Saturday, August 2, 2008

After a week...

Wala namang bago. Marami lang nangyari.

Last week.
Naka-focus kami sa practice para sa Sabayang Pagbigkas. On the spot pa lahat - mula sa intonations, emotion and force kung paano bigkasin yung mga linya, formation, actions, hanggang sa pagme-memorize nung tula. Masaya naman ang praktis namin, badtrip nga lang minsan. Oras kasi ang hinahabol e tapos kung anu-ano pang ginagawa nung iba. Lakas ng loob mag-reak e ako rin naman may ibang ginagawa kapag may praktis.

Thursday.
Nagbigay ng kaunting suggestion si Mam ST (nakalimutan ko pangalan niya, pasensya) sa grupo namin kung paano ang magandang entra. Tapos nagbigay ng kaunting tips - yung isang yunit, yung emosyon na dapat maparating namin sa audience, yung mga ganun lang. More than that, wala na. Akala ko nga tutulungan kami all the way kaso maya-maya umalis na rin siya. Pero mas oks na yung ganun. Tsaka kung babaguhin pa yung mga actions, maguguluhan lang kami kasi kinabukasan na ang presentation.

Iba pang nangyari.
Lakas ng ulan. Uber. Bumaha sa LHS. Dehin tuloy kami makapag-praktis ng matino. Stranded kami e. Basta. Ganun. Ang maganda lang walang PE. Ayokong mag-push ups.

Friday.
Walang morning classes dahil may misa. Hindi na ko pumunta sa fellowship. Sinamantala ko nalang ang pagiging "INC" ko at nag-stay sa room. Nagpa-print ng kopya at sanay props sa part na magtataas daw kami ng literary works, tapos minemorize na rin yung ibang taludtod na dehin ko pa kabisado.

Maaga ang presentasyon at sa room lang pala ang venue. Nauna ang grupo namin sa pagpe-present...

Bawat hagkis na panitik sa pambansan kamalayan
Umuugit ang taludtod sa lawak na kasaysayan
Sa panulat ay kay daming dinakila't itinanghal
Bukambibig ang kanilang ginintuang mga aral...

Medyo maayos na hindi pa ang sumunod na pangyayari. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari sa grupo namin. Hindi ko alam kung kinabahan ba o hindi nakagamit ng banyo. Para kasing mas maayos pa yung sa praktis namin. Hindi ko naramdaman yung "proud kaming mag-present sa harap ninyo ngayon" na naramdaman ko sa The Congo namin noong 2nd yr. At ramdam na ramdam ko ang pangangapa ng linya.

Syempre alanganamang humirit pa si Pat na, "Hindi maayos. Ulit!" dahil yun na nga ang mismong presentasyon. Wala na kaming magagawa. The show must go on nalang.

Patuloy lang kami nang may mangyaring kababalaghan. Nakaramdam ako ng Teka, parang bitin a pero sunod ang bibig ko sa agos ng salitang sinisigaw ng mga kagrupo ko. Napansin ko nalang na may nangyaring kakaiba nang magtaka ako kung bakit nasa "tinalikdan" agad. Ayun. Pfft. Supot. May nalaktawan kaming taludtod.

...Mapalad ang isang bansang may'rong wikang binibigkas
At ang wika'y yumayabong kapag lahi'y umuunlad
Filipino't Pilipino'y wika't lahing matatawag
Sa landas ng kaunlara'y yumayabong, lumalawak.

Natapos ang grupo namin. Alam namin na may mali kami. Nabalot naman ako ng panghihinayang.

Sumunod ang ikalawang grupo. Elibs me. Ganda nung kanila. Noong Miyerkules kasi nabanggit ni Rita sa amin ni Meng na nasa ikalawang stanza palang ang napa-praktis nila at hindi pa maayos ang mga actions. E yung presentation nila nakakatuwa. Parang walang pangangapa ng linya at mula sa simula hanggang sa matapos malakas parin ang boses nila. Oks pa yung mga actions. So, isipin nalang natin na sa loob ng maikling panahon natapos nila ang praktis at maayos ang naging output.

...
May klase kami nung hapon. Katamad kasi hindi namin ramdam magklase. Tapos ang ewan nung Eko. Nagkwento kasi ang aming guro tungkol sa kanyang anak. Nagpapakita ang kwento ng kaisipan na ang edukasyon ay sagot sa kahirapan.

After ng Eko, sinabi sakin ni Julius na anim o pito ba yun, ang anak ng aming guro. Hindi ko alam kung kelan niya 'yon nabanggit sa klase. Siguro 'yun yung mga panahong dehins ako nakikinig sa kanya. Pero hindi talaga ako makapaniwala. Wala lang. Haha. 'Yoko na. Tigil na ko.

Masaya ang klase namin sa Music. Pagkatapos namin kantahin yung Muge dismiss na. Haytek.

After ng classes, napagdesisyunan namin ni Cabangon na pumunta doon sa Horror Booth. Together with Don Kim, pumunta kami.

Enjoy naman. Galing umarte nung mga "multo". May nangisay na pari, may nandadakma, may bigla nalang hihila ng braso mo, ng paa, gagawin kang lubid sa tug of war. Kaya namula yung braso ko after naming mag-horror booth. Buti nga hindi ako nahati e. Worth it naman yung P10. Sa tingin ko nga dapat hindi lang P10 'yon. P25 should compensate their efforts. Lalo na yung mga "multong" nasa lapag na hindi mo aakalain na nandun kasi madilim. Pakiramdam ko nga natapakan ko yung isa e.

Bumalik kami ng LHS sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Kaso nagpapauwi na ang mga CO. Ayun. Pumunta nalang kami sa try out ng volleyball. Siguro pagkatapos ng 15 minutes umalis na rin kami.

Sa bahay.
Wala naman masyadong nangyari.

9pm - Memoirs of a Geisha. Saya ko naman. Inspired na naman ako. Ganda pa ni Zhang Ziyi.

Saturday.
Maaga akong nagising. 6:30 ata. Pagkabukas ko ng TV, konting lipat-lipat ng channels tapos napadpad ako sa HBO. Memoirs of a Geisha na naman. Umagang-umaga masaya na naman. Maya-maya nakatulog ako. Nagising ng 11am at nag-internet. Teka, bago mag-net may ginawa akong ka-ewanan. Natuwa kasi ako sa EX1.4 namin sa IT (yung autoshapes sa MS Word) kaya yun, gumawa ako.

Photobucket


Photobucket


Photobucket


Galing ko 'no, este ang galing 'no? Feeling ko nag-photoshop ako. Haha. Haytek. Ngayon ko lang na-diskober yung mga chorva sa Word 2007. Basta. Hirap i-explain.

Kinagabihan.
Nagutom ako. Syempre naghanap ng pwud. 1am na yun e. Bale, Linggo ng madaling araw. Binuksan ko yung TV. Wala naman akong magawa kung Memoirs of a Geisha na naman ang naabutan ko sa HBO. Ayun. Nanood na naman ako. Katuwa kasi yung mga quotable quotes e.

A story like mine should never be told. For my world is as forbidden as it is fragile. Without its mysteries it cannot survive. I certainly wasn't born to the life of a Geisha. Like so much in my strange life I was carried there by the current.


In that moment, I changed from a girl facing nothing but emptiness, to someone with purpose. I saw that to be a geisha could be a stepping stone to something else.. a place in his world.

From that moment I told myself when I make tea, when I pour sake, when I dance, when I tie my kimono it will be for the chairman, until he finds me... until I am his.


Can't you see? Every step I have taken, since I was that child on the bridge, has been to bring myself closer to you.


Remember Chiyo, geisha are not courtesans, and we're not wives. We sell our skills, not our bodies. We create another secret world, a place only of beauty. The very word Geisha means artist, and to be a Geisha is to be judged as a moving work of art.


You cannot say to the sun "more sun", or to the rain "less rain". To a man Geisha can only be half a wife. We are the wives of nightfall. And yet to learn of kindness after so much unkindness. To understand that a little girl with more courage than she knew, would find that her prayers were answered. Can that not be called happiness? After all, these are not the memoirs of an empress, nor of a queen. These are memoirs of another kind.


Ngayon.

Wala naman. Ang lakas lang ng ulan.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer