Hindi ako makapaniwalang tapos ko na ang Para Kay B. Pfft. Malungkot na ang buhay. Wala na akong binabasa.
Hindi ko alam kung paano ako makakapagbigay ng matinong blurb basta alam ko member na ang nobelang ito sa listahan ng mga paborito kong libro.
Salamat ng marami kay Caryl dahil kung hindi niya ito dinala sa iskul ay wala akong alam kung sino ngayon si Lucas, at si B. Feeling ko nga e ang swerte ko dahil nabasa ko 'to. Wala lang. Feeling ko lang.
Salamat din kay Ricky Lee dahil kung hindi niya ito naisulat ay walang dadalhing libro si Caryl sa iskul.
---
Diba sabi ko babalik ako after ng limang libro at sampung drawings. Wala na. Binabawi ko na. Nahihirapan ako at ayoko ng nilalagyan ng deadline ang sarili ko. Kaya siguro susubukan ko nang mag-update ng mas madalas ngayon. Wala akong pakialam kung walang magbasa. Tsaka hindi pa nga ako nakakaabot sa 200 entries e. Pfft. Pasalamat nalang ako kay @#$! dahil kung hindi ako napadaan sa blog niya ay ide-delete ko na sana ang blog account ko 2 hours ago.
Shyet. Sakit parin ng skullcap kong naumpog sa bakal.
Feeling ko malalagas lahat ng buhok sa parteng 'yon.
Saturday, December 6, 2008
Update lang.
. .
