Natatandaan niyo pa 'to:
I asked God to take my pride
and God said, no
He said,
it was not Him to take away
But for me to give it up...
???
Meron kasing mga bagay na nilalapatan ng saknong na iyan.
Una, yung sa keyboarding.
Ako, sa aking utak/isipan/puso/etc, naiintindihan ko yung parte ni Ma'am Palaming kung bakit niya nabanggit ang mga bagay-bagay tungkol sa pride. Pero hindi ako masyadong tinamaan kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga ginusto yung nangyari. Nagkataon lang na marami kami noon kaya syempre, damay narin ako. Pero alam kong may mali ako. Sa ngayon, kailangan kong humingi ng paumanhin. Wala namang masama dun diba?
(Kung ano man ang istorya sa likod ng keyboarding issue ay sa loob na lamang ng Loyalty at sa mga taong aking napagsabihan. Dun sa mga dehin nakakaalam, huwag na kayong magtangkang alamin ito dahil kahit maging kamatis ang talong ay hindi niyo ito malalaman. Hehe, joke lang. Basta. Hindi manggagaling sa'kin ang kwento.)
Sa loob ng klase.
Hindi na ako magbabanggit ng pangalan pero karamihan ng mga ano sa aming klase ay matataas ang pride. Lalo na si Pyong at si Seatwork...
Unahin natin si Seatwork. Akala ko noon na ang pagkataas-taas na ubod ng saksakang taas niyang pride ay dala lamang ng kung ano siya. Nung mga panahon na yoon ay ayoko muna siyang husgahan dahil hindi ko pa siya masyadong kilala... ako pala ay nagkamali. Sa paglipas ng panahon, aking nalaman na hindi lang ito dahil sa ganun o sa kung ano siya. Likas na talaga ito sa kanya. Hindi na pwedeng gawing excuse ang pagiging ano niya, talagang hindi na mapipigilan ang pag-level-up ng kanyang pride. Naiinis lang ako dahil isa siya sa mga taong kapareho ng kulto ni Ralph(isang kaklase noong elementary). Yung tipong kahit alam niyang ginawa niya ang isang kasalanan, ide-deny pa niya dahil nga napakataas niya.
Payo ko lang sa kanya:
Ganda mo kasi. Subukan mo rin sanang tignan ang mga taong nakapaligid sa'yo upang iyong mapagtanto na may nakahihigit pa sa'yo. Huwag kang umasal na alam mo lahat kasi wala ka pa sa kalinkingan ng ibang tao. Lalo na dun sa mga taong napakababa ng tingin mo.
Si Pyong naman. Ok naman si Pyong. Akala ko noon ay wala nang makakatalo kay Seatwork sa may pinakamataas na pride. Aking nalaman, itong mga last 2 weeks lang na hindi man niya kayang talunin si Seatwork, kaya niyang humanay sa kanya pagdating sa pataasan ng pride. Siguro, kung valedictorian si Seatwork, salutatorian si Pyong.
Parang si Seatwork din. Alam naman niyang ginawa niya ang isang napakalaking kasinungalingan na bumubulag sa bawat taong nakakasalubong ang pride niya, na pilit niyang tinatanggi. Marahil hindi niya ito tinatanggi na sa paraan ng denial... tinatanggi niya ito sa paraan na aakalain ng madla ay siya ang sawi.
Payo (ulit):
Ang totoo, wala akong masabi. Basta sana, huwag ka nang lumipad dahil alam mo naman na wala kang pakpak. Hindi naman sinasadya ng mga taong nakapaligid sa iyo na may malamang malagim na katotohanan. Huwag kang maghinanakit-bukid dahil sa sitwasyon ng ating mundo sa ngayon, wala kang karapatan.
Tamaan na kung sino ang tatamaan. Kung alam niyong kayo yan... bahala kayo sa buhay niyo. Nasa sa inyo kung gusto niyong pagyamanin sa inyong sistema ang minamahal niyong pride na wala sa lugar.
Sa akin.
Sa paligid, maraming bagay ang nagpapaalala sa mga nangyari... oo, sa mga nangyari.
Hindi tayo madaling makalimot pero kung nanaisin, kaya nating gawin. Sanay na ko sa mga ganyang bagay. Sabi nga nila, eksperto sa application sa buhay ng quotable quote na, "Forgive and forget". Pero may mga bagay na hindi naman inaasahang mangyari. Mga nagpapaalala.
Dahil sa mahilig ang pamilya namin sa musika, isa rin ito sa mga dahilan ng kalungkutan.
Itong linggo lang na to, lagi kong naririnig yung mga kantang I Honestly Love You, Bed of Roses, mga kanta ng BeeGees, at kung anu-ano pang 70's at 80's. Mga kanta sa Magic Sing. Sa Magic Sing na kinaaaliwan ni Mama. Nakakainis. Naaalala ko siya. Syempre, hindi ko naman siya kinakalimutan(nanay ko yun eh, nu ba!). Yung parte lang na umalis siya. Yun. Hindi naman ako naiiyak pero bakit kailangan pang lagi kong naririnig. Lalo na yang Bed of Roses na yan.
Sa mga idol.
Si Pia, may ginawang kalokohan. Kunin daw ba yung imahe ni Senpai )5)3. Tuwang-tuwa naman siya. Naisip ko naman, "So, sana pala dati, kinuha ko na yung notebook ni Lobotæ na nakatambak lang naman dun sa locker room. Dun sa locker #75 (langya, obvious na obvious kung sino). Yung notebook na kulay blue na ang sulat ng may-ari nung notebook ay parang katulad ng sulat ni Jerus. Kung nung mga panahon na yun ay sigurado na akong yun ang pangalan niya, edi sana, inangkin ko na ng tuluyan yung notebook. Edi sana, may remembrance ako. Para kapag naging pariwara narin siya tulad ni Lobo, may kopya ako ng isa niyang pagmamay-ari noong matino pa siya".
Oo, alam ko namang wala kayong naintindihan. Huwag niyo naring intindihin.
So, ito na naman ako.
Dumating na naman ako sa punto na katamaran.
Ok, geh, alis na ko.
Sabi ko pa naman, marami akong ipo-post ngayon. Nabitin ako.
KTHXBYE.
