Thursday, October 25, 2007

...at aking napagtanto

Currently, 3:37pm na. 37 minutes ago nanunuod ako ng HBO. Bakit, anong meron sa HBO?
Syempre, ang walang kamatayan at ang nagpapasaya sa bungad ng sembreak ko:
V for Vendetta.

Hindi ko pinapalagpas 'to. Kaya mamayang 11pm, ipapalabas nila ulit ang V for Vendetta... at siyempre, kahit abutin pa ko ng ala-una, manunuod ako. Ayon kasi sa schedule ng HBO, ngayong araw na ito, Oct. 25, ang huling pagpapalabas nila ng nasabing pelikula. So, kung hindi bibili ang tatay ko ng pekeng DVD nito sa Quiapo, at kung mag-aabang lang ako sa HBO kung kelan nila ito muling ipalalabas, aabutin pa ko ng ilang buwan. Ayon iyon sa kanilang schedule. Alam ko ang schedule nila kasi nag-eexist ang hboasia.com. Dahil dito, sinasamantala ko ang bawat pagkakataon. Ayokong sabihin ko na naman sa sarili ko ang salitang, "sayang". Hawak ko ang oras ngayon, syempre, hindi ko na 'to bibitawan. Minsan lang ito mangyari.

Nagpa-alarm pa ko sa cellphone ko ng 8:30am para lang makasiguradong mapapanuod ko 'to na ang showing time ay 1:00pm pa. Hindi nga ako nagising ng 8:30 pero mga 10:30, nanunuod na ko ng Dr. Heo Jun sa Arirang. Mga 11am, bumangon na ko at ginawa ang ritwal (daily routines). 12:30, nilipat ko na ang channel sa HBO. Sakto, kakatapos lang nung naunang pelikula.

Next on HBO:
The Making of V for Vendetta
Swerte. Meron pang appetizer na the making... ahoo!

Kaso, nung natapos yung the making, nilipat ng tatay ko yung channel sa Discovery Channel. @#$! Anong meron sa Discovery Channel? FBI Files blah-blah ang gusto niyang panuorin. @#$! talaga. No choice ako, umakyat ako at sa kwarto naming impyerno nanuod. Kahit Promac Turbo ang electric fan ay no match ito sa home made Sahara Desert ng kwarto namin... Sabi ko naman, "Oks lang. Konting tiis, dalawang oras lang naman ang V for Vendetta. Tsaka, bawi na yung init ng kwarto kapag nagsimula na ang palabas."

Naks, optimistic talaga ko. *yabang mode*

Nagsimula na. Haiz...
Syempre, natapos. Hehe.
Wala lang. Nakakatuwa talaga.
Ewan. Ang gwapo ni Johnny Depp.
Haha. Anong konek?
Ang tikas ng maskara ni V.
Ang tikas ng boses ni V (Hugo Weaving).
At ang ganda ni Evey (Natalie Portman).
Yun, yun talaga yun.


Tapos yun pala, yung sinasabing cosplay ni Leo tungkol kay Kuya... haha! Magsusuot ng maskara si Kuya. Yung maskara ni V. 'Pag nangyari yun, luluhod na ko sa harap ni Kuya. Sasabihin ko sa kanya,
"I'm offering myself... my whole body, heart, and soul just to be your successor."
Tapos, mag-a-attempt ako na tanggalin ang maskara niya, tapos sasabihin ni Kuya,
"There is a face beneath this mask which is not me..."

Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha...
IMAGINATION! Ano bang imahinasyon meron ako at bigla nalang lumalabas lahat. On-the-spot lahat yan. Hindi pinagplanuhan.
Note:
Yung linya ko na i-o-offer ko ang sarili ko, gawa-gawa ko lang yun.
Yung linya ni Kuya na there is a face beneath this mask (blah-blah-blah)... linya talaga yun ni V. Nalimutan ko na nga lang yung iba niyang sinabi.
Hehe. So kailangan talaga alam niyo yun? Kalokohan ko talaga. Huwag niyo nalang akong pansinin, may hangover pa ko sa V for Vendetta eh.

*currently listening to Taning ~ Imago*

Inggit ata tatay ko sakin, movie marathon din siya sa may sala. Puro pelikula ni Bruce Willis. Hai nakup. Puro Die Hard, etc. Basta, puro mukha ni Bruce Willis. Ewan ko ba. Nakaka-adik din naman talaga eh. Pero medyo nakakainis. Bumili kasi si Papa ng DVD ng 1408 (peke yun, sigurado). Tuwang-tuwa pa siya nung pinakita sakin yun. May panunuorin na raw ako during sembreak bukod sa HBO. So, pano naman ako makakapanuod eh siya yung nakatambay at nagpepetiks habang nanunuod ng mga pelikula ni Bruce Willis, Steven Seagal, at isama na natin ang Bourne Ultimatum.

Ewan...







Ano na bang nangyayari.
Kanina ang daming lumalabas sa isipan ko na sana gusto kong isama sa entry na 'to. Kaso, ngayon, nawala... nawawala.

Haiz..

Sige,
sa susunod nalang.



Note:
My apology, Meng. Sorry for making you feel... stupid.

*evil laughters*

Actually I'm finding another term for that but may brain can't search right now. As I have said, my being is currently suffering a vendetta. But it's ok if you really feel that way. Because it's you and not me.

*evil laughters again*

And I'm sort of... being you sometimes. I know the feeling of that coldness.


And For Shani, I greeted you though you never did hear it. Sorry for not calling yesterday. But you know that I know that it was your feast. Again, my apology.



KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer