Tuesday, November 20, 2007

Rule #4: Patayin ang maingay.

11.16.2007
-Napalakas ang pag-ikot namin ni Nyx at nagkaputik ang pantalon ko. Pero oks lang. Hindi ko na ikukuwento ang nangyari. Mahabang kalokohan lang.
-Nalaman namin ang family problems ng isa't isa. Haiz. Dahil dito, kulang kami.
-Totoo ang kasabihan na kapag ang estudyante nagigipit, lumalabas ang pagiging madiskarte. At dahil ganun nga, ayun. VOILA! Instant excuses ang lumalabas ang pino-produce ng isipan namin. Ang malupet, kapanipaniwala ang lahat ng ito at walang butas. Ahoo!
(Hindi ko narin ie-elaborate kung ano nga ba 'to)
-Maaga kaming umuwi. Together with Pia at Meng, pumunta sila sa amin. Nanuod kami ng Hostel 1&2. Maraming pagkain... at masaya ang panunuod.
-Ang PC ay... basta.

11.17.2007
-Kuhaan ng card at sa pagpasok, may nakita akong organism.
Take note: Naka-reloj ako noong Sabado. Gets?
-Disappointed si Itay sa aking grades. Ako rin naman eh. Himala at wala masyadong sermon. Pero mas nakakainis yung ganun. Mas pinapakita kasing talagang disappointed siya. Ewan. Sabi lang ni Itay, "mag-aral ka naman..."
Oo na. Alam ko naman ang punto ng aking ama: matalino ako. Marunong. May common sense, may sense ang pagkatao, nakakaintindi, nakakaunawa, pwedeng-pwede na modelo na isang huwarang bata pero... pinili kong maging tamad. Maging nonsense ang pagkatao. Maging happy-go-lucky at gawing motto ang come what may sa araw-araw na pamumuhay. Nakokonsensya tuloy ako.
-Walang magawa sa bahay. Kaya lahat ng CDng nakolekta ko, pinakinggan ko. Isama na ron yung mga binurn ko lang.
-Sa araw na ito, na-realize ko na ang huling CD na binili ko ay ang Transit ng Sponge Cola at mahigit isang taon na ang nakalilipas. Hindi kagaya dati na after every 2 to 4 months ay bumibili ako. Sa ngayon, walang pondo para sa CD. Libro muna ako.

11.18.2007
-Birthday ni Mayabang.
-Aeon Flux sa HBO. Nawindang ako dun sa bandang simula.

11.19.2007
-Suot ko ang aking dakilang reloj. Syempre, alam niyo na kung anong nangyari.
-Matagal kaming nakatayo bilang tagapalakpak. Wala man lang kaming credit.

11.20.2007
-Pina-print ang lyrics ng Falling Away.
-Naka-reloj ulit ako. Yun. Yun na yun.
-Nakakita ng rainbow - at kinuha yung pot of gold.
-123 sa jeep (oo na. masama na ko. saka ko na ipapaliwanag kung bakit).
-may nakasabay na mga college students na parang may nakakabit na mega phone sa tabi ng bibig.
-Naandito ngayon sa internet shop dahil nga saa nangyari noong 11.16.07.
-Nag-u-update ng entry (obviously, ito na yun).
-Nag-se-search ng assignment para sa PE.






Yun lang muna.


Sa ngayon.

Ang hirap kasi mag-type dito. Ang lambot ng keyboard. Basta, iba yung lambot niya. Ngarag na hindi ko mapagtanto. At maraming tao... dehin ako sanay.







KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer