teka. kung sino yung mga tao sa shoutbox, magpakilala kayo.
ang tagal kong di nakapag post. 'nu ba yan. walang oras eh. buti tapos na yung Periodicals. Marami akong gustong sabihin kaso hindi ko alam kung pano ilabas.
Teka...
Simulan natin dito.
Buti nakapaginternet ako ngayon at medyo rini-revive ko 'tong blog na 'to. Ang totoo hindi ko alam kung bakit naisipan kong gumawa. Basta nung nakita ko yung 'Create Blog', napa-click ako at dun na nagsimula ang lahat. At dahil sa nakagawa na ko, nanghihinayang ako na i-delete ang blog na 'to dahil nasimulan ko na nga. Siguro, by November, bago na layout ng blog na 'to. Hanggang ngayon kasi dehin ako satisfied sa layout niya kahit na pinagsumikapan kong gawin yan(pinatay pa ng tatay ko ang switch ng kuryente dahil inabot ako ng ala-una sa harap ng computer noong nakaraang Sabado). Pinagaaralan ko na ang Photoshop at Dreamweaver, siguro by November, may bago na ngang layout 'to.
Sunod,
suicidal mode na naman ako dahil sa Stats. Siguradong mali ang mga pinag-gagawa ko sa test. Yung may kinalaman sa Measures of Central Tendency. Haiz.
Tapos,
<--Kilala niyo yan?
Oo. Si Pete.
Medyo bumabalik yung sakit ko. Bumabalik na naman siya sa paningin ko. Lalo na ngayon, released na ang bagong video ng Fall Out Boy. Tapos, may kumakalat na balita. Yung topic ng balitang yun ay tinatawag kong "Pete".
[Patay, dagdag 'to sa mga kaso ni Leo. Case #16- sino si "Pete"? Sana #17 nalang. Pero mas maganda kung hindi masama si "Pete" sa mga kaso niya.]
Oo. Taga-loyalty. Malamang lalaki. Kaya nga "Pete" ang tawag ko sa kanya.
Dahil sa isa siyang klasmeyt, mas napapabilis ang pagbalik ni Pete sa paningin ko dahil ang klasmeyt na yun ay madalas kong makita. Malamang ulit, klasmeyt ko nga.
Natatawang naiinis ako kay Cabangon. Lakas niyang magparinig kay Pete. Baka mali yung mga nararamdaman naming masamang pangitain, mapahiya pa kami.
Geh na. Tapos na kay Pete. Natatawa na kong magisa dito.
Meron ding klasmeyt na lagi kong naaalala. Ewan ko ba. Kung sino siya, 'wag niyo nang alamin.
"ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita? Ako'y naiinip na, bawat oras binibilang. Sabik na masilayan ka..." - Sembreak~Eraserheads
Kuya, nasan ka na ba? Isang buwan na ata kitang 'di nakikita. Nakup naman.
Haiz.
Ayoko na.
Ayoko nang magsalita.
Geh, hanggang dito muna.

