Friday, August 15, 2008

Yakiudon - Garlic Chicken.

Nakakagag-o mga tao ngayon. Mga gag-o talaga. Kung pwede lang na bigla mo nalang sapakin e.

Ito ang pangyayari kani-kanina lang:

Nagsasalita ng kung anu-anong kagaguhan kalokohan ang tiyahin ko nang pumunta ako sa kabilang kwarto at humarap sa salamin, nagsuklay.

Tati: Diding, gusto mo ng saging? (wow. rhyming words...)
Ako: Ok. Lang.
Tati: ...
Ako: Nasan ba?
Tati: Ayan o.
Ako: *Sabay yuko. Nandun lang pala sa table sa harap ko nakapatong yung lakatan na saging.*
Tati: Meron akong nilagay sa rep (refrigerator) e meron din namang nandyan.
Ako: Ok... mamaya nalang.
Tati: Naka-onlayn ka pa?
Ako: *nod sabay taas ng kilay*
Tati: ...Sabado bukas 'no?
Ako: Umm... *yung parang "Oo"*
Tati: ...wala namang pasok, pag-online-in mo nga muna 'to *sabay tingin sa pinsan ko*
Ako: E.. sus... *Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko. Binagsak yung suklay. Nag-pout at sabay walkout*

Dapat sasabihin ko pa, "E ano ngayon? Friday? Sows. E may praktis kami bukas. Ngayon nga lang ako nakapag-OL ng matino e. Langya naman." Kaso hindi ko na sinabi. Sa sobrang pagka-ogag ko hindi ko na magawang sabihin. Alam niyo 'yon? Basta, ganun. Lintek kasi. Wala akong pakialam sa kanya. Wala akong pakialam sa pinsan kong sa kinahaba-haba ng oras na humilata sa bahay e hindi pa nag-OL. Tapos "pakikiusapan" ako ng kagagu-gagong pakiusap na walang sense na puno lang ng kapunyetahan na ganon. Pero 'pag ako nagre-request, letse, kulang nalang sabihin sakin, "Magpakabit kayo ng sarili niyong telepono kung ayaw mo ng kaagaw sa gamit ng internet." Letse. Dapat nga ako magsabi niyan e. Kahit share ang pagbabayad ng mga bill dito sa bahay, lahat nakapangalan sa nanay ko. Kumuha man sila ng abogago walang mangyayari. Ganyan naman laging drama. Basta kung kanino nakapangalan siya may karapatan. Kung brutal lang akong nilalang matagal ko nang sinampal sa hinayupak at effing face nila yung statement na 'yon. Alam ko lang na unfair ang dating kasi parehong partido nga ang nagbabayad kaya speakless nalang ako. Isumbat pa ng mga 'yan, "Ikaw ba nagbabayad?" Letse. Kung pwede ko lang i-reply na, "Birthday mo ba?" Pfft.

Naalala ko tuloy yung isang episode sa PBB Teen Edition Plus chorva. Yung kay Josef, nung nagkaroon sila ni Daddy John ng kaunting sigawan na talaga namang sigawan, pikunan, sabay sapak sa dingding, pagpipigil ng galit, pag-a-ano, chu-chus...

Josef: *to another housemate* Ikaw, papayag ka ba ng ganon? Mura-murahin yung tita mo? Sa harap mo pa?

Natawa lang ako ng sinabi niyang 'yon. Kasi kung ako yung kausap niya ng mga panahong 'yon, ito isasagot ko:
Oo. Haha. Bakit hindi. Deserve naman niya e. Harhar! E kung tita mo ba naman yung tita ko e, lahat na ng mura sa mundo nagamit mo na hindi ka pa rin makuntento sa paglabas ng sama ng loob mo. Naging makasalanan ka na't lahat, nagdusa ka na, masama pa rin loob mo.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer