Ang daming nangyayari.
Kahapon, Linggo.
Mga 2pm, naliligo si Papa habang ako'y nasa sala, petikx... nang biglang
"Tao po..."
sasabihin ko sana, "Wala pang yelo, hindi pa luto."
Pero syempre, binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang mga nangangandidato para sa Baranggay Elections. Nag-aabot sila ng mga leaflets.
Dapat may minus2 (-2) ang iskor nila. Namimigay sila ng papel. Ang dami pa naman nun...
Kaso, nagulat ako. Lahat sila kilala yung tatay ko.
Sa dinamirami nila, nawindang ako. Nataranta-do ako sa pagkuha ng mga leaflets nila.
Sa pagkakatanda ko, sabi pa nung isa:
"Nandyan ba si Pred (Fred)? Wala ba? Pero dyan parin nakatira? Paki bigay naman 'to. Sabihin mo pinabibigay ni Abet. Kaibigan ko yun, si Pred (kailangan talaga Pred? Ok lang, tagalog version ng Fred). "
Pati nga si Mama kilala nung iba. Sabi, "Paki bigay sa Papa mo pati narin sa Mama mo."
Dehin ata alam na nasa cardboard-country si Mama ngayon.
Ngayon ko lang nalaman na ang lakas ng kapit ng pamilya namin sa pulitika. Haha. ECHOS. OO. Isang malaking ECHOS. Ayaw namin ma-involve dyan. Friendly lang talaga kami (naknangtots!). Tsaka dehin ba nila alam, hindi dito sa San Juan naka-rehistro si Papa, sa Makati(Batang Makati kasi si Papa, si Mama lang ang lokal dito sa SJ). At ang isang pang hindi nila alam, hindi bumoboto si Papa.
Ako: Pa, anong gagawin natin dyan?
Tatay: Geh, iwan mo lang dyan...
Ako: Ano yan, collectibles?
Tatay: *natawa* Oo, collectibles para sunugin.
Sana dehin nila mabasa ang blog ko, baka ipa-assassinate kami. Hehe.
Ngayon.
Ang daming nangyayari. Marami talaga. At hindi ko nasilayan si Kuya. Malamig ang paligid, ibig sabihin, malayo siya sakin ng more than 1000 meters.
Lumalaganap narin ang adiksyon sa isang matikas at batang aktor sa Korea. Kilala niyo naman kung sino, obvious naman sa hazy frames ko diba?
Teka, hindi pa tapos yung Marimar... Ang tagal mag-Hwang Jini. Puro naman commercial.
Lumala ang pagkahumaling ko nang nalaman ko na Augustiniano rin siya. Aug4. ASTIG!
Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaahahahahahahahahaha!!!
Pero wala paring hihigit sa tikas ni Kuya.
(lakas ng loob kong palakihin yung font nito, pano pag nabasa ni Lobotæ yan? Tsk, tsk!)
Bukas.
Huling araw na bukas. Sembreak na.
Masaya kasi makakapagpuyat at makakagising ng late. Laging may internet at panahon para tapusin yung Sense and Sensibility (Ephraim, ibalik mo na yung Pride and Prejudice ko!) at mapalawig ang knowledge(nax na naman).
Malungkot kasi wala ang buhay at gumagalaw na si Kuya, hanggang picture lang muna ako. Walang pampam at maiingay na kaklase. Walang teachers. Walang brain-fracturing-algebra at nakakakonsensyang keyboarding. Walang Steno... at walang matutulog tuwing $+4+&. Hehe, joke. Ang sama. Lakas ng impluwensya ng mga kaklase ko, nawawalan narin ako ng respeto para sa iba.
Pag Nov2 na, maganda ang title ng entry ko at papalitan ko pansamantala ang background music ko (Clue- - - Uno: Piyesta na naman!!!)
Tsaka maraming may birthday sa Nov2. Kasama na si Ely Buendia dun. Hehe. Marami akong babatiin.
Tsaka bukas, ipapalabas ulit yung V for Vendetta. Saya. Saya talaga. Lakas ng amats ko dun. Na-a-adik na naman ako sa HBO. Ewan ko ba.
Basta.
Haiz...
Teka,
Hwang Jini na.
Hehe.
Lovelots,
Czars
Monday, October 22, 2007
August 4, 1987 at August 6, 1993 - - - PWEDE NA...
. .
