Friday, September 14, 2007

Bumalik ang lahat sa dati.

Masaya ang araw na 'to. Maraming nangyari. Masayang magkuwento.

Birthday ni Venchito at ni Alyanna. Bati Sessions na naman.

Naging emosyonal si Venchito. Umiyak siya. Pero suwerte rin niya. Isa-isa kaming bumati sa kanya. Kaya bali... 20mins ng oras namin sa Filipino ay nakain ng pagbati sa kanya.

Pagdating sa'kin, ito lang ang nasabi ko:
Ah... Happy birthday.Tsaka sana wala na talaga sa'yo yung "dati".
Kung ano man ang "dati" na yun, sa amin nalang yun. Pero sabi niya, wala na talaga yun sa kanya. Ayun. Basta, hapibertdey nalang ulit sa kanya...

Sa Practical Arts.
Nagkaroon kami ng test tungkol sa paggawa ng Financial Statement. Haiz. Siyempre, dehin na naman ako nakatapos.
Sa Math.
Wala. Wala si Sir. Walang Algebra. Pero siguradong itutuloy ang test sa Lunes...

"at ayokong magising sa umagang nang aakit mabuksan... naninimdim. 'di alam, walang patutunguhan..." Lunes ~ Sponge Cola

Sa Statistics.
Wala. No comment. Hehe. Wala namang test. At hindi ko parin maintindihan yung mga percentile-percentile-decile na yan. Alam ko namang kasalanan ko dahil lumilipad talaga ang utak ko tuwing Stats... Pero konting basa lang ng libro, yaka ko rin yan. Kagaya dati sa Prac Arts, dehin ko alam kung pano yung debit-credit, binasa ko lang yung libro, ayun... whapak! Yun na yun.
Sa Bio.
Nagkaroon ng Unit Test. Pero oks lang. Medyo mataas naman ang nakuha kong iskor na kung iisipin ay kalahati lang ng topic na kasama sa Unit Test kanina ang rineview ko. Wala akong magagawa, yan talaga ang epekto ng cramming.

Pagkatapos, wala ng klase. Walang Music. Walang Homeroom. Siyempre, nagdiriwang na naman ang II- Loyalty.

Kanina parin sa iskul.
Biglang dumating sa Pia at Nicole at sinabing, "si Bro nandito!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nag-historical(hysterical) ako. Kung ano ang mga sumunod na nangyari, 'wag niyo nang alamin. Hehe. Ito lang ang masasabi ko na ilang beses ko nang sinabi noon at siguradong sasabihin ko parin sa mga darating na panahon:
Wala ka paring pinagbago, matikas ka parin.

Tapos...
Absent nga pala si Leo. May lovenat este lagnat daw. Isa lang solusyon dyan, pumasok siya sa chiller. Haha. Joke lang. Get well soon nalang para sa kanya.
Absent din si Song-square. Get well soon din para sa kanya...

Haiz... daming may sakit ngayon.

Tapos, may isa pa.
Si Senpai Nobu nga pala. Sows. Wala paring pinagbago. Kung ano ang approach kahapon eh yun din ngayon. Senpai, kung ako sa'yo, ititigil ko na yan. Namimihasa ka na eh.

Tapos, may isa pa ulit.
Actually wala na eh. Gusto ko lang balikan yung tungkol kay Bro. Sabi nga ni Aubrey, "may istura naman eh..." Haha. Oo, tama ka. Kaya nga napaka-ano niya eh. Yun na yun. Haiz...
"I'm so blind..." ~Elizabeth B.

Salamat nga pala sa mga nanlibre sakin.
Kay Aljon, sa dalawang yema(na malapot sa lalamunan) at sa pamasahe pauwi, salamat kay Franz.

Ayun.
Hanggang dito muna.

Lovelots.

:P

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer