Sunday, August 24, 2008

My heart bleeds your smile and my soul starts to cry

August 18, 2008
Nagpa-x-ray ako sa San Juan Med. 2 beses pa 'yon kasi hindi raw ako huminga ng malalim dun sa una. Pfft. Then praktis para sa sabayang pagbigkas. Dito sa amin ang venue. Ayun. Natapos naman namin yung buong tula. General practice daw kinabukasan.

August 19.
Ito ang araw ng pagtatanghal para sa sabayang pagbigkas. 3pm pa naman kaya buti wala masyadong klase. Nagkaroon kami ng oras para ituloy yung praktis. Badtrip nga lang kasi dapat general practice na tapos marami pa ring binabago. Parang walang sense yung mga naunang praktis. Back to basics lahat. Actually laging ganon ang drama 'pag praktis namin. Kaso nakaka-depress lang sa araw na 'yan kasi mismong araw na ng pagtatanghal dun pa magbabago ng mga actions, formations, etc.

Ok naman. Sa huli nakuntento rin kami sa kung anong na-praktis namin. Bahala na kung anong mangyari sa mismong performance.

Kagulo sa costume at props. Kulang sa supply e. Gasgas na nga costume namin kulang parin. Hindi ko naman sinisisi ang props committee pero karamihan sa kanila (karamihan, hindi lahat) ay wala namang dinala. Siguro ang pagkukulang naming mga performers ay late na kami nagsabi ng kung anong napagdesisyunan naming costume at kung anong props ang mga gagamitin. Kaso sana nag-effort din ang props committee na mag-meeting sa mga panahong walang klase para may mai-suggest na costume atbp. Masyado kasing naligayahan yung iba e. Wala na silang ginawa, wala na silang dinala, wala man lang binigay na suporta na kahit nanood nga, wala lang. Sinasamantala lang yung panahong walang klase. Dagdag pa sa ingay kapag may praktis kami, pero may grade sila... at ang lakas pa ng loob magbigay ng negative comments (hindi 'to si Julius *lols*) e wala namang sense ang existence ng pagiging props committee member nila. Kahit 70 pa yung grade na ibigay samin, hindi 'yon deserve ng buong klase. Kung iisipin kasi wala na dapat pakialam ang performers kung ma-pressure ang props committee dahil matagal nang pressured ang performers para maging maganda ang kalalabasan ng performance.
Ang saya sana magbanggit ng pangalan dito. Kaso malaking conflict kapag sinimulan ko. Hindi pa naman ako nagbibigay ng "sorry" sa mga taong hindi deserve ang paghingi ng tawad ko. Lalo na sa mga henyong defensive.

PS. Salamat kay Senpai CJ sa pag-console sa'kin sa mga panahong pigil ang emosyon ko.

August 20.
Lakas na naman ng ulan. Bumaha na naman sa LHS. Syempre suspendido narin ang klase. Kaso naabutan pa kami ng baha. Pahirapan tuloy bumalik ng room galing IT class. Buti may dala akong tsinelas kaya nakapagpalit ako.

Pauwi pahirapan na naman. Mahirap sa pagsakay ng dyip. Lahat basa, maputik, siksikan, chorva. No choice naman ako dahil wala na talagang masakyang dyip.

Syempre kung may baha sa LHS, may baha rin dito sa amin. Panibagong pahirapan. Ang taas ng tubig. Burado na naman sa mapa ang Brgy Rockwell. Syempre sakay naman ako ng bangka. Nanibago ako kasi babae yung nagtutulak e (parang kotse kang a). Tapos... doink. Papasok palang sana dito sa lugar namin hanggang leeg na niya yung tubig. Hindi na siya tumuloy. Yung iba lalaki nalang. Tsaka pumasok na pala sa loob ng mga bahay yung polluted water. Binuhat tuloy ako ni itay.

Natawa lang ako dun sa dalawang tutsing (aso na ata 'yon, laki na e) kasi nagsh-shake sila. Nabigla ata sa kalakaran ng buhay dito sa San Juan. Malalanding askal, takot sa baha.

August 21.
Dun sa mga panahong walang klase nagkukwentuhan lang kami - Ako, Maan, Dawn, Evita. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa partikular na topic na 'to pero iisa lang ang saloobin namin. Kaya ang nangyari napagdesisyunan naming mag-open forum tungkol dito. Tawagin nalang natin itong "It Started When We Are in Red".

Dire-diretso lang ang forum nang dumagdag si Kim Alec at Mary Joi. Dahil may dala silang donut at namimigay, nakita ito ng dalawang nilalang na may codename na Pondevida at Nethercott at sila'y pumunta sa lugar namin. Iniba namin ang pinaguusapan dahil hindi na ito pwedeng lumabas sa iba. Maya-maya narinig namin yung bell. Akala namin joke lang yun. Dismiss na pala ang klase. Ang masaya lang dito walang PE... at dire-diretso ang forum.

Nahirapan kami na makalayas ng mapayapa at magpatuloy ng forum. Buti nalang nakagawa kami ng walang kwentang diskarte at yun, diretso ang palitan ng saloobin. Dumagdag si Pondevida sa forum. Napagdesisyunan namin na ang grupo ay tatawaging AMP dahil... hehe. 'Wag na.

Maya-maya may dumating na babae na nag-offer ng parang Bible study. Ok lang naman. Hinayaan namin siya. Wala namang masama. Ayun, natigil ang forum for 20 minutes at nakinig dun sa babae. Hindi pa pala namin naitanong ang pangalan niya.

Nagpatuloy ang forum hanggang 5:30pm ata. Bumalik pa kaming LHS dahil mag-c-CR sila Kim, Joi, at Maan. Si Joi at Kim dumiretso ng BK. Sarado ang girls' cr. No choice si Maan, sa cr ng lalaki siya dumiretso. Pumayag yung janitor e. XD

Uwian na. Nakita pa namin sila Toni Meng, Ira, & Rita sa labas ng gate. Naghihintay. Ayun. Sumali kami sa paghihintay. Habang nandun kami syempre walang magawa kundi tumayo. Nantrip tuloy si Pondevida. With the shades at X-ray lumalapit siya dun sa mga lumalabas na college students habang inaabot yung leaflet na binigay sa amin nung babae sa Bible study. Yun yung "Tulay ng Buhay". Benta talaga. Para kaming tanga dun sa labas. Tawa kami nang tawa. Kung anu-ano pang pangtri-trip. Naabutan pa kami ng mga opiser at co.

August 22.
Nagpatuloy si Pondevida sa pagpapalaganap ng "Tulay ng Buhay". At nagpatuloy kaming mga AMPs sa topic na napagusapan. May mga bagay tuloy na napaguusapan namin na kina-o-OP ng iba. Pasensya. AMP Secrecy e.

Medyo nakaka-depress din ang araw na ito. Hindi ko/namin alam kung bagsak kami sa mga grades namin o hindi. Nakaka-iyak. Lalo na ko. Punyeta. Hindi ko alam kung magseseryoso ako o hindi e. 'Pag nagseryoso kasi ako walang nangyayari. 'Pag hindi ayos naman yung grades. Lintek. E ayoko na nga masyado mag-procrastinate at mag-cram. Ewan. Ewan. Ewan.

Sabay kaming umuwi ni Cabangon. Nasa dulo na kami ng Teresa (oo, sa tapat ng court) nang napagdesisyunan naming bumalik sa LHS. Wala lang. Trip lang. Walang magawa e. Kaya bumalik kami.

Nang wala nang magawa sa LHS at dahil boring narin umuwi na kami after 20 minutes ng pag-stay. Kalokohan lang.


August 23-24.
Na-disconnect ako sa kalagitnaan ng pagt-type para sa bagong entry. At nang sinusubukan kong mag-connect ulit, ayaw. 'Langya.

Inabot na ko ng gabi at ilang banner na ang nagawa ko sa MS Word nagloloko parin ang connection. Plano ko pa naman na batiin si Rita ng maligayang kaarawan ng 12am para ako unang babati sa kanya, kahit sa friendster lang. Kaso wala parin. Nang sinubukan ko nang mag-konek bandang 10:30 ata 'yon, 'langya, naunahan ako ng pinsan ko. Ayun. Pinauna ko na. Magd-dramahan pa sila ng irog niya e.


2:30am na hindi parin tapos ang pinsan ko. Goodluck sakin dahil pinilit ko nalang ang mga mata ko na dumilat. Buti nagutom ako. May excuse ako sa sarili ko para manatiling gising. Ayun, kain habang nanonood ng gymnastics.

3am. Natapos na rin sa wakas. Nakapag-OL na ko. Ayun. Nakabati narin.


Sa ngayon.
Saka na. XD

---
Now Playing: Emily ~ Paraluman.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer