KAHAPON.
Nagkaroon ng Film Showing sa iskul. Akala ko High School Musical ang papanoorin namin. Kaya akala ko matutulog ako. Kung iisipin di naman makikita kung tulog ako kasi madilim. Gigisingin naman siguro ako ng katabi ko if ever tapos na yung gnirob na HSM na yun.
Pero akala ko lang yun. Akala ko HSM. Akala ko boring ang palabas. Dehin pala.
Nagsimula yung palabas...
1408 ang panonoorin.
Mangmang ako. Hindi ko alam na akda pala yun ng isa sa aking paboritong novelist.
(Oo. Akda. Istorya yan. Ginawang pelikula)
Pakiramdam ko talaga mangmang ako. Ganto kasi yun...
Edi pinakikilala sa simula yung mga cast, producer, director, etc. Nakikipagkuwentuhan pa ko sa mga katabi ko nang mabasa ko ang isang pangalan sa screen. Pangalan ng taong astigin ang mga akda. STEPHEN KING.
Takteng ina.
Sabi ko kay Adrian, pati rin ata kay Julius, "Wui... Stephen King. Akala ko aantukin ako. Hindi pala. Ok, astig... Hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi."
Edi... ayan. Nagsimula.
Masaya. Masaya. Masaya.
Masaya talaga.
Swak sa trip ko yung pelikula. Astigin. Kahit na medyo nag-flat yung thrill sa isang parte, yung parte na medyo nalulunod na siya. Wala akong paki dun. Basta kuntento ako. Yun na yun.
Ayoko nang ikuwento ang istorya dahil baka manlamig na naman ako kagaya ng panlalamig ko nung kinuwento ko sa tatay ko kung anong twist meron ang istorya.
(Bakit kaya ganun, nung nanunuod ako, ok lang naman ang temperatura sa paligid. Tapos, parang nag- 5 below zero naman noong kinukuwento ko na. Haiz... 'Wag niyo nang pansinin. Alam ko namang ako lang nakakaintindi sa sarili ko sa mga ganitong klase ng sitwasyon.)
Parang nagbago yung isip ko. Parang gusto kong gastusin yung pinagipunan ko para dun sa libro. Parang ayoko munang bumili ng album ng Fall Out Boy- Infinity on High.
(Uunahan na kita at alam mo kung sino ka... 'Wag bigyan ng IBANG HINDI NAKAKATUWANG KAHULUGAN ang album title nila. HINDI NA TALAGA NAKAKATUWA.)
Sana, meron pa sa nagkalat na bookstore sa mga... basta, diyan sa tabi-tabi yung libro. Gusto kong basahin.
Pero gusto ko parin bilin yung album ng FOB. Hindi na nga ako makakapunta ng concert, wala pang CD. Malungkot na masyado yun.
Basta. Yun na yun. Hehe.
Birthday nga pala ni Ace kahapon...
"Hey... hey... hapi bertday.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NGAYON.
Aug. 31, 2007. Friday. 6:35:22 pm. Kakauwi ko lang ng mga panahon na yan. 7:13 na ngayon eh. Hehe.
Masayang makipagusap sa mga taong tinatawag kaming matino. Matino pala kami.
(KAMI: Pia at Ako. Sige, isama na natin si Cabangon.)
Marami talagang nangyari ngayon.
Humabol kami sa paggunita sa Buwan ng Wika. Maraming kalokohan kanina. Haiz. Simulan natin mula noong umaga.
Karir na karir ng mga iskulmeyt at klasmeyt ko ang pagsusuot ng baro't saya at barong. Haiz. May mukhang congressman, may mayor, may mukang magaararo sa bukid, magsasaka, body guard, Gabriela Silang, may mukhang kokey with combine force ni Jollibee(haha), at may mga normal naman. Meron din palang normal pero pampam na nasa paligid(si ************ 'to)
Ang saya ng kape at pandesal(meeting/forum/conversation/paguusap) namin nila Pia at Maan. Kasama pa si Adrian. Pinaguusapan namin yung mga kanta ng isang banda. Ewan ko kung banda ba silang maitatawag... basta, sila na yun. Pangkatulong daw yung dating ng mga kanta o yung tipong pinakikinggan ng mga nanay na nagma-mahjong o naglalaro ng Bingo habang kandong yung anak nila na walang salawal, gusgusin, nakababa yung isang strap/manggas ng sando(wala namang manggas ang sando) tapos tumutulo pa yung sipon. Gamitin ang imahinasyon niyo. Masaya. Matatawa kayo. Hehe. Tapos, kung anu-ano pa. Labas na kayo sa iba pang napagusapan. Medyo pribado at kami lang ang nakakaalam. Hehe.
Basta. Nakakatamad magkuwento. Dapat kasi nandun kayo sa iskul eh. Hehe. Sobrang dami kasing nangyari. Mga patawa. May talong at kamatis. Mahabang straw. Mansanas na hindi makagat. May mga kinausap ang sarili nila(Hehe, monologue contest kasi). Tapos, may mga kaklase rin kaming paparazzi. Ipagpatawad niyo kaso nakita ko yun. Wala naman akong paki sa inyo, ipagpatuloy niyo lang. Tapos, marami pang iba... Bago ko makalimutan, lumabas na naman ang imahe ni Nobuo Terashima sa dating ni Senpai Nobu kanina. Dumulas pa ko, "Hai nakup Kuya ****, ang gwapo mo. Huwag kang harang dyan". Nag-reak si Pia. Ok lang. Tanggap ko ang reaksyon ni Pia. Kasi, I mean it, nagwapuhan ako sa kanya noong mga panahong 'yon. Hala, ano daw? Infidelity na nga ba talaga? Hindi naman. Gwapo lang kasi malayo. Pag malapit na... wala na. Hehe. Hindi, gwapo talaga si Senpai.
Ayun nga.
Hours gone by. Nag-kape at pandesal kami ulit ni Pia. Umentra si Frangelico. Tama ba ang aking pagbabaybay ng kanyang pangalan? Ok, tawagin nalang natin siya sa kaniyang apeliydo, Co. Ayun, umentra sa kape at pandesal namin ni Pia si Co...
Ok naman siya kausap. Matino naman.
Tapos, sabi niya, matino rin kami. Naknangtots. Matino kami? Talaga? Kelan pa?
Kung ano ang napagusapan, samin nalang yun.
Mahaba-haba rin ang panahon na nagkasama kami para lang pagusapan ang buhay ng iba. Pero siyempre, kasama rin ang buhay namin. Hinintay pa namin si Nicole... langya, 6:15pm na. Nang nakita namin ang isang Senpai, sabi, "Umuwi na, kasabay sila Larah". Haiz... Sakit sa puso. Pero oks lang naman. Hindi naman alam ni Nyx na hinihintay namin siya.
Tapos, ito ang mga pangyayari:
1. Sabay-sabay kami pauwi. Kasami pa pala namin si Cabangon.
2. Pagkatapos sa night market/north wing, dumeretso na si Pia sa opisina ng nanay niya. Nang pasakay na, si Cabangs, sumakay na ng Punta(ganda ng tunog, Punta).
3. Cubao pala sinasakyan ni Co kaya sabay kami. Himala nga at dehin pa tumatawag ang tatay ko noong mga panahon na yoon. Oks lang. Pauwi narin naman ako.
4. Badtrip ako sa isang pangyayari, mamatay na sana yung tao na yun. Medyo kabado ako nung nangyari yung pangyayaring yun kaso may kasama naman akong gerero, "oks lang yan", sabi ko sa sarili ko. Kung ano man yung nangyari, yun na yun.
5. Tapos, muntikan pa kong masagasaan(for the 4th time). Medyo malayo pa naman yung tsekot kaso nag-reak si Co na parang, "Wui, tanga ka ba? May kotse!". Pakiramdam ko tuloy nanganib ang buhay ko kaya considered yun as "muntik ng masagasaan". Ang totoo, kasalanan yun ng driver dahil alam niyang nandun ako. Hehe. Kasalanan pa talaga niya...
6. Sakay na kami ng jeep. Mabait si Co, nakalibre tuloy ako ng pamasahe. Hehe.
7. Nung nakasakay na kami, saka lang tumawag tatay ko. Pinaliwanag ko naman ang mga pangyayari at sinabing nakasakay na ko sa jeep at pauwi narin. Dehin naman galit. Hehe. Solb! Ok lang kay itay. Hehe.
May bago kaming repa. Matinong repa.
Walang kokontra, matino yun(kasi sabi niya matino kami ni Pia. Ay, kasama pa pala si Cabangon).
Payo ko sa kanya, 'wag na niyang baguhin yung pangalan sa jersey. Swak na yun. Abangan niyo nalang yung jersey niya para malaman niyo kung ano.
SA NGAYON. NGAYONG MGA ORAS NA 'TO.
Hindi pa rin mawala yung 1408 Syndrome ko. Haiz.
Friday, August 31, 2007
Kahapon at Ngayon: UPDATED.
Nung nasa jeep, may pumasok sa isip kong istorya, ganto:
Tatay ko: San ka na naman galing? Bakit ginabi ka na naman?
Si Ako: Kasama ko si Frangelico.
Hehe. Iba yung dating diba? Parang may ibang ginawa. Hehe. 'Wag niyo nang pansinin. Kabaliwan lang yan. Kasama ko naman talaga siya eh. Buti nga gerero kasama ko. Nung na-kwento ko kay Nicole, natawa siya. Hehe. Dinagdagan pa niya yung istorya. Baliw talaga. Idol niya talaga ko.
. .
