Tuesday, February 12, 2008

I made a deal period

Tumawag kasi si Ephraim eh. 'Yan tuloy ang title.
Pasensya. Wala talagang maisip eh.

` ` ` ` ` `
So, umalis na si Mama. Kaninang 5:40:06am ko huli siyang nakita.
Back to work na kasi. Kahit ayaw na niyang bumalik dun, at kahit
ayaw na namin siyang umalis, kailangan eh.

Kagabi, pinatignan sakin ni Mama yung mga naka-save na pics sa
digicam niya. Nandun parin yung mga pics taken 2 to 3 years ago.
Nakita ko yung mga pics niya noong nagka-business trip sila sa US.
Actually nakita ko na yun dati... pero wala lang. Wala akong magagawa
eh nakita ko eh.

Kaya ko naman nabanggit kasi, yung isang designer na kasama nila
Mama eh may Canon dslr cam. Nyaks. Ang yaman ng langyang yun.
Isipin nalang natin na kung ngayon nga eh mga 25-30k yung ganung
cam, edi mas mahal pa yun dati kasi nga mga 2 to 3 yrs ago na. Haiz.


Meng, may mas mahaba pa ba jan? Hehe. Gusto ko rin ng ganyan eh.
Yung tipong 1.5metre yung lens. Hehe. 'To na naman ako - exagge...


(Pansinin niyo, parang ang laki ng kamay niya 'no? Parang tanga lang.
Alam niyo yung luyang dilaw na malalaki na nabibili sa nagkalat na
tindera sa labas ng Basilica de Nazareno? Yun, parang ganun yung
kamay niya. Lols. Yan na naman. Tigilan ko na nga. Baka mabasa pa
'to nung kasamahan ni Mama, sugurin pa ko sa LHS. Hehe.
)

` ` ` ` ` `

Motion Blur
Alam niyo yung kantang Teardrops on My Guitar ni Taylor Swift?
May line kasi dun na...

"He's the song in the car I keep singing, don't know why I do"
Kapag naririnig ko yun, na-i-imagine ko yung nangyayari. Dahil
nga sa "nangyayari", ibig sabihin, gumagalaw. Kaya nung nakita ko
yang pic na yan dun sa digicam ni Mama, wala lang. Naalala ko yung
kanta tsaka ramdam ko sa pic yung motion. Naalala ko yung...

mga panahong nakasakay ako sa jeep, tumutugtog yung Upside down.
Sumunod yung Sundo - at naisip ko si Apasionado, ang mga nangyayari,
at mga desisyong dapat ialay sa kawalan. Konektado ang lahat kay...
konektado ang lahat sa isa sa mga gusto kong kuning course sa college

- Fine Arts.

Dahil konektado ito sa Fine Arts, bumalik ulit lahat. At naisip kong,

"What if Tuliro ang sunod na kanta?" At patuloy na nag-senti habang
nakatulala, habang umiiral ang imahinasyong minsan ko nang inalay sa
course na nabanggit.


Natapos ang Sundo, and kantang nagpapaalala sa akin kay Apasionado.
Patuloy ang awit ng player ng jeep at patuloy ang laro ng mga alaala sa
utak ko. Sabi ko pa,
"Pamilyar yung intro ah..." Tapos biglang
"1 2 3
Labis akong nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
ika'y makapiling..."

Iyak-tawa ako. Napatingin ako kay Pia, napangiti ako. Ganun din
si Pia. Hanggang sa bumaba na kami... nasa tapat na kasi ng
F. Roman.


Pia: Kaya nga napatingin ako sa'yo eh
Dolorosa: Ayoko na sanang bumaba eh. Kahit abutin tayo hanggang
Gilmore matapos lang yung kanta.

>Para lang sa kaalaman ng may pakialam at mga closely related,
itigil na ang mga balitang bigla nalang susulpot sa kalagitnaan
ng araw ko o habang naglalakad ako - "Wui, nanjan si ano ah..."
Kung makita ko man si moks... edi ok. Nakita ko. Kung hindi,
edi masaya. Hindi na dolorosa.
<

Ay, sorry. Napalayo ata yung kwento ko. Nasaan na ba?
Nasa picture nga pala tayo. Ok. Balik tayo sa picture.


Picture. Photos. Images. Imahe. Litrato. Larawan... ano pa ba?

Interesado lang talaga ako sa photography ngayon. Hindi ko rin
alam kung bakit at kung paano ako nakarating sa gantong stage
ng pagkahilig sa mga bagay na hinahangaan ko lang noon.


Teka, ano ba 'to? Ano ba 'to? Ano bang tawag dito?

Basta. Mula nung nabasa ko yung isang tutorial tungkol sa pastel
painting at oil painting, mas na-inspire akong matuto ng tamang
pagkukulay at tamang pagco-combine ng mga kulay. Mula nung
nakakita ako ng dslr camera, gusto kong idagdag yun sa mundo
ko. Wala lang. Nakatutuwa lang kasi.

` ` ` ` ` `
Ang dami palang assignment ngayon. Tapos may quiz daw sa Stats
bukas. Sows. Anong bago? Tuwing meeting naman 'yan. Laging may
seatwork, iskratswork, quiz, long quiz, short quiz, medium quiz, test,
long test, short test, medium test, sleeping test, insomnia, etc. Pwede
naring ibagsak kung tinatamad mag-review. Pagdating naman ng
computation of grades eh bagsak din lahat ng estudyante. So, hindi
na kailangang mag-review. Wala ring pagbabago.

Geh.
Kain muna ako.
Maya na i-edit 'to.
Or kung hindi ko ma-edit,
abangan nalang ang next
entry.
KTHX.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer