok. Sige. Tama na.
Sa mga nangyayari, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Nagsimula na kami sa shorthand. Astigin kasi gusto ko na talagang matutong mag-steno. Excited naman ako. So, ayun, diniscuss ni Sir yung mga benefits, advantage at kung anu-ano pang maidudulot na maganda ng shorthand. Natutuwa naman ako. Nasimulan narin namin yung tungkol dito, yung "sounds-like-method-of-writing" or yung phonetic na pinaiiral sa shorthand. Madali lang naman...
Hal: May/ Mae - Ma
Basta. Ganun. Kasi yung -ay at yung -ae sa May/ Mae ay tunog ng letrang "a" so sa shorthand, Ma nalang siya. Yun. Basta
(kanina pa talaga yang basta na yan)
Nagkaroon ng short quiz. Astigin. Luphfet ko. Perpek! Dyes over dyes. Tuwang-tuwa naman ako. Tapos, sabi ni Sir: Liars go to hell. Binasa pa yung part ng Revelations. 21:8 ata yun. Tapos, sinabi niya na yung mga nag-bigay ng papel sa kaklase(mga politician at kasama ako dun) at yung mga nanghingi ng papel sa kaklase(mga parasite) ay zero sa quiz. Hindi ko ma-deny na nag-bigay ako ng papel (at sa tatlong tao pa yun) kasi nauna ang pangongonsensya. Epektib ang method ni Sir lalo na sa mga katulad ko. Sa makakapal ang mukha at hindi pa natinag kahit binasa na ni Sir yung isang verse sa Bible, ewan ko nalang. Makapal pa sa kalyo ng kabayo ng kapitbahay namin yung mukha nila ('wag maging pilosopo! oo, walang manipis na mukha! tagain ko kayo diyan eh).
Nag-sorry si Jeffrey, pati narin si Cabangs. Oks lang naman. Hindi ko naman sila sinisisi. Dehin din ako galit. Naiiyak lang ako nung mga panahon na yun kasi nga perpek ako. Buti kung mababa yung nakuha ko, dehin ko panghihinayangan yun. Kaso, yun nga... dyes over dyes tapos, dahil lang sa papel, back to the future ako. Na-ground zero ang iskor ko. Haiz... Pero oks parin. Ok na lahat sakin. Tapos na yun. Hindi ako galit kay Sir at hindi rin ako galit sa mga nanghingi sakin ng papel. Huwag nalang nilang ipapaalala sakin kasi nakaka-ano talaga.
Tapos, isa pa, isa pang ka-anuhan.
Nadagdagan ang kasalanan ko. Muntikan ko ng isumpa yung ST. Ang totoo, sa sobrang inis ko, medyo may nasabi ako na hindi karapatdapat. Nang-curse na naman ako.
Pano ba naman kasi, 10:30 ang break namin. Dismissed na dapat kami. So, time na... Nag-extend ang m)l$h^nd&t*ng ST. Kala namin mga 5mins lang. So, keep our cool kami. Hanggang sa naglalabasan na yung mga taga ibang section.10mins extended. Ok, kaya pa. Keep our cool parin kahit medyo napapamura na kami. Tapos, dire-diretso parin ang dakilang ST sa pagdi-discuss, pag-e-elaborate ng mga bagay na mas nakakapagpatagal ng oras, at pagtatanong ng mga bagay na hindi na dapat tinatanong. Natatawa-tawa pa siya. Nakakagag-o yun. Nababadtrip na kami. Hanggang 15mins na ang itinagal. Hindi ba niya nahahalata? Wala nang nakikinig sa kanya. Ako, as much as kaya kong kontrolin ang init ng ulo ko,kakayanin ko wag lang mabastos yung tao, siyempre, respeto yun. Kaso, sobrang-sorbrang-sorbrang to the 1408th power na asar na ko...
Medyo nilakasan ko yung boses ko, "Lezlee, may assignment ka sa Stats? Pakopya naman! Hindi ko pa nagagawa yun eh..." Sasabihin ko pa sana na, "May quiz pa pala sa Bio, magre-review pa tayo." At ang gusto sanang sabihin ng lahat, "@#$! naman. Tom Jones na kami at marami pang gagawin! Ano ba?!"
Pero... ok na naman ako. Wala na sakin yun (kaya pala meron pang adjective na m)l$h^nd&t*n at kung anu-ano pa?!).
(Hirap naman ng ganto. Ang bilis kong mag-forgive/forget. Pano ko reresbak niyan?)
Atbp.
Alis na si Mama sa Linggo. Habang birthday ni Pia, pabalik na si Mama sa bansa na kung saan nagsimula ang makasaysayan (at baka nakakain na ko nito nang minsang nagbakasyon kami dun) na Cardboard Siopao. Obviously, sa
Lungkot. Hindi kami nakapag-bonding ni Mama masyado. Nakonsensya nga ako eh. Tuwing naglo-log in ako sa Friendster, lagi kong binabasa yung horoscope ko (oo na. kornik na ko). Siguro, Tuesday yun, sinabi dun sa horoscope na, "Spend more time just with your family. -not with friends" Hindi naman yan yung eksaktong nakalagay pero yan yun punto niya. Hindi ko lang talaga makalimutan yung not with friends... Tinamaan ako ng tagus-tagusan dun. Akin kasing napagtanto na, totoo. More on iskul ako himbis na umuwi ng maaga kasi alam ko namang nandito ngayon si Mama at limitado ang oras niya. Haiz...
*Kung-maibabalik-ko-lang-mode na naman ako*
Umuulan na naman. Ambon pala.
Actually wala na kong masabi. Nagre-resound na naman at ume-echo-echo pa yung The Last Supper sa paligid ko.
(lumalakas ang ulan, malamig ang hangin)
Kaya ganun kasi, natutuwa ako dun sa kanta. At isa pa, naiisip ko na ako yung nasa sitwasyon. Tae. Hindi pwede yun. At hindi talaga mangyayari... Haiz... Hindi yun mangyayari. Hindi, hindi... hindi... hin...di...hin...hin...di...di...di..d..hin...hi...hind...hin...di...di...di..
(na-paranoid na. maganda naman pakinggan yung tawag sa mga paranoid eh... Paranoia. Diba? Ganda pakinggan...)
Ayun. Wala na kong makwento. Basta...
Neks taym nalang, okey?
Geh, alis na muna ko. Dehin pa ko kumakain.
KTHXBY.
Friday, October 5, 2007
"Mula ulo hanggang paa, tikman ang pag-ibig niya..."
. .
