Saturday, September 29, 2007

Bumabalik ang lahat.

Ayun nga...
Kahapon naglakad ako pauwi. Kasabay ko si Franz. Wala lang. Trip lang namin. Punuan kasi yung Cubao(yung jeep) eh. Langyang mga college yan. Madaya. Sinabi nang bawal sumakay dun. Basta, mahabang istorya.
Nakakatuwa naman. Himala nga kasi hindi masyadong masakit yung paa ko.
Nakasabay din nga pala namin si Jeffrey.
HBO.
Charlie and The Chocolate Factory.
"Willie Wonka! Willie Wonka!"
Haiz... mukha talagang tangergs yung mga trabahador dun sa factory ni Willie Wonka.
Akin din napagtanto na... oo nga... talagang gwapo si Johnny Depp. Nung napanuod ko kasi yung "Close Up" para dun sa movie, may part na ininterview si Johnny... Tikas! Ang tikas niya. Haiz...

Tapos, Final Destination 3
"There is someone walking behind you..."
Tikas talaga ng pelikulang 'to. Saya. Mukhang nandiri si Aljon. Ako naman, nag-enjoy sa mga nakita ko. Kumakain pa ko habang nanunuod. Pero ayoko nang sumakay ng roller coaster. Kahit kelan hindi ko rin pinangarap na magkaron ng malalaking muscles at magpa-tan o magtrabaho sa isang lugar na puno ng mga pamatay na gamit tulad ng lagari, pako, at kung anu-ano pang ginagamit ng mga karpintero, engineer, etc. Basta... At sana walang kahulugan lahat ng mga litratong pagaari ko, namin. Sana walang masabugan ng fireworks sa mukha at makaladkad habang nakatali ang leeg. Basta...
Kanina.
Pumunta kaming iskul. Nag-kape at pandesal ang grupo namin(sa PE) para sa aming dance number. Dapat manlilibre ang late na dumating kaso dehin natuloy. Ok lang naman. Tanggal na si Hilario este si Hillary sa grupo namin. Desisyon yun ng buong grupo. Kung ano man ang dahilan, obvious naman. Basta.
(kanina pa ko basta nang basta...)
Tapos yung hindi umattend sa official kape't pandesal ng grupo kanina, under namin. I mean, wala siyang karapatang mag-suggest o magbigay ng opinion. Susunod siya samin. Sorry Ashley, yan ang napagdesisyunan ng buong grupo. Dapat nga yung mga dehin dumating tatanggalin na talaga eh. Mabait lang kami.
May nalaman din kami tungkol sa isang iskulmeyt na itago natin sa pangalang "tugudoink". Nang lumakas kasi ang ulan, tambay kami sa room ng Sincerity. May notebook kaming nakita dun. Dahil pakialamera kami ni Cabangs, tinignan namin ang nilalaman nito. Ang daming sulat at may nabasa kami.
"Ephraim, Ilove you... Sana maging tayo!" -Tugudoink
Nabasa yan ng buong grupo. Oo, kami-kami.
Sample palang yan. Marami pang nakasulat dun.

Lilinawin ko lang... hindi taga-sincerity ang may-ari ng notebook na 'yon. Ambot kung pano napunta sa Since. Isa pa, malamang, babae siya. At sana, hindi niya mabasa 'tong entry na 'to dahil baka mapatay niya ko. 'Wag siyang magalala dahil hindi ko ibubunyag ang pangalan niya.
Privacy invader ang dating namin nung mga panahon na yan pero katangahan din naman niya yun dahil sino bang may sabi sa kanyang ilagay niya ang mga pangalan ng crush niya dun sa notebook na yun at isama pa natin ang mga "flames" na nakasulat dun? May iba paring nakabasa noon at makakabasa, hindi lang kami. Hindi kasi dapat sinusulat ang mga bagay na ayaw kumalat. Buti kami ang nakabasa, hindi makakalabas ang pangalan niya. And since hanggang ngayon nandun parin ang notebook na yun, malamang may iba pang makakabasa nun. Haiz...
Kanina pa rin.
Nung nakasakay na ko sa jeep, siyempre magbabayad ako. Pagkaabot ko nung barya, edi kinuha ni Kuyang College para ibigay dun sa..anong tawag dun? Yung katabi ng driver na nangongolekta at tumatanggap ng mga bayad? Basta, siya. So, yun nga... Nung inabot ko yung barya, ang tikas ng ngiti ni Kuya College. Langya... Lagkit! Kumakapit. Haiz...

Nakauwi naman ako ng safe and sound kaso yung minamahal kong tsineles na puti ay gray na. Basa at putikan na mabuhangin yung baba ng pantalon kong bago na gagamitin ko pa sana mamaya kapag susunduin na namin si Mama. Haiz... Pero hindi na ko masyadong poporma mamaya kasi hindi naman ako bababa ng taxi tsaka gabi na. Wala nang makakakita kung gano pa man kaganda yung isusuot ko...

Habang tinitignan ang friendster ni Likha
Meron siyang new friend. At aking napagtanto na si Reginald ito. Yung kaklase namin nung Gr. 2 at yung partner ko dati sa United Nations Program namin. Langya. Nanlaki mata ko nung nakita ko siya... Ang tikas. Parang dati, medyo feminine pa siya(Haha! Sama ko!). Tapos, ngayon... haiz...

Hindi ko pa siya na-a-add. Siyempre, i-a-add ko si moks. Hehe.

Sana natatandaan pa ko ni Moks. Ilang taon na rin naman kasi.

Gusto niyong makita? Baka ma-disappoint kayo kasi hindi talaga siya gwapo. Teka... nakawin ko muna yung picture niya.

(after 4 minutes ng pagnanakaw at konting edit para lumiit yung pic)
ito si Moks:

Di naman gwapo diba?

Hehe.

Joke lang.

Sama ko talaga.

Yan. Yan na siya ngayon.

(nakakainis kasi maputi parin siya... samantalang ako, umitim na at partida, wala pang CAT niyan)


Nakatago kasi yung picture namin nung Gr. 2. Saka ko nalang siguro i-po-post or baka hindi ko na rin mai-post. In short, huwag na kayong umasa. Hehe.
<--Ang pangit diba? o.O?
Ngayon.
Ayan... Nagiging excited na ko. 8pm na. After 4 hrs, makikita ko na si Mama. Ahoo! Ahoo!
Batas militar na naman kami. At kailangan, lahat ng gulay at madamo at mabukid na halamang makikita sa ulam ay kailangan kong kaninin. Oks lang ampalaya, huwag lang okra. Kaderder.
Pero oks lang. Basta andito si Mama.
(alam niyo bang isa sa mga dahilan kung bakit excited umuwi si mama, bukod sa para sama-sama kami, ay dahil sa gusto niyang makita si Kuya? Totoo yun. Hehe. Ewan ko ba sa kanya...)
Ok, till here muna...
Kthxbye.
:)

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer