Saturday, September 15, 2007

Fragile pictures.

Maaga pa, 8:30 nag-net na ko. Currently, it's 12:o6pm. Saya naman.


Bagong entry. Nakakapanibago. Parang kahapon lang kasi yung huli kong entry tapos meron na namang bago. Hehe. Pero medyo maikli lang ang entry for this morning.

Inspired.Again.
Alam niyo ba 'to? Oo. Itong picture. Get Backers. Isang anime na nauso noong Gr5 ako.
Tikas ni Ginji, kamukha ni Kuya(what?!). Matikas din naman si Ban pero siyempre, Ginji parin ako... Nakikita niyo ba si Ginji? Yung mukang kuting na thunder emperor yellowed hair? Siya yun.
Alam niyo bang dahil sa pose niyang yan(Yung medyo naka sideview siya. Wala sa boxes, yung pinakamalaki) ay natuto akong gumuhit ng mukha ng lalaking anime? Dahil din dyan ay natuto akong gumuhit ng naka sideview na mukha. Kaya nung ginuhit ko si Florante ay medyo ganyan ang dating. Hehe... At ngayon, nahihilig na naman ako. Naghahanap ako ngayon ng matinong papel, lapis, at pambura. Gusto ko na namang gumuhit.

Ito naman. Fushigi Yuugi. Nauso naman noong Gr1 ako. Tagal na. Sa pagkakatanda ko, gabi yan pinapalabas sa GMA.


Dahil naman dyan ay napapagastos ang nanay ko kasi lagi akong nagpapabili ng laminated card at stickers niyan. May coleciones din ako ng mga teks na binibili pa namin sa labas ng iskul 'pag uwian na habang hinihintay namin ang service(yung tsekot na naghahatid-sundo sa mga istudyante). 'Pag nasa Comic Alley(tama ba spelling?) rin kami, bumibili ng kung anu-anong related dyan. Haiz. Adik. Tsaka natatandaan ko pa, pinagkukuwentuhan namin ng crush ko kung anong nangyari dun sa last episode. Habang nakatitig ako sa kanya ay na-i-imagine kong ako si Miyaka at siya si Tamahome. Pero mas gusto ko si Tazuki. Mas matikas kasi siya.


Final Fantasy.
Kung iisipin ay dehin siya anime. Pero,sige, isama na natin siya.
Noong Gr4, nagka-computer na ko. At kung makikita niyo ang My Documents at iba pang folders ko, umaapaw sa dami ng pictures ng Final Fantasy. Lalo na yung VII, VIII, X, X-2... Basta Final Fantasy. Hindi lang pictures. Pati ang playlist ko ay puro kanta ng FF. Adik nga.

Pasensya kung medyo sensual ang picture na yan. Wala lang. Ang totoo, dapat yan ang magiging background ko dito sa blog kaso masyado ngang sensual kaya hindi nalang yan ang pinili ko. Another katotohanan, 'yan ang pinakagusto kong picture. Hehe. Ganun talaga. Nakaka-inspire magpaint (kahit hindi ako masyadong marunong).

Tapos, nung Thursday, proud na proud at galak na galak si Cabangon nang sinabi niya sakin na gusto niya ang Final Fanatasy. At, pinakita niya sakin ang kanyang cellphone at nakita ko ang dahilan kung bakit niya nagustuhan ang FF... yang picture na yan. Haiz, Cabangon talaga... pa-inosente.


Saber Marionette
Isang anime noon sa Dos. Nakakatuwa kasi... wala lang. Miss ko na 'to. Tagal na rin.
Wala akong masyadong masabi pero sana, maging totoong tao sila. Haha. What? O kaya, may mag-exist na marionette dito sa mundo na parang totoong tao. Saya nun.

Cardcaptor Sakura
Isa pa 'tong magastos. Adiktus mode ako sa laminated cards, stickers, at pagguhit sa anime na 'to. Natatandaan ko na itong picture na 'to ang kauna-unahang picture ni Sakura na naiguhit ko na matino at tama. Mga Gr3 ako noon. Nakita pa nga yun ng kapitbahay namin. Gifted child daw ako. Takte.


NARUTO
Siyempre, walang tatalo dito. Ito ang pinakagusto ko sa lahat. Muntikan ko nang ipa-demolish and abscbn noon nung dehin nila 'to tinapos at pinalitan ng Tokyo Underground. Haiz... Kung tinuloy lang 'to ng Dos edi sana mataas ang ratings nila. Tapos paulit-ulit pa mga episode. Kaya nagtsa-tsaga akong manuod sa CTV(isa yata itong Taiwanese Channel) kahit hindi ko maintindihan.
Hikaru no Go.
Dahil dito bumalik ako sa pagka-adik sa anime. Kailan lang naman 'to. Noong Nov2006 lang naman. Nakalulungkot nga lang kasi hindi 'to tinapos. Sayang. Hindi ko masyadong nasilayan ang kagwapuhan ni Akira, ang galing ni Hikarua, at kung kelan bumalik si Sai. Haiz... Adiktus mode din sa pagguhit. Tapos, kinabisado ko pa yung OST niya. Sana ibalik 'to.
TO BE CONTINUED>>>

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer