Tuesday, October 30, 2007

[U N T I T L E D]

10.28.2007
Merong may birthday samin. Bata... sanggol pa nga lang ata eh. Nairita lang ako kasi meron pang clown. "Handa na ba kayo mga bata?" Ang kornik. Pero kornik din naman ako noon, kasi natutuwa rin ako sa mga clowns dati. Except nga lang sa mga laruan na clowns. Hindi sila nakakatuwa. Mga mukhang chibi demons.
Nagbigay sila ng pagkain samin. Ang sarap ng istapegi nila tsaka nung putong kulay red. Nakakahiya naman, wala kaming regalo. Pero ok lang naman yun... nakiki-celebrate naman kami. Sana lumaking healthy yung baby.

10.29.2007
Maaga akong nagising pero natulog ulit ako. 11:30am ako bumangon at saka ginawa ang ritwal. Kailangan kong maging presentable kahit pano kasi pupunta kami kila Meng, bertdey niya kasi.
2pm ang napagusapang oras at syempre, as usual, late ako. Mga 2:30 na ako nakarating dun. Tsaka kasi naglakad lang ako... at aking nalaman na masarap makipag-patintero sa taxi.
Medyo marami kami kaya masaya. Bago pumunta kina Meng, naglibot muna kami sa SM. Ang totoo, sa may National Bookstore lang kami pumunta. Dumiretso ako sa Phil. Fiction/General Fiction section ng libro at nawindang lang naman ako. Libro ng V For Vendetta. Gusto ko sanang bilin kaso bente lang ang dala kong pera, puro barya pa. Pagkalingon ko, 1408 naman. Mas nawindang ako. Yung librong matagal ko nang hinahanap, bigla nalang lumitaw. Nung mga panahon na 'yon, nasabi ko sa sarili ko na, "May dahilan na ko para mag-ipon."
Pagkarating kina Meng, ayun... Nakita ko na yung high-tech nilang PC. Mayaman, Apple. Hehe. Tapos, pinakain na kami. Masarap naman at sayang, hindi ako nakakain nung... ano yun? Maja? Basta yung parang gelatin. Pagkatapos kumain, kwentuhan... at nanuod ng Happy Tree Friends. Buti tapos na kaming kumain. Sakin, ok lang. Kaya ko ang mga eksena. Kung yung Hostel nga eh kasabay ng hapunan namin, Happy Tree Friends pa. Kaso, meron kaming mga kasamang mahina ang loob sa mga ganun, kaya buti na nga lang, tapos na kaming kumain. Pagkatapos, umuwi narin kami.

Mga 9:10pm, naglilipat ako ng channel. Sakto sa JackTV, Drumline. Hehe. Masaya naman ang panunuod nang biglang may tumawag sa cellphone ko na hindi ko mapagtanto kung sino. Tinanong ko ang pangalan niya, kaso hindi ko masyadong marinig kasi naka-focus yung utak ko sa pinapanuod ko. Kinausap ko naman siya ng matino. Nung nag-bye na, sabi ko sa tatay ko, "Sino yun?" sabay tawa. Tanga ko rin. Kinausap ko hindi ko naman kilala. Tinext ko siya, sabi ko, "Sino ka nga pala ulit?". Sabi niya, "Gaga! Si Nyok 'to! Si Socorro na maganda! Blah-blah-blah-yaddah-yaddah..." Natawa lang ulit ako... at nanuod.

10.30.2007
Umulan ngayon. Malakas. Akala ko may bagyo. Buti tumigil na yung ulan. Medyo bumaha samin. At nag-piyesta na naman ang mga bata. Naglaro sila sa may baha. Kadiri. Touchdown daw ang nilalaro nila. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang laruin ang touchdown sa baha. Ewan.
Kakatapos lang ng Slamdunk nang nagsimula ako sa entry kong 'to. As usual, natawa na naman ako sa episode nila. Tikas talaga ni Sakuragi. Mukha na raw siyang posporo sa bago niyang hairstyle. Hehe. Ewan (na naman?).

Sa ngayon.
Wala pa kong nasisimulan sa mga assignments. Nakakatamad gawin. Mas gusto kong pag-aralan ngayon ang dreamweaver at photoshop dahil natuwa ako sa pagkaka-customize ko sa blog ko ngayon at na-inspire ako sa mga taong may account sa deviantart. Ang galing nila sa photoshop. Ang tikas ng mga vectored images. High-tech ang mga utak nila. Medyo gusto kong makipagsabayan kasi kaya ko naman. Haiz...
Sana by January or February matupad na yung matagal nilang sinasabi na regalo para sakin: bagong PC. Mas maganda kung Windows Vista. O kahit huwag na, basta may photoshop, dreamweaver, at kung anu-ano pa. Hindi naman sa demanding ako dahil alam kong hindi naman kami mayaman... kaso, ayoko nang makihati dito sa PC ng pinsan ko. Lagi nalang limitado ang oras ko at hindi ko ma-explore ang mga bagay-bagay(tulad na nga lang ng pagve-vector).









Haiz.
Teka, sinisipag ata ako.
Parang gusto ko nang simulan yung mga assignments.

Note:
Meng, paki-send sa msg sa friendster or sa email ko yung assignment sa English.


Geh, alis na ko.


KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer