Monday, October 1, 2007

Ano na bang nangyayari sa mundo?

Magiging masaya sana ang foundation day na ito. Umulan nga lang. Sayang talaga. Tsaka mahirap tumakbo... malamang, basa yung tatakbuhan mo. Malambot yung ibang lupa. Maputik. Mababasa ang sapatos at medyas mo. Yun nga, ang medyas mong puti ay magiging brown. Tapos, malumut-lumot pa. Hindi kagaya last year, masaya. May thrill pa yung pagtakbo. Walang putik at hindi mababasa/marurumihan ang sapatos at medyas mo. At ang pinaka-nakakaloko sa lahat, last year, may matikas na huhuli sayo (na Lee pa ang brand ng pantalon). Eh ngayon, ano? Ano na? (meron ba? wala diba?)

Tsaka marami ring taong papampam. Kagaya ni burugudunstuystugudunstuy(haba ng codename niya). Hindi ko talaga maiwasang mairita sa kanya. Kailangan talagang maisagawa ang plano habang maaga pa. Kailangang lumabas ang katotohanan na siya ay isang ehem. Wanted na siya. Lima na ang may alam sa kalokohan niya. Haiz... Buhay nga naman ng tao, akala niya ano.

Kanina rin, si Ephraim... nag-walkout. Dehin ko alam kung bakit pero may kinalaman yun sa kanina. Malamang kasi kanina nga nangyari eh... Basta, hirap i-explain. Ayoko nang magkuwento, nitatamad ako. Basta. Tae. Walkout-walkout pa eh. Dala tuloy ng konsensya ko. Ayusin nalang bukas yan.

*hikab*

Kulang ang tulog ko... 'nu ba yan.
Hantok na hantok na ko pero ito parin ko, sinusunog ang mata sa harap ng computer...

Meron ding pangyayaring dehin ko inaasahan at hindi ko inaakala na ganun ang mangyayari...
namatay na yung daga. Sana ok na bukas yung manok. Hehe. Joke lang. Anong konek ng manok sa daga? Basta, kung ano man yung nangyari, yun na yun.

Pumunta nga pala si Meng tsaka si Cabangs dito sa bahay.
(ayan na naman, nakokonsensya na naman ako... haiz...)



Tinatamad na talaga ko eh. Basta...
Tuloy pa rin daw yung mga booth bukas.
Ayun..

Geh, alis na ko.
Bye.
o.O

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer