Sa ngayon, hindi ako dapat maging procrastinator. Ang daming gagawin.
Nakakainis kasi tambak ang gagawin na kung anu-ano sa SocStud. Sana matagal nang binigay ni Ma'am So yung mga kailangang gawin para hindi flooding. Magha-habol na naman kami. Ano bang akala niya samin, mga kolehiyala? Mga college students na naka-focus sa iisang course? Nasa highschool palang kami.
Oo, part ng pagiging istudyante ang pressure at cramming pero ang masyado, sobra-sobra, nakaka-burn out, nakaka-fatigue, nakaka-stress, at nakaka-alopecia na tambak na gawain ay sa buhay-college pa namin inaasahan. Ang utak ng mga istudyante ay hindi pinag-combined force ng utak ni Einstein at Rizal. Ang mga istudyante sa LHS ay... oo, matatalino, marunong, at bukas ang isipan pero malayo ang kailangang tahakin para sa utak ng dalawang henyo. At higit sa lahat, ang mga istudyante ay hindi makina. Tayo, kami, ay hindi makina.
Nakakainis lang talaga.
(hanggang dyan lang ang masasabi ko. ayokong mang-curse. nagbago na ko.)
Look who's talking.
Natatawa lang ako sa mga nangyayari.
Ako: Meng, edi ganto nalang, sabihin nalang natin na, "Look who's talking..."
Meng: *natatawa*
Gets niyo? Kung hindi, huwag nang intindihin.
Kahapon. Kanina. Mga Idol at Semi-idol.
1. Dumalaw si Bro kahapon. Wala lang. Nabanggit ko lang.
2. Habang nagpra-praktis ng sayaw para sa PE, may bumili ng yelo. Kapitbahay namin. Aking napagtanto na siya ay kamukha ni... basta yung Senpai na kamukha ko kapag naka-sombrero ako. Yung senpai na ngayon ko lang napapansin na mas kamukha ng kuya ko kesa kay Kuya.
3. Nanuod kami ng Bring It On: All or Nothing para makakuha ng step at idea sa costume para dun sa PE(sasayaw nga kasi kami). Nakita ko na naman si Gus. Atigin yung cramping. Haha.
Wala lang.
Note:
Aljon, dehin na ko nakapag-sign in ulit sa YM kasi epalog yung pinsan ko. Nag-computer na siya... Ayun.
Leo, sorry kung hindi natapos yung pag-send ng mga kanta. Umepilog nga yung pinsan ko.
Geh, alis na ko.
KTHXBYE.
Friday, October 12, 2007
Pressure na naman.
. .
