Medyo matagal na rin. Sa wakas!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
1o.16.2oo7 ; tUESDAY
Practical-Periodical-test sa PE. Isang hiphop-inspired-na-dance-number-test. Oo. Hiphop. Isipin mo yun, isang aspiring bassist, nag-hiphop. Pero kung iisipin ulit, walang masama. Lalo na kung karir na karir mo ang pagsayaw sabay ng London Bridge at mag-baby freeze, "cramping", at mag-shabooya roll call.
Dehin ako nakapag-review kasi tinamad ako. Sinagutan ko kasi yung dakilang libro namin sa SocStud. Since medyo mahaba, yun, tinamad akong mag-review. Alam ko naman ang kahihinatnan ko kinabukasan, cramming.
1o.17.2oo7 ; wEDNESDAY
Ito na ang simula ng Periodicals. Yung talagang may papel nang sasagutan. Maaga ang uwian kasi 2 lang ang tinest namin. Pagkauwi sa bahay, medyo nanuod pa ko ng Bourne Ultimatum(nanunuod kasi yung tatay ko pagkarating ko) pero bagsak agad ako. Sarap ng tulog ko. Mga 4 na oras akong nakatulog. Medyo nabawi ko na yung mga nakaraang araw na laging bitin ang tulog.
Pagkatapos mag-review sa PracArts(Oo, PA lang ang ni-review ko.), nanuod ako ng Hwang Jini. Pers taym ko 'tong napanuod at aking nakumpirma na talagang gwapo si Eun-ho(yung katipan ni Jini) at hindi lang pang-trailer ang kagwapuhan niya. Alam kong hindi siya perpekto pero wala akong maipintas sa pagiging inosente at simple ng mukha niya.
1o.18.2oo7 ; tHURSDAY
Nakakawindang yung Matching type sa PA. Nakakainis naman yung sa Algebra. Alam kong kaya kong sagutan pero kinulang sa oras. Langya naman kasi... kahit naka-focus ako sa pagsagot, alam ko kung ilang minuto ang tumatakbo. Sa aking pagkaka-tantsa, mga 35-40mins lang ang binigay samin para sa Math. Feeling siugro ni Ma'am masyado na kaming matagal. Pano kasi, kinain ng test sa Filipino ang oras sa Math. Hindi ko masasabing madali ang test sa Filipino pero yakang sagutan. Pero kahit alam namin ang mangyayari, hindi namin naihanda ang mga sarili namin.
Pamatay ng kamay ang test sa Filipino. Nang sinusulat ko nga yung sanaysay, alam niyo ba yung pakiramdam na manhid na kayo? Yung tipong ayaw niyo ng magsulat pero patuloy ang kamay niyo kasi kinakailangan... pakiramdam ko nga wala ng kontrol yung kamay ko nun kasi gusto ko ng tumigil pero dire-diretso parin ito sa pagsusulat. Siguro nga kasi, syempre, psychologically, nasa isip ko na kailangang magsulat kasi isa itong test, kailangang tapusin. Pero hindi na kaya ng kamay ko. Pero fortunately, natapos ko naman. Unfortunately, pagod ang kamay ko, pawisan... at lumalala ang kalyo.
Sinabi ko rin kay Leo kung pano malalaman kung sino si Ferocious88. Hehe. IP Address lang naman talaga yan.
(konti nalang)
Pumunta rin kami ni Meng sa SJES. Saya. Nakapasok ulit ako dun. Saya talaga. Maraming bago. Pero walang pinagbago ang CR namin... ika nga sa ABNKKBSNPLAKo?!, masusuka ka muna bago matae. Expression parin ni Ma'am Aunzo yung "peste!". Hehe. Maganda rin ang unang tanong sakin ni Ma'am Dizor, "Hinahatid ka pa ba ng Papa mo?"
Pagkauwi sa bahay, tulog. Tapos, nanuod. Kumain, ginawa yung sa Health, hindi nag-review... at hindi nakapanuod ng Hwang Jini.
1o.19.2oo7 ; fRIDAY
6am ako nagising. Kahit hindi ko gawain, napilitan akong gawin... ang mag-review sa jeep. Dun ko minemorize yung Horizontal Centering para sa Keyboarding. Yung Vertical kasi minemorize ko na habang naliligo ako. Nakakatuwa rin yung speed test sa Keyboarding. Karir na karir ko ang pagta-type. Kaso, dun sa written test siguradong bagsak ako. Nakalimutan ko kung pano i-compute yung side margins para sa Elite at Pica. Goodluck nalang sakin. Dami ko ng atraso kay Ma'am. Tsk, tsk!
Yung sa Stats naman.. ok, not interested. Next topic.
Yung sa Bio, ewan. Sabi ni Ma'am, walang multiple choice... ano kayang tawag sa test namin. Tsaka mas magulo yung ganun. Sana kahit puro identification, ok lang.
Kelan nga pala yung test namin sa Music? Nakalimutan ko kung kelan. Basta... ito lang ang masasabi ko: mahirap magbilang.
Medyo tumambay pa kami sa iskul. At nakita ko na naman ang taong hindi ko nararapat makita. Si Lobotæ. Ganun parin siya, matikas (kahit dehin ko trip ang hairstyle niya ngayon).
*anong nadarama ngayon at nandirito ka saking tabi? Tuliro, 'di malaman ang gagawin...*
Nung gabi naman, siyempre panatag na ko kasi wala ng test at kung anu-ano pa kinabukasan. Nanunuod ako ng The Mummy kaso kontra-kitikiti si Papa, nanuod ng Dr. Heo Jun. Ok lang naman sakin... Pagkatapos manuod ng Dr. Heo Jun sa Arirang, Marimar... kasabay nito ang panunuod ng The Mummy. Natapos ang The Mummy. Sumunod and V for Vendetta. Since hindi ko nasimulan, hindi ko kilala kung sino si V. Kaya gusto kong tapusin yung palabas. Kasabay nito, nanunuod din ako ng Hwang Jini. Hindi pwedeng palagpasin yun. Natapos ang Hwang Jini, nag-focus ako sa HBO. Shaved na ang buhok ni Natalie, nanghinayang naman ako sa buhok niya. Pero ayun, tuloy parin ang panunuod.
"Sabi na eh, ma-i-inlove din si V kay Evey!", sabi ko sa Tatay ko. Ewan ko kung ganun nga pero ganun naman talaga.
Nung mga panahon na yan, kinikilig naman ako(nakakadiri ang term). Iniisip ko kasi na si Johnny Depp si V. Kasi yung mukha nung maskara, parang yung mukha ni Depp as W.Wonka dun sa Charlie and the Chocolate Factory. Hehe. Pero alam kong hindi siya yun. At the end of the movie, si Hugo Weaving pala si V.
Na-a-adik na naman ako sa HBO. Gusto ko na naman mag-movie marathon...
*Pasensya kung medyo mahaba ang entry
ngayong araw na ito. Sa totoo lang, tinipid ko
pa ang sarili ko at hindi ko na binanggit ang ibang
pangyayari kasi mas magiging mahaba... Siguro'y sa
susunod ko nalang maikukwento dito sa blog ang iba pang
bagay na
nangyari...
Pero huwag na kayong mag-expect dahil sinisigurado ko sa inyo na
hindi ito matutupad. *
Saturday, October 20, 2007
. .
