Wednesday, August 29, 2007

Hai nakup naman talaga.

Magkalinawan tayo tungkol kay "Pete".
Tandaan, may quote mark("****"). Hindi si Peter Lewis Kingston Wentz III, bassist of Fall Out Boy ang tinutukoy ko kundi si "Pete".

PAKIBASA PO ULIT YUNG ENTRY KO NOONG AUG.17 PARA MAINTIDIHAN ANG NANGYAYARI SA MUNDO NG
"SECRET IDENTITY".

Si Cabangon ang nagsimula ng isyu, nagbigay lang ako ng code name para hindi masyadong bulgar dahil ang isyung yoon ay ayon lamang sa nararamdaman ni Cabangon at ng iba pang nagsasabi na ganun din ang kanilang nararamdamang ambience sa pagitan namin ni "Pete".

Sabi pa ni Cabangon, manhid DAW ako.
(AMBOT. dehin ako manhid, hindi ko lang binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na nangyayari sa loob ng ambience namin.)

Basta, pakibasa nalang ulit yung entry ko noong Aug. 17, 2oo7. Oo, yung may picture ni Pete Wentz na galing sa isang eksena sa Thnks Fr Th Mmrs. At sa pagkakatanda ko, dalawa ang entry ko noong araw na yun. Basahin nalang pareho para malinaw.

Understood?

Kung hindi, bahala kayo sa buhay niyo.

---------------------------------------------

ANG SUSUNOD NA TULA.
Hindi ko na babaguhin title nun. INFIDELITY na talaga. Kabaligtaran ng nauna kong tula na pinamagatang Fidelity. Malamang, obvious naman, may prefix na "in" diba?

Fidelity- continuing loyalty to a person, cause, or belief.

>>>>>>So kapag may prefix na "in", siyempre iba na ang kahulugan. Ito na ang kasalungat.

Infidelity- the action or state of being unfaithful.

Kung bakit naging ganun, yun na yun. Huwag niyo nang alamin, nakakagag-o na kung aalamin niyo pa. Pribado yun.

Sana huwag nang bigyan ng ibang kahulugan ang pamagat ng aking tula.

----------------------------------------------

Kanina sa iskul.
Kumakanta si Kim. Kasama si Cabangon at Alyanna.

Again, I heard it. The song that gives me the deepest incision of all the cuts.
(umiral na naman ang "makatang english" ko)

Hindi naman espesyal ang kantang yun. Malakas lang ang amats sa'kin.
Lalo na noong mga panahon na inspirado akong magsulat ng tula, inspirado ako sa istorya ng Florante at Laura, inspirado ako kay Kuya, medyo sensitibo ang aking emosyon, at madali akong tamaan ng mga simpleng bagay na nakakapagpaalala sa kanya. Nawawala na si Kuya, kaso narinig ko na naman ang kantang yoon. Naalala ko tuloy lahat. Lahat ng pangyayari na umikot sa paligid namin. Mga nangyari lamang sa aming mundo... sa aming mundo ni Kuya.

Ipagpatawad niya sana kung nabigyan ko siya ng pagaalinlangan. Siguradong alam niya yoon. Kung alam niya nga, samin nalang yun.

---------------------------------------------
Hanggang dito nalang muna.
Marami pa kasi akong gagawin.
Ayoko nang magsalita tungkol sa aking emosyon.
Alam niyo naman siguro ang salitang "privacy" at ang kahulugan nito.
Hindi ako si Nicole Richie para bigyan kayo ng eksplanasyon sa aking mga sekreto at problema.
Labas na kayo dun.
Depende na sakin kung gusto kong ipagkalat at magbigay ng impormasyon.
Dehin naman ako madamot, pero kasi nabibigyan ng maling interpretasyon ang mga nangyayari.
Kaya sa ngayon, hindi ako magsasalita.
Kung hindi naintindihan ang entry ko noong Aug. 17... Karapatdapat gamitan ang taong yoon ng aking paboritong salita.

******- lacking intelligence or common sense; dazed and unable to think clearly.
alamin niyo nalang kung anong salita yan.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer