Thursday, November 15, 2007

Nyak, ganun?

Medyo matagal-tagal din mula nung huli kong post.
Wala namang nangyari. Pero, actually, meron.

Malamang.

Kahapon, simula ng Foundation Day namin. Kasabay nito yung cheering competition.
Ayun, masaya naman kahit hindi kami yung nanalo. Pero masaya parin. Gusto ko sanang mag-kumento sa naging performance ng nakapasok sa Top3 kaso baka bigla akong tagain sa likod ng mga senpai kong 4th yr kaya 'wag nalang.

Kahapon din yung PUPLHS Pop Idol 2007. So, nanuod naman kami. Natutuwa lang ako sa isang pangyayari. Magkatabi kasi kami ni Aubrey. Nakita kong meron siyang bling-bling na ang pendant ay isang malaking cross na silver na may bato-bato. Hiniram ko sandali. Tinanggal naman niya sa leeg niya. Tinignan ko ang pendant at naaliw ako. Tsaka, nakita ko, parang original na silver kasi ang tikas ng kinang tsaka mukhang matibay, makapal kasi (gets?). So, wala lang... kagaguhan ko lang at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napag-tripan kong testingin ang katikasan ng silver-na-cross-na-pendant-na-may-bato-bato. Mukha kasi talagang matibay. Ginawa ko dito yung madalas kong ginagawa sa mga kutsara o tinidor namin. Nag-attempt akong i-bend/ibaluktot at biglang... tugudoink. Nasira. Nabali. Na-dislocate. Nahati. Basta, ganun. Nagulat ako sa nangyari at tumawa ako nang tumawa. Sabi ko,
" Hala!!! Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!"
Tuwang-tuwa ako nung nabali/nahati ko yung pendant. Sa utak ko, "Takte, original ba 'to? Ang lambot, nabali agad. Matigas pa yung toblerone eh."
Si Aubrey, hindi alam kung matatawa o maiinis sakin. Minumura niya ko pero tawa rin siya ng tawa. Tinanong ko siya kung bakit parang chocolate na hindi nailagay sa freezer ang pendant niya. Sagot naman niya, hindi niya alam. Tinanong ko siya kung original ang bling-bling niyang yon, hindi rin daw niya alam. Pero maya-maya sabi niya, original daw yun. Kapag may bato raw talaga, madaling mabali. Since dehin ko alam na madaling mabali ang original na silver kapag may bato, parang maniniwala na ko sa sinabi niya pero tumatakbo parin sa isipan ko na, "Bakit yung kay Rowie matibay naman kahit may bato-bato?"

Balik tayo sa Pop Idol. Nanalo si Senpai Bracia (tama ba ang surname? pasensya ah). Congrats sa kanya. Hehe. Ang saya rin ng 3-Entre. Tapos, pumunta pa sila sa stage para i-congrats ang Pop Idol Grand Winner for 2007.
At dahil din naman dito, 7pm na kami nakauwi. Buti nalang kasabay ko si Mary Joi.

Kanina namang umaga, ang lakas ng ulan. Pinadala sakin ni Papa yung payong. Pero hindi ko ginamit. Sira kasi. Yung tipong bubuksan mo palang, disaster na kasi sira agad. Ewan ko ba sa ngarag na payong na yon. Buti nalang kasabay ko si Ann. Isa siyang freshman na sa PUP rin nag-aaral at kapitbahay namin(at dati'y madalas ko ring kalaro).

Pagkatapos ng ilang oras, nagpakain na sila. Ok naman yung pagkain. Pero nabitin ako.

Tapos, patuloy parin ang pag-ulan. Dire-diretso. Sa klasrum namin, ang lamig. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi bukas lahat ng electric fan. Pero sa Honesty ganun din naman, bukas lahat ng bentilador pero hindi ka naman tutubuan ng yelo. Dahil dito, doon ako nag-hibernate sa room nila.

Sa paguwi, gudlak sa pantalon namin. Basang-basa. Lamig na lamig na talaga ko. Pagkarating sa Teresa, nabasa na yung loob ng sapatos ko. Nararamdaman kong pwede nang pigain yung medyas ko. Ang lamig. Pagkasakay ng jeep, mas naramdaman ko yung lamig. Magpapalit sana ako ng tsinelas kaso ang dami na agad sumakay na ibang pasahero kaya ayun... hindi na nga ako nagpalit at tiniis ang ginaw na dumadaloy sa aking laman at dugong umaagos sa aking mga ugat.

Ngayon, oks naman. Hehe. Eto, malaya ako sa PC ngayon. At binago ko na naman ang banner ko. Wala talagang magawa sa Macromedia. Haiz...




Ayun.


Yun lang.








KTHXBYE.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer