Sunday, August 31, 2008

L.E.

Currently watching: mv of December 2 Chapter VII by Taken by Cars.
Ngayon ko lang ata nabanggit yung tungkol dito. 2-3 weeks ago ata mula nung una kong napanood 'yan. Na-tripan ko naman. Hindi dahil sa gusto ko talaga yung banda, na-tripan ko rin yung kanta at nagustuhan ko rin yung mismong vid. Ayun. Wala lang.

Meron pang isa e. Kagabi ko lang ulit napanood yung mv - Fallen by Drip. Aylabit. Nakakatuwa. Tsaka sagrado sakin yung salitang "fallen" kasi ano... oo, 'yon.

August 30, 2008.
Nung umaga ko lang naalala na hindi matatapos ang araw ng Aug30 hanggat hindi natatapos ang reunion concert ng Eraserheads. Haiz. Matagal ko na namang tanggap na hindi talaga ako makakapunta dyan pero kagaya nga ng sinabi ko kay Meng, malaman ko lang na naging successful yung concert e maligaya na ko.

Bandang 10:30pm. Random channels. Palipat-lipat lang ako ng channel dahil wala ako masyadong ma-tripang palabas. Napatigil lang ako sa GMA7 at maya-maya merong Flash Report. Ine-expect ko narin na may balita na sa makasaysayang concert ng E-heads... Kapapasok lamang po na balita - Naputol ang reunion concert ng bandang Eraserheads nang dalin ang bokalistang si Ely Buendia sa ospital bla-blah something like that. Basta I remember the word "naputol", o baka imahinasyon ko lang 'yon. Whatever. Syempre, ako naman -> O_o Wat!? dahil hindi iyon nakakatuwa. Tapos hindi pa detailed yung report. Malamang e dahil sa kapapasok nga lang daw ng balitang 'yon diba. Nakup. Ewan.

So sa ngayon, wala akong magawa kundi ipagdasal na sana oks na si Ely...at sana ibalik na ni Jervin yung Anthology at Circus ko dahil miss na miss na miss na miss na miss (...) ko nang pakinggan ang musika ng Eraserheads. Hindi kasi naka-save dito sa PC e.

Sa tingin ko it is still worth it. Seeing the band together again compensates it all. Kahit isang set lang 'yon, it is the band. Eraserheads ang pinaguusapan e. Eraserheads and their music. It's all fun and the nostalgia despite what happened. Nakatatak na sa kasaysayan ng earth 'yan.

Last Week.
Linggo - Nanood lang ako ng Final Destination sa QTV at Beyond Conspiracy sa ABSCBN.
Lunes - Walang pasok.
Martes - Kalokohan. Nagpa-check up narin ako. Sabay kami ni Hannahgene. Brutal. Ayoko nang i-kwento ang mga sumunod na pangyayari.
Miyerkules - Wala na namang pasok dahil NCAE ng seniors. Nanood lang ako ng Project Runway Philippines *XD*.
Huwebes - May pasok pero walang klase. May program e. Humabol sa celebration ng Buwan ng Wika. Naka-Filipiniana kami. Daring daw yung akin since see-through yung pantaas. Lintek. E anong gagawin ko, hindi magsuot ng Filipiniana para mag-community service? Pfft.
Biyernes - Sinira ni Leo ang umaga ko. Huwag nang magtanong kung ano a. Ok na kasi. Kapag binalikan pa natin e baka makapatay ako ng langgam ng di oras.

Ngayon.
Inspired ako. Lintek. Bakit ba.

Inspired ako sa "saan" at sa "sino".

At sana maging tao naman tayo minsan. Sana kahit isang beses sa buhay natin e kapag sinabing "inspired" ang maiisip natin, "meron siyang goal, may purpose, may gustong gawin, may nirerespeto, may gustong tularan, may gustong mapatunayan". Langya naman kasi e. Kapag sinabi kong "inspired" ang kasunod na, "Ayieieieieiei!!! Kanino? Kelan pa? Bakit? Isyu-isyu!" Letse. Tumigil a. Tumigil at umayos.

Ok. Tama na. So, ayun nga. Inspired ako. Sa ngayon mas lumala ang kagustuhan kong magka-dslr cam. Fine. Hindi ko deserve ang dslr. Mali. Reiterate. Hindi ko pa deserve ang dslr. Pero sana kapag nahawakan ko na yung hinayupak na digicam ay magtuluy-tuloy ang interes ko sa photography.

Vain ako paminsan-minsan pero hindi yun yung rason kung bakit gusto ko ng camera. I want to take breathtaking shots (naks, may ganon). Kung kukunan ko man ang sarili ko gusto ko in a way may sense parin. Hindi yung basta nakunan ko lang, yun na 'yon. I want my artistic side to soar. After knowing my personality I believe there's more inside, more than I used to be. Waw, inspired nga ako.

Syempre habang kinakarir ko ang camera e gusto ko ring karirin ang gitara ko. Apat na taon na si Felidae at limang buwan na si Freckles (nice name) sa akin pero Us (of Sugar Hiccup) palang ang sa tingin kong pinakamatinong natugtog ko gamit sila. Tapos kaunting Ang Huling El Bimbo. Basta kaunti palang. At the same time gusto ko ring matugtog ng maayos yung keyboard. Sa araw-araw na pinapakinggan ko ang Moonlight Sonata lagi akong nangangarap na matugtog 'yon sa harap ni Beethoven. Joke. Basta, siya na 'yon. Sana matapos ko 'yan bago mag-college. Para sabay kami ni Maan sa UP. Haha. Sabi niya gusto niyang mapabilang sa Mads (Philippine Madrigal Singers) e. Kapag tapos na yung keys siguro drums naman. Tapos cello, double bass, harp, sitar, erhu... pero syempre saka na. Kelan naman kaya 'yon?
---

Now playing: Hikari (piano version) ~ Utada Hikaru.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer