Monday, August 24, 2009

Ito na ang huli. Ata. Pwede rin.

But it's been such a very long, long, long... long, long, time. - Sayuri 

I did update before. Kaso dinelete ko rin. It’s the picture edited by Leo, yung kay Mar Roxas. Kaso nakonsensya naman ako at naki-post din ako ng isang imahe na puno ng kalokohan. Baka kung ano pang mangyari e. XD.

Kaya ‘to, after a month, I finally got time for posting again.

- - -

Linggo, ika-16 ng Agosto, 2009.
As usual, Manila Bulletin. Dun sa Students and Campuses section nung dyaryo, they interviewed Noynoy Aquino. ‘La lang, I just enjoyed it. Medyo matagal narin mula nung huli kong na-enjoy yung mga interview dun e. Siguro yung huli ay yung kay Brillante Mendoza (and nung June pa ‘yon). After nun, kahit sino pang nilalang yung ininterview, parang, Ok, ganun pala yung nangyari sa kanya.

Natapos ko naring i-edit yung mga pictures namin sa Amazing Race. Niliitan ko lang naman yung size (as usual) tapos nag-delete ng mga imahe na medyo wala namang sense. Nakakatuwa naman kasi kitang-kita ko dun sa mga imahe yung bonding ng IV – Entre. August palang pero bongga na. Nice. I’ll be missing those days.

- - -

Lunes, ika-17 ng Agosto, 2009.
Sabi ko, Ok, I’m expecting a Heaven on Earth on Thursday. Sana meron ding panulak. Tapos biglang sinabi ni Alano, Krispy Kreme nalang. Tss. Namahalan daw siya sa Heaven on Earth samantalang ang pag-uusap namin noong Biyernes ay…

Yung sa Starbucks! Heaven on Earth! 110 pesos lang naman e.
Sige…
Sigurado ka?
*nods* 110 pesos LANG NAMAN diba?
Waw. LANG NAMAN? Oo. 110 pesos lang naman… Sigurado ka?
*nods sabay ngiti*
Sige, sa Thursday a.

Tapos biglang Krispy Kreme? Ako naman maarte, kunwari ayaw. Hehe. Sa simula’t punu’t dulo ng lahat e hindi ko naman talaga ine-expect na may magbibigay sa’kin ng Heaven on Earth dahil kahit ako natulala na 110 pesos ang halaga ng maliit na cake/whatever na ‘yon. Gusto ko lang talaga malaman kung heaven on earth ba talaga ang lasa ng sosyaling cake na ‘yon.

Martes, ika-18.
Late. Oks naman yung test.

Miyerkules, ika-19.
Late. Dehin ko natapos yung math. Solidong identification at hindi ako natuwa sa SocStud. Hinangin lahat ng ni-review ko. Music, oks lang. CAT, oks lang din. Hindi ko talaga kabisado yung GO11.XD.

Huwebes, ika-20.
Huling araw ng test at hindi ako late. Nice.

Physics, umaasenso ang test ni Mam. Kaya pala ang laki ng sinisingil samin ng mga treasurer. Madali in a way, mahirap daw. Siguro kasi hindi ganun yung ine-expect namin na test. PA, ok naman. Dehin ko pinansin yung mga nakasulat sa board na quotations. May sense pala ‘yon at kasama sa test. Kabisado ko yung tatlo, yung isa dehin. XD.

Binigay sakin kanina ni Alano yung dalawang donut. Na-appreciate ko naman yung Krispy Kreme. Na-compress nga lang sa bag ko. Kawawang doughnuts. Tsaka oks naman yung pinili ni Alano, hindi nakakaumay. Tamis kasi ng donut sa Krispy Kreme e.

Sana sa susunod, isang dosena na. XD.

Dumiretso din kami sa bahay nila Hannahgene nung uwian. Ayun, la lang. Tawanan. Naglaro kami ng Uno. Si Joneth treasurer e, nangungulekta ng cards XD. Dun ko lang din nalaman na artistic ang ina ni Hannahgene. Daming pastel paintings sa kanila, naka-frame pa talaga. Tapos may pirma sa baba, Carlos. NICE! Elibs me! Sayang nga lang at di ko na-kodak.

Biyernes, ika-21.
Ninoy Aquino day. XD.

Natuwa ako sa Bandila. Laging may short documentation tungkol kay Ninoy, at yung huli lang yung napanood ko, nung Biyernes. Tungkol sa pagmamahalan nila ni Cory. Elibs me ulit. They were so cute together. Punung-puno ng pagmamahal ang simple gestures of love nila (gaya nung paghalik sa pisngi). Langya, parang they’re so in love.

Maganda si Gng. Aquino, pero ang gwapo talaga ni Ninoy. XD. Lalo na nung kabataan, kamukha ni ~.

...at patuloy akong naghihintay sa araw ng Linggo.

Sabado, ika-22.
Nagising ako ng 2:30am. Lakas ng ulan. Di ko pinansin. Ang unang pumasok lang sa isip ko nun ay, May CAT o wala, hindi ako makakapasok. Sa lakas ng ulan, expected na bura na naman sa mapa ang baranggay namin. Then nakatulog ulit.

Nagising ulit bago mag-kabuhayang swak na swak. Nakatulog, nagising bago mag-ano. Di ko alam kung ano ‘yon, then Wonder Mom. Tapos ayun, gising na ko all the way.

Pansin ko we’re so Kapamilya nowadays.

Linggo, ika-23.
YUN O! Linggo na! Yay!

Syempre, Manila Bulletin. They interviewed Alfredo Lim. I enjoyed reading it also. He’s a tough man. Ayon narin sa napanood kong film about his life, yung gumanap e si Eddie Garcia. (Tmb? Correct me if I’m wrong)

Kaso ang bagal ng oras. After 12 hours, ayun. I watched The Last Journey of Ninoy. Katuwa naman. Informative, marami pa nga akong di nalalaman. Kaso bitin ako. And I think, wala paring hustisya ang mga bagay-bagay sa mundo.

Lunes, ngayon, ika-24.
Masayang hindi.

Hindi ako late. Di parin ako maka-get over. Marami talagang gwapo sa mundo. Marami rin akong napansin sa paligid, sa ibang tao, sa sarili ko. Di ko makapaniwalang sa loob ng isang linggo, marami kang mare-realize, at magma-mature ka pa 1000times kung ikukumpara last week, or maybe even last night.

Birthday ni Ila, belated kay Dan.

- - -

May gusto lang akong i-ano... pansinin? Whatever. ‘Wag na nga. Delikado buhay ko kapag pinangalandakan ko e.

- - -

Malapit na talaga e. Lilipad na sa kalawakan ang mga salita sa aking asylum.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer