Saturday, October 27, 2007

Naubos ang tisyu namin. Type B ang dugo ko...

Yung picture ngayon sa hazy frames... linya ni V (syete. adik na talaga 'tong nilalang n ito). Akala ko mga iba't ibang words lang na nagsisimula sa letter v na pinagdikit-dikit para maging sentence. Nung nabasa ko yung definition ng mga words (na puro v ang simula at medyo malalim), aking napagtanto na hindi kalokohan ang sentence/linya ni V. Meron siyang sense. May sinasabi, hindi lang puro v.
Matalino. Malawak ang vocab. Obvious naman... sa kwarto palang niya, hindi ka na magdududa. Akala ko rin nung una, may mga French words dun... pero wala. Malalim at malawak na vocab. Tikas...

Ok, so much for that.

Yung nakaka-gag-ong pag-e-edit ng background music. Nainis ako sa imeem. So, mp3-codes muna ko.

I Found A Reason, OST ng V for V. Adiktus mode na talaga. Hehe. Maikli lang yung kanta, tapos paulit-ulit pa. Hehe, sakin oks lang. Kung natutulig na kayo, bahala kayo. Wala akong pakialam. Kasalanan din yan ng imeem, pati narin ng computer naming dakila. Siguro, pag naginternet ako sa labas, maaayos ko rin 'to. Kaso, medyo matatagalan yun dahil alam naman ng buong Balong Bato na isang napakalaking sakripisyo para sakin ang mag-internet sa labas, kahit sa SM pa yan. Hindi ako sanay na mag-internet in public. Ayoko ng maraming tao.

Anu ba yan, wala na naman akong masabi.

Sa Lunes, bertdey ni Meng. Pupunta kami sa kanila. Ang meeting place, sa foodcourt ng SM. Pero masyadong malaki ang foodcourt. Saan nga ba dun? Sabi ko, "Sa may upuan nalang... O kaya, sa may lamesa."

Hehe. Alam naman lahat ng mangmang na nakapunta na sa SM na ang foodcourt ay maraming upuan at lamesa. Sana, magkita kami.

Pero hindi yan totoo. Meron na kaming meeting place na matino. Kung saan man yun, huwag niyo nang alamin. Sa may Jollibee lang naman yun.

Ay, sorry, dumulas.










Sorry, wala na akong masabi.
Wala na kong makwento.
Meron sana akong gustong ikwento,
yung tungkol sa panaginip ko.
Kaso, parang masyadong...
Basta, awkward kung sasabihin in public.

Gets?

Saka nalang ulit.

KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer