Marami nang nangyari na hindi ko nakwento. Malinaw pa sa alaala ko ang lahat ngunit ako'y tinatamad mag-type. Pasensya. Wala ako sa mood mag-flash back e.
Sige na nga. Subukan ko.
Ika-4 ng Agosto, Lunes.
May program. Nasa iskul din si Senate President Manny Villar. Ayun. Nakinig naman ako sa speech niya. Hindi ko lang maiwasan na makipagkwentuhan kay Maan. Lalo na yung tungkol sa Memoirs of a Geisha. Is this your first sumo mats (match)?
Ika-5, Martes.
May nangyari lang. Nagpahinga saglit si Leo sa buhay COCC.
Since kinabukasan beerday ko, nilibre niya ako ng pwud. Pamasahe lang tuloy gastos ko nung araw na 'yon.
Nung bumili rin nga pala kami sa Jozelle ng pwud, may kadete ng ROTC. Natuwa lang ako. ANG TIKAS E. Ka-bakla. Pasensya nalang sa kanya, kung sino man siya. Pasensya kung dehin ko maiwasang titigan siya nung mga panahon na 'yon. Ok. Tama na. Nalulunod ako.
Ika-6, Miyerkules.
Beer-thday ko. Plano ko sanang pumasok ng maaga kaso yun nga. Oo na. Late na ko. Oks lang. Late din naman nagsisimula ang klase namin sa English.
Nakasabay ko pagpasok si Maan-tots. Makalagpas ng catwalk binati niya ko. Ayun. Na-kornihan naman ako. Hehe. Diretso lakad lang kami nang may makita kaming "Happy Birthday Czarlaine" chorva na nakadikit sa poste/puno/whatevernakalimutanko. Basta sa may tapat yun ng "Jux-ta-poz". Ako naman, hindi ko alam kung matutuwa ako o ma-e-ewanan. Ipaskil daw ba pangalan ko. Basang-basa ng publiko, mga estudyante pa ng kolehiyo.
Maya-maya sumigaw si Senpai Juno, "Czarlaine, happy birthday!" (Ganun nga ba? Ewan. Basta sumigaw siya). Ok. Salamat. Binati mo ko. Kaso halatang nakalimutan mo. Kung hindi mo pa nakita sa lintek na papel na 'yan hindi mo pa maaalala. *dismayado mode*
Maan: Kilala mo 'yon..?
Ako: *nod* si Juno.
Maan: ...
Ako: Ngayon mo lang ako binati. Kung hindi mo pa nakita wala na. Edi kalimutan ko na rin yung November 18 (birthday niya ata, sabi niya e).
Pagkarating ko ng room, marami-rami naman ang bumati sakin. Hanggang sa makarating ako ng locker, hanggang sa may tumitig sakin na babae (huwag niyo nang itanong kung sino siya dahil isa siya sa mga nakakairitang nilalang para sakin) na parang sinasabi na, "Birthday niya pala ngayon", at hanggang sa makabalik ako ng room.
Ako, syempre, smile-smile-salamat-salamat-salamat-smile-salamat-smile. Pero ewan ko. Na-appreciate ko naman ang mga bati nila kaso hindi ko alam kung bakit may kulang. May hindi ko alam na dapat alam ko. Tsorva. Basta. Nakaramdam ako ng "Teka, parang bitin a". Ewan. Ayoko na i-explain.
Hanggang uwian binabati parin nila ko. Katuwa naman kahit pano. Kaso nandun parin yung walang-gana-mode sakin. Hindi ko alam pero parang kung ito-total mo, equals yung mga bati nila sa "Nakikiramay ako."
Nang makauwi ako ng bahay, nag-e-expect ako ng kahit man lang isang dosenang donut o maliit na cake o kahit kwek-kwek o kahit Tostitos o kahit anong matagal ko nang gusto, na hindi naman kamahalan. Kaso, pagkauwi ko, wala. Walang kahit na ano. Ni hindi man lang nilabas yung red wine na nabulok na ata dahil nung elementary pa ko nang ibigay yun ng boss ng nanay ko sa kanya. Ewan. Wala. Parang pangkaraniwang araw lang. Nag-expect lang ako ng kaunti kasi alam kong kaka-withdraw lang ng tatay ko. At tsaka kasi, yung hinayupak kong itay, kahit walang pera magpo-provide 'yon ng kahit na ano. Kaya ganito nalang:
Ako: Pa, may tinapay ba?
Itay: Wala.
Ako: *pa-joke* 'NUBAYAN. Wala na ngang cake, wala pang tinapay.
Itay: Naku a. Walang pera ngayon. Kapos tayo.
Ako: *habang umaakyat* LUL! +@\&!\@ Kelan nga ba tayo nagkapera? Bayad na lahat ng utang natin pero hanggang ngayon kapos parin. Letse.
Nang makausap ko nanay ko sa telepono:
Inay: 'Nak, happy birthday.
Ako: Ummm...
Inay: Ilang taon ka na ba?
Ako: Ewan. Pfft. 2008-1993=7. 'Yon. Seven years old na ko. Letse. Ganito na pala ngayon. Magkalimutan nalang kung magkakalimutan.
Inay: Wui.
Ako: Ano?
...at nakalimutan ko na ang susunod. Basta alam ko kinausap niya ulit yung hinayupak kong itay. Dumiretso na ko sa kwarto. Bumalik ako sa kwarto na depress at suicidal.
Bumati na lahat sakin pero wala. Bitin. Shyet.
So, dun sa mga hindi ko napasalamatan, sa mga taong nabigyan ko ng nod as a reply, sa mga hindi ko masyadong napansin, sa lahat ng bumati a month before Aug6, sa lahat ng bumati ng late (kahit hindi talaga ako tumatanggap ng mga pakshyet na "belated happy birthday"), sa lahat ng mga bumati ng sincere, sa walang sawang pagsigaw ni Evita ng Mam, birthday po ni Czarlaine ngayon nung Chem, salamat ng marami. Pati sa lahat ng mga napilitang bumati, salamat parin. Kasi nag-effort kayong pagalawin 'yang mga panga niyo at gamitin ang vocal cords niyo.
Kahit ano pa, salamat parin. Pasensya kung hindi ako nakapagbigay-pokus sa pagsasayang niyo ng energy dahil depress talaga ako ng araw na 'yon.
Ika-7, Huwebes.
May hangover parin ako ng kahapon. Kaso kailangan mag-move on. Kahit masakit. If you really love that person, you should let him go. YAK. Kadiri. So, ayun nga. Wala. Kahit tulala parin ako, kailangan ipagpatuloy ang mundo.
Dun sa PE. Wala lang. Puno ng kadugasan. Kagaya sa sit-ups, Geh. Tuloy mo lang. Marami ka pang oras...3,4,6,7,8,10,11,13,15... Huwag nang magtanong kung ano pa ang ibang bagay na nangyari.
Nag-meeting tungkol sa Filipino - yung sa sabayang pagbigkas. Nagkaron ng kaunting praktis. At habang nagpa-praktis sila, kaming apat (Ako, Nyx, Kim, Evita) ay nasa locker room, namomroblema. May hinayupak na naglagay ng lock sa locker naming dakila. Ewan namin kung anong amats ang pumasok sa utak ng gagstug na naglagay nun dun. Hindi namin masabi na nang-trip lang dahil kung makikita niyo ang lock, hindi lang basta lock. LOCK. Amerlock/Amerilock ata brand nun. Basta. High-quality-haytek-lock. Malaki na nga, mataba, gawa pa ata sa white gold. Joke lang. Exagge. Pero ang tibay talaga e. High-quality nga diba. Kakaiba rin yung susi na ginagamit. Yung pabilog.
At nang kami ay nagiimbestiga ng walang sense na bagay, nakita namin na sa lahat ng locker, may isa pang locker ang may Amerlock na lock (ang daming lock nun a). Nakalimutan ko yung locker number. 32 ata 'yon. Basta yung pangatlong locker na makikita mo sa kanan mula sa pagpasok mo ng pintuan ng locker room. Oo. Nasa bungad lang.
Ewan. So, kung sino man ang naglagay nun, na nasa locker 112 na ngayon, go forth and kill thyself.
Nang medyo nasira na yung pinakapinto nung locker namin, kinuha na namin yung mga gamit at inilipat sa iba na dehin pa okupado. Pagkatapos, bumalik kami ng room. Sumabay na kaming tatlo (bukod kay Nyx) sa pagpa-praktis.
Maya-maya nagpauwi na. Nagkaroon pa ng mini-meeting sa may bandang college building. Pagktapos, umuwi na kami. 7pm na e.
11pm. Huling araw ng Memoirs of a Geisha sa HBO. Nanood ako kaso, malamang hindi ko kinaya. Hantok na hantok na ko. Talagang ramdam ko na yung pagbagsak ng ulo ko. Hindi lang mata, kasama na yung cranial part. Gusto nang mag-shutdown ng utak ko. Ayun. Hindi ko na tinapos.
Ika-9, Sabado.
Pumunta kami kina Leo para ipagpatuloy ang praktis sa sabayang pagbigkas. Ang daming nangyari.
Mabait si Martino nang araw na 'yan. Nanlibre ng zagu. Basta. Good mood ata siya. Siguro kasi mahangin sa rooftop kung san kami nagpa-praktis.
Hapon na kami nakauwi. Katangahan ko pa nga e. Sa gitna raw ba bumaba. Tapos hindi pa dun sa tapat ng kanto para tatawid nalang ako. Nasobrahan. Naglakad pa tuloy ako. Naglakad sa daang hindi dapat lakaran. Haha. Pasensya.
Ika-12, Martes.
Hindi ko na naman nagamit ng tama ang oras ko. Periodicals na kinabukasan pero bago mag-review nanood muna ako ng dvd. If Only at Coyote Ugly. Saya ng earth. Nakakaiyak yung If Only, impeyrnes. Tapos ang tikas nung leading man sa Coyote Ugly (Garcia surname niya sa pagkakatanda ko). Natapos ang panonood ko ng 9:30. Masaya talaga ang earth.
Ayun. Cram. Cram. at Cram.
Ika-13, Miyerkules.
English.
Sakit sa ulo. Lintsak na vocabulary 'yan. Pati yung Rosie Caplan (tmb?) - sino ba 'yon? Pfft. Ang chorva pa ng direction - tick on the blank... Nakabasa pa ko ng sentence na, "The lice..." So ano 'yon? Tick, lice, wala bang Lyme disease o Guillain-Barré syndrome? Kulang nalang "Czarlaine's ubertikas brother slept and never had a chance to wake up again because of this effing... whatever." Lagi pang nasa lugar namin yung ST. Tinitignan pa yung papel mo. Ka-conscious. Baka nasa utak na nun na, "ang dali lang ng vocabs niyo hirap na hirap kayo."
Filipino.
Ok naman. Ok na hindi. Umiikot lang sa utak ko yung mga akda sa panahon ng Kastila, pati yung bago dumating yung mga espax.
IT.
Nakakaiyak. Hindi ko kabisado yung mga whatever under ng File, Edit, View... pati yung ibang short commands.
Ngayon.
Saka na. Inaantok na ko e. Geh.