Tuesday, September 4, 2007

Outcast..

Wala lang. Haiz.

Pasensya kung medyo tinatamad ah... Nasa utak ko pa yung napanuod ko noong Linggo. Takte. Hindi mawala...

Ok, simulan natin sa mga walang kwentang bagay.

Outcast si Nyx. Marami kasing impormasyon... na kung tutuusin ay bagong Issue, bagong big deals, bagong kaso(hai nakup) na hindi niya nalalaman lalo na yung may kinalaman kay Pia. Tulad nalang ni Seijin Hisui, medyo 0p si Nicole kapag nabubuksan ang usapan tungkol dito. Isa rin yung tungkol sa napagusapan naming apat(ako, pia, cabangs, co) noong Biyernes tungkol sa numerong 9. Ang totoo, yung tungkol sa numerong 9, malalaman din yoon ni Nicole. Malapit na... Yun namang tungkol kay Seijin Hisui(slash Tisoy), ewan ko kung bakit ayaw ipaalam ni Pia sa kanya. Pero alam ko namang malalaman niya yun... sa tamang panahon.

Tungkol naman sa'kin(wala na, uwian na!)...
Medyo nahihilig yata ako sa mga pelikulang hinango o ang istorya ay galing sa isang nobela. Una, yung 1408--- na hanggang ngayon ay dumadaloy parin sa aking mga ugat. Tapos, yung isa sa mga dahilan kung bakit medyo tinatamad ako ngayon at laging nakatutok sa HBO(at kung bakit lumilipad ang utak ko tuwing Statistics) ay isang pelikula na mula rin sa isang nobela. Ilang beses ko na 'tong napanuod pero hindi parin ako nagsasawa... Pride & Prejudice.
Isa itong nobela ni Jane Austen. Maganda ang istorya. Maganda rin ang dating ng pelikula. Tsaka title palang, tinamaan na ko. Sakto sa pagkatao ko: pride at prejudice(hanapin sa diksyunaryo ang mga kahulugan ng mga nabanggit na salita kung hindi alam). Sinabing "First Impressions" ang unang pinangalan sa nobela bilang titulo. First impressions, isang larangan kung saan ako eksperto. Haiz... Bukod sa title ng nobela, gusto ko rin ang ugali ng mga tauhan. Si Ms. Elizabeth Bennet at Mr. Fitzwilliam Darcy. Naks. Sila ang magsing irog sa istorya. Basta, gusto ko ang ugali nila. Kung hindi niyo pa napapanuod, meron namang Youtube. Meron ding wikipedia para basahin ang plot ng istorya.

Kung iisipin, malayo sa imahe ko ang mga ganyang pelikula. Sinong magsasabi na si Ako ay hindi nagsasawa sa A Walk To Remember, Titanic, at Just Like Heaven. Sinong magsasabing mahilig din pala ko sa mga romantic movies?


Kanina sa iskul.
May isang istudyanteng lalaki nakasuot ng puting T-shirt na naglalakad. Nakuha niya ang atensyon ko. Nakatalikod siya nang makita ko. Sa tangkad niya at sa pagka-moreno, bumalik si Kuya sa paningin ko. Pero dehin si Kuya yun. Kilala ko ang tikas ni Kuya. Kilala ko siya kahit nakatalikod, nakaharap, kahit 100-150 meters ang layo niya mula sa'kin. Basta. Si Kuya.

Parang ayoko munang ituloy yung Infidelity ko--- kahit na 6 na stanzas na 'to.


Marami pa sana akong gustong ikwento, nitatamad lang ako. Sa susunod nalang.
Hehe... ;P

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer