Sunday, February 10, 2008

As soon as forever is through, I'll be over you.

*currently playing
I Just Can't Stop Loving You*


Huwag niyo nang pansinin yung title. Walang konek yan sa
entry ngayon. Yan kasi yung kanta bago sa I Just Can't Stop
Loving You.

Kaya... ayun. Ganun.


` ` ` ` ` `
2.9.08
Walang nangyaring "review" sa NAT Review. Walang nagturo. Nag-test
lang kami. Siguro, matatawag naring review yun. Pero yun nga, walang
nagturo.

Yung test namin ay tungkol sa past lessons. Medyo mataas naman ang
nakuha kong iskor pero hindi ako satisfied. Wala lang. Siguro kasi
nakalimutan ko na talaga yung mga naituro dati. Tsaka biglaan yung
test na yun. Ewan. Nakakatamad talagang magkwento ngayon. Nyaks.

After ng break, mga 10:40am, bumalik kami ng room. Tapos, uwian
narin pala. Sayang ang pera, kumain pa kami. Mga 11am, umuwi na
kami. Wala ng tambay sa oval, overstay sa LHS, dalaw sa Don Jon.
Diretso uwi kami.
Ako, kailangan talagang umuwi ng maaga kasi aalis kami.

Pagkarating sa bahay, kumakain ata sila Mama. Hindi ko matandaan.
Basta, walang sense ang ginagawa nila *hehe. sama ko.* Hindi na ko
kumain kasi nga kumain na ko ng heavy meal sa iskul. Since kakain
pa sila, maliligo, at kung anu-ano pa, natulog muna ako. Ginising nila
ako after 1 1/2 hour. Then after 20-30 minutes, umalis narin kami.

Pumunta kaming Fairview. Dinalaw lang namin ang aming mga
kapamilya dun. Nakarating kami ng mga 3pm.

So, kwentuhan muna. Kwentuhan. Kwentuhan. Hindi ako nagsasalita.
Kapag tinanong ako or kung kelan ko lang gusto magsalita, saka lang ako
magsasalita. Hehe. Basta. Alam niyo yung ganun. Yung kapag ayaw niyo
nang makisawsaw sa usapan nila at kung mukha naman hinihingi ang
opinyon mo, saka ka lang magre-reak.

Umalis kami ng mga 8:15pm. Ilang oras din. Sabi namin hindi kami
magtatagal, mga hanggang 6pm lang. Kaso, nadagdagan ng 2 oras.

Sumakay kami ng bus biyaheng langit... este biyaheng Cubao.
Masaya nung una. Humahampas sa mukha ko yung malamig na hangin
at nag-e-emote ako. Nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip
(actually may isang tao akong iniisip noon, hindi ko na sasabihin kung
sino dahil magiging isang napakalaking issue).

Pero maya-maya, nakakaloko na. Kakaiba na yung bilis nung bus. Yung
bilis na tipong mauubusan ng daan yung driver. Ewan ko kung anong
amats ang tumira sa utak ng ponyetang driver ng bus na nasakyan namin.

Meron pa nga, yung isang truck na kasabayan nung bus, ang bilis
magpatakbo, dahil nga sa may amats yung driver, langya,
makipag-racing daw ba. Ewan. Gago talaga mga tao ngayon.

Nakarating naman kami ng Cubao ng buhay. Hindi naman sumabog yung
bus or whatsoever. Pagkarating ng Cubao, sakay na kami ng jeep biyaheng
Divisoria. Hindi, Stop&Shop ata yung jeep na nasakyan namin. Basta,
nakauwi naman din kami ng mapayapa. Mga 9:30pm na yun.


` ` ` ` ` `
2.08.08
Pumunta ulit kami ng Don Jon. Sigurado na si Pia na gusto niyang bumili
ng gitara, so, ayun. Nagpa-reserve na siya. Pwede na niyang makuha bukas
yung gitara. Ako, gusto ko rin sanang bumili ng bago, yung beginner's size.
Hindi naman yung kagaya ng kay Juzel, yung mga tipong kay Venchito.
Sabi ni Kuya Nathaniel (yung sa Don Jon), Junior size daw yun. Yun nga,
gusto ko sanang bumili kaso, alam ko naman ang sasabihin ng tatay ko,
at yun nga ang sinabi niya...

"Pwede na yang gitara mo. Maganda nga yang malaki eh. Kapag nasanay
ka jan, kahit anong size na ng gitarang gamitin mo, ok na. Tsaka hayaan
mo na yung teacher mo, anong magagawa niya kung sanay ka jan sa
pangkaliwete. Tsaka ayoko nang bumili ng bago, wala na tayong pera."


Sa lahat ng sasabihin niya, ang pinakakapanipaniwala lang eh yung
"...wala na tayong pera."

Actually kasi, may plano akong nakakagago. Sa ngayon, hindi ko muna
sasabihin.
Related sa gitara pero hindi related sa pagbili ng bago. Basta.

` ` ` ` ` `
Ang bilis ng araw. Sa Martes, aalis na ulit si Mama. Hindi naman masyadong
malungkot. Manhid narin kasi ako minsan sa mga ganyan. Lintek kasi na PUP
yan. Abuso sa estudyante. Ang dami kasing ginagawa eh. So, kahapon lang
kami nakaalis ng magkakasama.

Hindi kami umalis ngayon. Hindi na naman natuloy yung pagpunta sa Hidalgo.
Bukas, 5:30 ang uwian namin. Humihingi ako ng himala na mag-shorten o mag-
half day. Pero kahit 1% ng 1% ay walang posibilidad na mangyari yun. Sa
makalawa, maaga ang alis ni Mama. Uuwi ako ng wala siya. Simula na naman
ng tatlong buwan ng paghihintay.

Sa May na ulit ang balik niya. Gusto ko sanang doon ulit magbakasyon. Gusto
kong bumalik sa Hard Rock. Astigin talaga dun. Wala lang. Ang tikas lang kasi.
Basta, Hard Rock lang talaga ang pinakamasaya dun eh. Pati narin ang pagkain
sa Outback Steakhouse. Ewan. Basta.

So... Pia, Nyx, Meng, magpagawa na kayo ng passport niyo. Siguraduhin niyo
lang din na may pera kayo kasi kapag nasa Hong Kong tayo at sa Huidong
(sa lugar nila Mama), kayo magbabayad ng parte niyo sa renta sa hotel,
pamasahe, at bibiling pagkain, etc. Wag kayong mag-alala. Makakatipid naman
kayo kapag nandun na tayo kina Mama. Kasi, libre pagkain natin. Yung pagkain
din nila Mama sa canteen ang kakainin natin. Pagpasensyahan niyo nalang kasi
hindi akma ang luto nila sa panlasa nating mga Pinoy.
Ingat kayo kasi baka mapamura kayo sa harap ng pagkain. Pero kung sanay na kayo sa
pagkaing may sabaw na mantika, sa tingin ko naman eh ma-e-enjoy niyo ang luto nila.
Pero yung mga pagkaing gusto niyong bilin sa grocery, syempre, kayo na
gagastos nun. Hehe.
Basta, tandaan - Enjoyment at experience lang ang libre.

Haiz. Sana nga eh kasama kayo. Lalo na sa Hard Rock. Yun yun eh. Basta.
Tsaka kung makakadalaw nga tayo sa Hard Rock, pakihanda narin ang list of
songs na gusto niyong i-request. Haiz. Haiz na naman. Haiz ulit. Haiz na naman
ulit. Basta. Masaya sa Hard Rock.

Kayo, classmates, iskulmeyts, baka gusto niyo ring sumama. Basta, gastos
niyo. At kapag iskulmeyt lang, hiwalay ng kwarto ah. Yung mga Par` ko lang
ang mags-stay with us, in the same room.

Talagang may ganyan, kala mo may sasama talaga eh 'no. Pero sana
makasama sila Pia. Para masaya. 2 weeks lang naman tayo dun. At
wala namang snakes on the plane. Hindi rin sasabog yung eroplano. Basta.
Para lahat tayo masaya.

` ` ` ` ` `
Wala na kong masabi slash makwento.
Dumating na naman sa point ng katamaran
mag-isip.

Sabi sa Billy Jean, just remember do always think twice.
Hehe. Konek? Basta.

Geh.
Alis na muna ako.
8->

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer