Dahil sa mabait ang pinsan ko ngayon, extended ang pagiinternet ko. Ahoo! Ahoo!
"How long will you ignore the obvious?" ~Heo Jun
Ang Dr. Heo Jun ay isang "koreanovela" sa Arirang. Araw-araw namin(ako at ng tatay ko) 'tong pinapanuod. Classical ang settings nito. Ang ibig kong sabihin, tipong nangyari ito noong Joseon Dynasty sa Korea. Mga 1600's-1800's. Dahil sa Korean ang language(malamang), may subtitles ito.
May isang eksana na kinakausap ni Heo Jun si Sang Hwa. Sabi ni Heo Jun, "How long will you ignore the obvious?"
Sabi ko, "Uray! Tinamaan ako dun ah."
Bakit nga ba ako tinamaan?
Konektado ito kay "Pete".
Sabi ni Cabangon sa'kin, "Ano ka ba? Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman?"
Ano nga ba ang dapat kong maramdaman?
Sabi ni Cabangs, may daily routine si Pete. Marami na raw ang nakakahalata. Manhid lang daw ako.
Sabi ko naman, "Hindi ko naman binibigyan ng malisya yun. Tsaka, ganun naman ata talaga siya eh."
Pati ang mannerism ni Pete, pagsasalita, paraan ng pagupo, pagtayo, pagtingin, pagtawa at pakikipagusap sa'kin ay ginagaya ni Cabangs. Natatawa ako kay Cabangon pero gusto ko narin siyang tagain sa likod. Sabi ko sa kanya, tumigil na siya. Kaso, dahil sa maraming natatawa at sinasakyan ang tsubibo niya(including Jade, Lezlee, Kim), pinagpapatuloy ni Cabangon ang kanyang ka-anuhan. Kagaya noong Tuesday. May competition si Kim at Cabangs. At dahil sa hindi ako masyadong nag-re-reak sa trip nila dahil sa nag-re-review ako, napansin nila 'ko. Nagsimula si Cabangon. Ginaya niya si Pete. Ang nakapanglulumo sa pangyayari, nandun siya. Sa lakas ng boses ni Cabangon, alam kong rinig niya lahat ng ka-anuhan ni Cabangs. Nakup naman.
Ang totoo, depende kay Pete kung mahahalata niyang siya yun. Kung natatandaan niya o kung alam niya ang actions niya sa loob ng klase, alam niyang siya yun. Alam niyang siya ang ginagaya ni Cabangon. Kung hindi niya naman napapansin ang kilos niya o kung hindi niya 'to natatandaan na ginawa niya, at kung hindi rin naman niya gets ang mga ka-anuhan ni Cabangs, isa siyang dakilang inocente de ti. Kaso, sa aking pagkaka-estimate at ramdam ko sa ugali ni Pete, matalino naman siya at hindi siya manhid. Dahil sa "matalino" naman siya, hindi ko naman siya siguro magagamitan ng aking paboritong salita... sa ngayon, alam niya siguro na siya yun. Pero sana, hindi.
Ayun.
Si Pete. Sa bawat kilos ko, konektado si Pete.
Sa bawat sasabihin ko, sa pagtawa ko, sa makikita ko, konektado si Pete. Binibgyan nila lahat ng koneksyon kay Pete. Minsan, sinasaydya ko. Yung quotable quote ni Pete, yun narin ang expression ko. Sasabihin nila, "O, pati yung expression niya, nahawa ka na!" Haiz.
Isa pa palang pangyayari, nung Periodicals last week. Yung pangyayaring yoon, kinausap ako ni Pete. Malamang sumagot ako. Tapos, tinawag ako ni Jade at Lezlee, natatawa sila. Sabi ko, "Ano? Ako na naman nakita niyo! Ang kyut ko kasi eh..." Haiz. Pero ang masaya sa pangyayaring yun, hindi narinig ng adviser namin ang sinabi ko since required ang katahimikan habang lahat ay nadudurog ang utak sa test. Malamang, kasi nga... Periodicals.
Bakit nga ba lumabas ang "Pete" issue sa buhay ko? Sabi kasi ni Cabangon, iba raw ang tingin ni Pete sakin. Huwat? Hindi ko pinapansin si Cabangon pero nakakabahala ito dahil tama siya sa kanyang hula tungkol kay Aljon at Louise. Teka, ang ingay ko na.
Ok na 'to. Ayoko nang magkwento ng iba pang detalye, istorya, pangyayari, info, et cetera na may kinalaman kay Pete. Masyado nang bulgar ang pagkatao niya.
ANOTHER TOPIC, pero hindi ko na hahabaan...
Nagtanong nga pala samin(Mark, Ako, Jade)si Aika at si Araceli kung sino ang crush ni "infi".
Ang maipapayo ko lang kay Aika, easy ka lang. Hehe. Masyado kang curious ah. Tsaka sa dinamirami ng pagtatanungan, bakit kami? Si Jade, pwede pa... Kaso, bakit kasama kami ni Cabangon? Langya. Siguradong nag-ingay 'tong si Cabangs. Teka, ako rin, nagiingay na naman. Tsaka, parang ako nalang ang nakakaintindi sa sinasabi ko. Geh, tapusin ko na 'to.
So, medyo mahaba na yan. Enough for this day. Bawi narin naman siguro yung past days.
Geh, bye na!
Bye na ulit!
' Til next time!
Friday, August 17, 2007
part 2 for the day.
. .
