Nakakatamad na talaga. Pero konting tiis nalang. May pasok na sa Tuesday. Konti nalang.
Since nabigyan ako ng pagkakataon ngayong araw na 'to para makapaginternet, ito panibagong entry dito sa blog na ito(kung blog pa bang matatawag 'to).
Wala na talagang magawa.
Haiz.
Hindi pa naman ako nagsasawa kaso nakakatamad maghintay ng video ng Fall Out Boy. Nakakatamad din ang mga tv shows. Weekends kasi. Walang Marimar. Haha. Nasama si Marimar. Ayun. Nakakatamad din ang post ko.
-----------------------------
Medyo may binago ako sa layout ng blog kong minamahal. Medyo nilakihan ko yung font, binago yung header, atbp. Limot ko na yung iba.
Ayun! Yung "Anthology" nilagay ko na rin sa right side column(kung ano mang tawag dun) kasi nasa baba dati. Hindi na siya nababasa. Tapos, yung iba pang binago ko, limot ko na talaga.
Meron pa pala, yung picture sa hazy frame. Dati si Pete, ngayon si Nobu. Isang linggo ulit yun na ganun. Tapos, wala na talaga akong maalalang binago ko. Bahala na kung ano man yun.
-----------------------------
Tumitingin ako ng blog ng iba. Binabasa ko rin ang mga entries nila. Natatawa ako sa mga posts nila. Puro mura. Merong isa, sabi, "T*ng*n*, san ka pa"? Hehe.
Ang totoo, na-inspire ako at gusto ko narin sanang magmura dito sa blog kong minamahal. Ngunit, subalit, datapwat ang pangit tignan. Baka husgahan agad ako ng ibang tao dahil sa internet lang naman ito at hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung ano talaga ang ugali ko. Baka maging pangit ang dating sa iba, magmukha pa kong maleducado(ika nga ni Cabangon) kapag nagmura ako dito sa net. Pangit talaga tignan. Ewan ko sa inyo. Kaso, sakin, ang pangit. Bumababa tingin ko sa kanila kahit pinamanahan ang utak nila ng Unabridged Webster with combined force of Merriam dictionary. Gets niyo? Oks lang sakin ang tarantado at gag-o. Yan nga, kapag dito sa internet, gag-o ang nilalagay ko. Kaso kapag yung T.I./P.I. na tapos naka-bold or caps lock pa, ipagpatawad ng taong 'yon kasi... yun nga. Alam niyo na yung rason. Kakasabi ko lang eh.
-----------------------------
Sa ngayon, dumadalas ang pagkain ko ng pancake. Araw-araw, gumagastos ang tatay ko ng 20php para lang ibili ako ng pancake na binudburan ng asukal at margarine/butter. Wala akong magagawa. Sarap eh. Lalo na kapag bagong luto, mainit. Tapos may get-along-accompanied-by malamig na juice. Sarap. Kahit malamig ang panahon, oks lang. Sarap nga kasi.
-----------------------------
Ano pa bang pwedeng sabihin?
Ano pa bang pwedeng ikwento?
Kayo, magtanong kayo. Kahit ano sasagutin ko. Ikukuwento ko. 'Wag lang ang tungkol kay "Pete".
Wala na talaga akong maisip. Wala na akong maisip. Wala na. Pigang piga na utak ko sa kaiisip ng pwede pang sabihin. Ayoko namang isipin ang numbers. Baka magka-brain fracture ako. Ayokong pagusapan ang tungkol sa school. Dehin ko alam kung bakit. Basta 'wag yung tungkol sa subjects namin. Headache lang yun at nakakabadtrip.
------------------------------
Sigruo magu-update nalang ako mamaya kapag may naisip na kong bago. O kung may bagong nangyari. Kung ano man.
Geh, alis na muna ako.
Teka,
baka mamaya, dehin na ko makabalik.
'Wag rin kayong umasa para sa update mamaya. Baka sa mga susunod na araw na ko makabalik. Depende yun sa mangyayari.
(Takte. Mamamatay na ba 'ko? Parang premonition. Hindi. Bababalik pa nga ako diba? Kung hindi mamaya, baka sa mga susunod na araw. Sinabi ko pa kasi, "depende yun sa mangyayari".)
Sunday, August 19, 2007
Chemistry.
. .
