kung c czarlaine ay may hwang jini at kuya...
ako ay may OLIVER JAMES...
-Toni Mae R. Espinar
Marami akong reaksyon ukol sa kanyang sinabi. Ito ay ang mga ss:
1. Si Hwang Jini ay yung bidang babae. Oo, babae. Kahit kelan, hindi ko inangkin at hindi ako nag-ambisyon na mapangasawa si Hwang Jini (o kahit man si Ji-won>yung pangalan ng gumanap na Jini). Baka si Eun-ho ang tinutukoy niya.
2. Si Oliver James...
Ang totoo, hindi ko nga siya masyadong kilala pero dehin ko siya jinu-judge kung sikat man siya o hindi o kung maraming aagaw sa kanya o wala. Totoo, kanya-kanyang tastebuds yan.
3. Since states-side ang kay Meng at hindi raw masyadong sikat, may pantapat din naman ako dyan para fair kami. Magaling sumayaw (astigin sa cramping) at marunong din kumanta. Ang mga na-compose niyang kanta ay kasama rin sa BIT: AoN niyang pelikula. Hindi rin naman masyadong maaraw ang taong ito... este sikat. Si Gus Carr. Hehe. Cramping. Cramping. Cramping. Ang tikas talaga.
Wala lang. Hehe.
'HBO
Click.
Dehin ko naman inaabangan ang pelikulang ito pero dahil sa medyo maaga akong nakauwi, pagkabukas ng TV, HBO agad at ito naman ang bumungad sakin. Kahit hindi ko naman ito inabangan ay pinanuod ko parin. Nakakatuwa rin naman 'to.
Nawindang ako dun sa alagang aso nila Michael (Adam Sandler). Pati ba naman yung yellow-colored-duck/pato/itik, pinatulan... and for the fact na parang design lang naman ito sa bahay. Oo, artificial/man-made-duck/pato/itik. Pati ba naman dun nahumaling yung aso? Lupet. Tapos, dun sa part na malapit ng matapos, nung nagdala ng bagong aso (parang bulldog) si Michael, nawindang din ako. Nahumaling din siya dun sa artificial-design-lang-sa-bahay-yellow-colored-duck/pato/itik. At ang nangyari, silang dalawang aso ang ano (ilalagay ko sana, umano... haiz... 'nu ba yan, masyadong bulgar. nakaka-ewan)... yun.
Natapos ang Click.
Next on HBO: V for Vendetta
Natalie Portman
Hugo Weaving
Stephen Rea [teka, tama ba?]
- diba ganyan sa HBO kapag nagbibigay na sila ng abiso kung ano ang susunod na ipalalabas? Hehe... wala lang.
Tapos, konting commercial.
Sa commercial na yun, pinalabas yung isang maikling video ng OST ata yun sa V for Vendetta. Basta, isang kanta sa V for Vendetta. Pinatugtog din 'to ni V dun sa jukebox niya... Ayun. Nakakatuwa yung short music video na yun. Kasi parang hindi vendetta eh, parang V being inlove to Evey. Gets? Hehe, ano daw? Siguro kung napanuod niyo na yung movie, mas maiintindihan niyo... ng konti.
Ayan na, simula na.
V for Vendetta.
Na naman. Oo, na naman. Pinanuod ko lang ulit kasi natutuwa ako. SA 25, 11pm, panunuorin ko ulit. Hehe. Wala lang. Wala lang talaga. Hindi naman 'to romantic movie pero may ganung dating sakin. Lalo na nung ano... basta. Ayokong ikwento. Sa sobrang excite magkuwento parang hindi ko mahahabol o hindi ko ma-a-apply sa pagta-type. Lahat kasi bigla nalang umiihip sa isipan ko. Lahat tumutugtog sa imahinasyon ko. Basta, panuorin niyo nalang.
Iba na. Pero andun parin (ano raw?). Basta, random stuffs.
Dehin ako nakapanuod ng Hwang Jini ngayon kasi... intentionally naman eh, hindi talaga ko nanuod. Tinamad akong tumayo sa kinauupuan ko para buksan yung TV at ilipat ang channel sa siyete. Kaya yun... Hindi ko naman pinanghihinayangan. Siguro kasi malakas parin ang amats ko sa V for Vendetta na yan.
Hey, hey, hapibertdey na bukas ni Shanen. Hindi ko pa siya nababati ng pormal. Hanggang comment palang sa friendster. Tagal narin naming walang communication. Since nung bakasyon pa. Gudlak naman. Miss ko na si Shanen.
Sa ngayon, lahat ng gusto kong pelikula ay sana mapanuod ko ngayon. Oo, ngayon. Movie marathon, walang matutulog. Mamaga man ang mata at masunog man ang optic nerve ko... magka-brain fracture man ako at kahit pa lumala ang insomnia ko, oks lang. Basta mapanuod ko lang lahat yun... Lalo na yung Pride and Prejudice at Final Destination Series. Syempre, kung pwedeng ulitin edi ulitin na, V for Vendetta. Hehe. Joke lang. Baka ma-umay na ko sa maskara ni V niyan...
Speaking of insomnia... wala lang. Malala yan sakin. Natatandaan ko pa dati, ala-sais na ng umaga gising pa ko. Gising ako ng walang ginagawa at nakatunganga, nagsusunog ng mata sa malamig na madaling-araw. Nakatulog lang ako nung 6:30 na. Nagising ako ng mga 9am. Nag-computer ng 8 hours. Hindi naligo at kumain... Hehe, joke lang. Exagge. Pero totoo yung hanggang 9am. Kung nag-PC man ako, dehin ko na maalala. Basta, ang limit point ay 3am. Pag lumagpas dun at gising pa ko, delikado. Kailangan ko nang gisingin ang tatay ko. Pero hindi ko rin naman magawa kasi nakakakonsensya. Ang sarap ng tulog niya eh, naka-nganga pa... Haiz...
Speaking of sleepless nights,gusto kong i-open ang bangungot. Pero next time nalang. Baka hindi kayanin ng mga kaluluwang mahihina dyan, mahila nang tuluyan ang hininga nila pababa. Oo, next time nalang. Ito talaga ang topic na nakatutuwang i-open. Siguro... mga 3am ng Nov 2, mag-o-OL ako at sisimulan ang topic na 'to. Hehe. Joke. Dehin ko kaya yun. Mahina rin naman ako kahit pano kasi tao ako. Normal yun sa isang normal na nilalang.
Geh, til nxt time.
KTHXBYE.
Tuesday, October 23, 2007
[ U N T I T L E D ]
. .
