Wednesday, September 5, 2007

For my affection is in the mist of misfortune...

Random blah - blahs
Pagpasensyahan ang title, wala akong maisip. On-the-spot-kalokohan ang title na yan. Pero medyo totoo.

Pinalitan ko yung language ng blog kong minamahal... French ito ngayon kung inyong mapapansin. Hehe, wala lang. Walang magawa eh. Ayun.

Sabi ni Senpai Mark, nakita raw niya kong umiyak noong Lunes.
Teka, kelan? Lunes? Hindi ko alam kung mawiwindang ako o matatawa. Wala akong matandaang nangyari yun. Baka likha lamang iyon ng kanyang malawak na imahinasyon. Hehe. Ewan.

Kowtabol Kowt
"Ended, at an early hour, my first love! My virgin heart will always mourn the reckless step it took on the flower-decked abyss. My illusions will return, yes, but indifferent, uncertain, ready for the first betrayal on the path of love". -Jose Rizal

Naintindihan niyo? Kasi ako hindi eh. Hehe, loko lang.

Unexplainable itong kowt na 'to.

Ang totoo, tinatamad lang ako mag-type kaya ayoko nang i-elaborate pa ang kowtabol kowt na yan.

Intindihin niyo nalang. May diksyunaryo namang nag-e-exist sa mundo. Tapos, kung nabasa niyo na ang "First Romance" ni Rizal eh siguro, mas maiintindihan niyo.

Kuya, nasan ka?

Isa pang random blah - blah...
Ang saya naman gamitin ng font na ito. Naiintindihan niyo? Hehe. Wala lang. Wala lang talaga.

Gusto ko sanang sabihin ang ilan sa aking mga sekreto gamit ang font na ito ngunit aking napagisip-isip na pwede itong i-copy-paste sa MS Word at saka papalitan yung font. Ipagpatawad niyo pero dahil dun, hindi na ko magsasalita.

Tsaka kahit naman anong font ang gamitin ko, wala akong sasabihin...

Asa pa kayo. Labas na nga ako sa mga ganyan eh. Mga kagaguhang sabihan ng sekreto. Haiz... Basta, geh... Nawiwindang na ko. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong mga pinag-ta-ta-type ko...

Random blah - blah ulit, na naman...
Hindi parin mawala ang Pride and Prejudice sa mundo ko. Hai nakup. Ano ba yan...

(Actually kausap ko si Nicole Nethercott sa telepono habang tina-type ko 'to. Nammumroblema si Nicole sa Stats... Hehe. At kinukwento niya ang isang manong na nakapandidiri na inilabas pa ang kanyang ulo mula sa bintana ng jeep para lamang suminga. Tapos nung nakita ni Nyx, bumubula-bula pa. Haha. Again, use your imagination... at siguraduhing kumakain kayo habang nililikha niyo ang ilusyon sa inyong mga ulo.)

Tatlong araw na ang nakakaraan mula nung huli kong napanuod yun pero... ito, ito parin ako. Paulit-ulit na umiikot ang pelikula sa cerebrum ko. Ang lakas talaga ng dating sa akin nung pelikula...

"Good Morning Mr. Darcy".
Naks. British pa ang accent niya. Tikas. Parang "Gudmohning Mistuhw Duhwcy..." ang dating. Hirap i-explain. Basta. Ganun.

Huling random blah - blah para sa araw na ito...
Wala na talaga akong makuwento. Pasensya.

"Emerson bigote... Mr. Swabe!"
*swabe talaga ang pagkakabigkas nila... Hindi suave... nabanggit ko lang yan kasi biglang umihip sa utak ko.

Parang gusto kong iguhit ang mukha ng isang cartoon character. 'To na naman ako, nahihilig na naman ako sa pagguhit.

May isa nga palang binata na aking napansin. Langya, lagkit ng tingin, kumakapit. Parang pulupukyutan(tama ba?). Tikas ng binatang yun. Kung alam lang niya na walang makatatalo sa lalim ng tingin ni F****-ity. Malalim pa sa combined force ng Marianas Trench at Philippine Deep. Isama pa ang Lake Baikal at ang Twin Rivers. Sige, pagsama-samahin na ang distance sa pagitan ng langit at lupa, matikas pa roon ang titig niya.

Tinatangis ko ang kanyang pagkawala. Tigib ng imahinasyon at alaala ang aking isipan at damdamin. Nais na nitong makawala sa mga nakaraang pilit binabalik ng kasalukuyan. Batid ng aking puso ang kanyang paglaya kahit alam namang walang bukas ang sasalalay sa pananaghoy at kalungkutan...

Langya, ano 'yan? Pasensya ulit. Yan ang epekto ng Florante At Laura. Sa susunod hindi lang makatang english.



Geh, alis na ko. Hehe.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer