Friday, October 10, 2008

Bakit ba bentang-benta sakin yung nakasulat sa board na "Utak ko nawawala". Laughtrip e.

Medyo matagal din akong hindi nakapag-post. Halos isang buwan na pala. Pasensya, tinamad e.

Ginanahan lang ako mag-post ng entry ngayon kasi wala lang. Marami lang nangyayari. Tsaka kung paaabutin ko pa sa mga susunod na araw baka hindi ko na magawa. Tambak ang projects. Kailangan kong simulan ng maaga dahil ayokong mag-cram. WEH?

UST.
September 15 ata 'to. Ayun. Pumunta lang kami ng UST - Ako, Aubrey, Maan, Dawn, Gienela. Masaya naman kaso bitin. Kulang kasi sa oras. Tapos isa lang yung na-sight namin na ano... alam niyo na.

...
Marami pang ibang nangyari e. Ayokong mag-kwento. Sa 3-Entre nalang 'yon.
"I think she's very deceitful".
...

September 29 - September 30 ng madaling araw.
Hirap akong makatulog. Lunes pa naman kinabukasan. Una - insomnia; pangalawa - gusto ko rin sanang hintayin ang nanay ko; pangatlo - ang ingay sa kabilang kwarto dahil may No Mercy wrestling match between my pinsan and tita. Nakatulog naman ako actually kaso paputol-putol.

October 1 - Eidl Fitr.
Natutuwa ako sa "Eidl Fitr" na 'yan. Ang ganda pakinggan e. Parang F... ok. Tama na.

Pumunta kami (ako, mama, tita) sa St. Francis Square. May pinaplano kasi yung nanay at tita ko na kalokohan. Ako naman inosente sama lang nang sama kasi alam kong limitado ang stay ni mama dito sa Pinas.

Ayun. Nakabili ng bagong damit. Tapos nung dumiretso kami sa Megamall... wala lang. Ang daming do you feel like a man at gwapo. Lalo na yung parang manager sa may bakery part ng department store. Siya lang kasi yung talagang naka-corporate attire dun e. Gusto ko sanang titigan kaso maraming tao. Mapaghahalataan ako.

October 2 - Foundation Day.
Ok naman ang Foundation Day ng PUP. Hindi umulan kaya hindi makalat tignan ang LHS. Kaso bitin. Hindi ko alam kung bakit hinahanap-hanap ko yung saya nung foundation day nung first year kami. Hindi dahil si F@#$! ang humuli sa'kin at naaalala ko pang Lee ang brand ng suot niyang pantalon noon. Pero yung saya at excitement kasi ay nakakapraning. Hulihan talaga e. Tsaka puno lahat ng booth. Sabi ni Aubrey, "Syempre first year tayo nun e. First time natin 'yon". Na-gets ko naman yung punto niya kaso hindi ba pwedeng ma-retain 'yon? Or mas maganda pa nga kung mahigitan e. Ewan ko. Masyado lang yata akong umasa this year dahil nga hindi umulan. Iniisip ko kasi na maraming pwedeng mangyari.

1pm.
Umalis na kami ng iskul - Ako, Aubrey, Maan, Dawn. Ang planong campus field trip ay dehin natuloy at nauwi kami sa Centerpoint. Wala rin. Ikot-ikot lang. 3pm umuwi narin kami.-

October 3 - Continuation ng Foundation Day.
2nd anniversary namin ni F@#$! (Oct3'06 kami nagkahawakan ng kamay e... este nagkahabulan, este nagkahulihan). Mas boring. Pfft. 12pm umuwi na ko. Naabutan ko pa nanay ko kaso umalis din e. Langya. May lakad na naman.

October 4 - Ako & Mama.
Umalis kami patungong St. Francis Square... ulit. Tinapos lang ni mama yung mga requirements na kailangan niyang ibigay dun sa kalokohan ngang gagawin nila ng tita ko. Tapos ikot-ikot, bumili ng tsutsu at nang tinamad na dumiretso kaming Fairview para dalawin si Auntie, kapatid ng lola ko.

Mahaba-haba ang biyahe. Natuwa ako nang madaanan namin ang UP. Ang babaw ko. Labas palang 'yon natuwa na ko.

Medyo nagtagal kami don. Dalawang oras at kalahati rin at inabot kami ng 6pm. Nag-magic sing pa kasi si Mama. Kaya ang lakas ng ulan nung araw na yun e.

Pauwi na sana kami nang makita naming medyo mataas na naman ang baha sa Barrio Balongbato ng San Juan. Pinadiretso ni mama ang taxi sa SM. Dami naming dala nun. Para kaming ewan. Ikot-ikot ulit. Kain-kain. Bili-bili.

Mga 9:30 ata umuwi na kami. Tapos pagkarating ng bahay inayos na ni Mama mga gamit niya.

October 5 - Alis ni mama.
1:30-2am nakatulog ako. 5:50 nagising ako. Pagkadilat ko diretso bangon agad ako. Akala ko 10:30 na naman ako nagising. Buti naunahan ko pa si Mama magising.

6:10am nagising si Mama. Sabay na rin kaming kumain.

Marami pang ibang nangyari.

October 6 - First Monday.
Bangag yung mata ko. Feeling ko namamaga. Sabi naman nila hindi halata. Sabi ni Toni Meng parang inaantok lang daw ako. Kahit lahat sila yun ang sinabi hindi ko magawang maniwala. Feeling ko talaga namamaga e. Buti pagdating ng hapon normal na ulit.

Huwag nang magtanong kung bakit.

October 6 to 10 - Mga isyu at tsu-tsus ng III - Entrepreneurship.
Ang dami. Ang daming nangyari...
Walkout, pagkawala ng cellphone, iyakan at sigawan sa Chem lab (nung wala pa si Mam Rivera at kaunti palang ang tao sa rum), "nagwasto" ng quiz sa Eko (swerte hindi nahuli), "nagwasto" ng quiz sa BCS (minalas na at nahuli), mga sermon, mga tambak na projectssssssssss at long testssssssssss, suspension ng klase, murahan sa Asotea (*lols* wala naman nito e), atbp.

Ayoko nang mag-blah. Sa loob nalang ng III - Entre 'yon. Kapag nakalabas, bahala na. Actually alam na nga ng iba e.



---
Ok. Geh.
Sa sususnod nalang ulit. Marami pa kasi akong gagawin.
Ie-edit ko pa 'tong pics galing digicam. Dim kasi kapag sa
PC. Tapos iu-upload ko pa dahil marami atang naghihintay
na makuha ang mga imahe nila. Tapos gagawa pa ko ng
sanaysay sa Filipino, gagawa pa ko ng draft at design ng
banner ko para sa IT para hindi ako on-the-spot na magiisip
sa Tuesday. Tapos... tapos... basta.

Ayun. Sa sususnod nalang.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer