Tuesday, May 26, 2009

Archi. AS. FAVC. FA. ID. IT. LA. TA. . . . etc.

Not yet, Kris. Not yet.

But I’m nearly believing you.

In just three hours after posting my May-17 entry, I had accepted the fact that Kris was meant for the finals of AI. Sabi nga nila the truth will set you free and I’m living this reality of life na minsan kanya-kanyang pandesal ang crush ng bayan. Kaya ayun, inalis ko na ang pagka-bitter ko kay Kris… na isang malaking joke.

Well, siguro nabawasan ng 80%. Ayoko lang talaga yung pakyut style e. Siguro normal na ‘yon sa abnormal niyang istilo pero ewan. Baka nga ako yung anomalous at hindi ko siya ma-appreciate ng lubusan.

Naisip ko pa noon, e paano kung siya pa ang manalo? Sabi ko sa sarili ko magsu-suicide ako, tapos sabay scratch. He’s not worth it. Tsaka baka nga siya ang manalo. Oo, tama, lakas ng hatak nun e. Ayun, nanalo nga ang mokong.

Kris, ang masasabi ko nalang ay sana, sa susunod mong performance as an artist, ayos buto-buto a. Yung mandible mo, i-relax mo. Hindi ko alam kung adrenaline ba ang nagdadala sa’yo at para kang si Ma’am @#$! kapag kumakanta.

Sana rin maganda yung mga kanta niya para naman mai-download ko at baka ma-appreciate ko na siya.

PS. He looks better close up, and while playing the piano.

HEMINGWAY…

I’ll have my haircut. Eww. Lols. I don’t know when though.

Umma really wants me to have a cut. Mainit daw kasi and it’ll be hard for me raw because we will have our CAT. But I’m actually surprised na nung February lang siya nag-start mag-sermon sa’kin for my long hair. Kaya parang napa-oo narin ako tsaka 2 years, 3 months, 16 and still running days na kong hindi nagpapagupit. At sa loob ng mga panahong ‘yon, it crawled from my shoulders to my… I don’t know, for more than 15 inches. Hindi ko talaga alam kung hanggang saan. Pero ayon sa aking estimasyon, umabot ito hanggang dun sa pinakadulong floating rib ko, kung ano mang tawag dun. Limot ko na e.

HEMINGWAY…

The end of our vacation is nearing. Ayoko pang pumasok dahil talaga namang bitin ang 55-day na pahinga pero my everyday here at home is monotonous. We didn’t have the chance to go and visit HK again because of the A(H1N1) virus… at dahil nga recession kami ngayon.

So, heto ako. Nagbabasa ng Po-on. Nasa page 203 na ‘ko after 5 bongga months. 30+ pages nalang patapos na. YAY!

Bakit nga ba ang tagal ng panahon bago ko matapos ang Po-on? ‘Langya naman kasi. Isang page inaabot ako ng trenta minutos. Ang lalim din nung ibang English words. Malalim pa sa Marianas Trench. Hindi siya kagaya ng ibang libro. Kahit yung isa pang libro ni F. Sionil Jose na Puppy Love ay iba sa Po-on. Kung sabagay ang Puppy Love kasi ay isang libro na puro short stories. Pero sa loob ng isang araw naka-ilang istorya ako. Pero yung Po-on ay iba talaga. Ewan. Baka umaatake na naman ang pagiging abnormal ko. Pero iba talaga e.

Tig-walong oras lang ang By The River Piedra at Eleven Minutes sa’kin. Ang 536-paged Memories of Another Day ay tatlong araw lang sakin (hindi ko binilang kung ilang oras e). Pero yung 231 paged na Po-on ay inabot ako ng halos anim na buwan. Sampung buwan na kung idadagdag pa natin yung panahon mula nung hiniram ko yung libro, Saya.

HEMINGWAY…

We’re having fun watching films. Asian horror films are the best. Horror talaga e. Di gaya ng Western, puro dugo. Pero natuwa ako kasi meron nang pwedeng isampal sa chainsaw massacres ang mga palabas ng mga taga-silangan. Windang ako sa My Teacher. Korean siya na nakakadiri. Kahit blades, cutters, staplers, mga kumukulong tubig lang, bongga parin. Enjoy din ako sa Art of The Devil ng Thailand.

Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan kapag mali ang subtitle. Hindi ko malilimutan ang Ghost Train. Isinusumpa ko ang subtitle ng pelikulang ‘yan. Mamatay na sana ang nangahas na nag-translate sa English nung subtitle. Langya talaga. Wala akong pakialam kung si Oguri Shun pa yung isa sa mga characters, basta sumakit ang ulo namin ni Rowie kakaintindi sa punyetang subtitle. Hindi namin malilimutan ang Son of, Filial Piety, Fragrant Sidling, at Luxuriant.

Akala ko talaga napamura ng bitin yung babae, Son of daw kasi. Yun pala yun yung tawag niya sa kapatid niya. Putsa. Hind ko rin alam kung Sakura ba yung pangalan nung isang babae. Fragrant Sidling kasi. E kung sa English, cherry blossom. Buti pa yung Alone nung Thailand. Kahit mali ang subtitle nakakatawa lang, hindi masakit sa ulo. Benefit there you’re here. Isa lang ang ibig sabihin niya, Buti nandito ka. XDD.

Local indie films. Ako lang ang nage-enjoy dito dahil 3am ako nanonood. Saya e.Yung mga tipong short films lang naman. Gaya nung huli kong napanood – Shorts. Talagang mapapaisip ka kung bakit Shorts ang title. Nang ending na natawa nalang ako sabay sabing Kaya pala.

---

Malapit na ang pasukan. YAY!

---

Malapit na mag-June 3. At kasunod na araw ang enrollment. Pero malapit na talaga mag-June 3.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer