Sunday, September 14, 2008

Randomtsus.

Ang daming nangyari. Katamad magkwento.

Sa ngayon, nanghihinayang ako dahil hindi ako sumama sa UP, na dumiretso sa joywalk to Ateneo at MC. Potek. Tatlong universities sana 'yon. Kaso, masyado akong mabait at pinili kong umuwi sa kasagsagan ng bagyo... at ang inabutan ko ay baha at bahay na walang tao.

Sana matuloy ang plano. Kung sino man ang gustong sumama, sama kayo. Kaso sana 'wag kj ang gustong sumama. Yung tipong nakokonsensya tumawid sa bakod ng UP at Ateneo. Tsaka limitado lang sana yung pupunta. Ayaw namin ng parang field trip ang dating. Maximum of 7 ogags lang ang pupunta.

Actually napagusapan na ng MSDKG a.k.a. AMP na kami ang sama-samang pupunta. Kaso mukhang malabo para sa mga BK girls at kay Dawn (lagi namang hindi pinapayagan sa lakaran 'to e) kaya 'yon. May apat na pwedeng i-recruit. Kung gusto niyong mag-apply, pumunta lang kayo sa room ng III-Entre, kahit anong araw 'wag lang oras dahil malamang may klase.

Hemingway, medyo natutuwa lang ako. Yung anak kasi ng kapitbahay namin e feel at home dito sa amin. Wala lang. Hindi naman ako na-e-ewanan sa kanya o nakakaramdam ng "ang kapal ng mukha a" dahil natutuwa nga ako. Para kasing naka-schedule na siyang pumunta dito sa bahay namin every weekends upang maki-jamming sa tatay ko sa panonood ng "kapanipaniwalang" wrestling. Pagkababa ko kanina natutulog yung tatay ko at siya, nanonood ng TV at talagang nakataas pa ang mga paa niya while drinking zesto. Laughtrip. Feeling ko may kapatid akong nanonood sa may sala slash bedroom namin.

Ayun. So, medyo may ubo ako ngayon at masakit parin ang ibang parte ng katawan dahil sa hinayupak na swimming na 'yan. Nagsuka pa ko kagabi. Yak. Sabi ng tatay ko 'wag na raw ako mag-swimming dahil pwede naman pala ang special project. E kung pwede lang e, kung hindi pa ko nakakapagpasa ng Ok Slip e mas gusto kong mag-special project nalang. Masaya ang swimming sakin kung isa ako sa audience, at kung ang pinapanood ko ay pang-Olympics na swimming. Isama narin dyan ang diving at ang all-time favorito ko na synchronized swimming.

Ayan na naman. Umubo na naman ako.



Geh. Sa susunod nalang mga par`.
Bye. Ingat. God bless.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer