1. "I asked God to take my pride
and God said No.
He said it was not Him to take away
but for me to give it up".
Yan ang first stanza ng isang tula(na parang dasal) na pumasok sa buhay ko noong Gr.3 ako. Mahaba ang tula na yun. 8 stanzas, with 4-6 lines per stanza. Basta, mahaba yan. Sabi ni Ma'am Baybayan, kabisaduhin namin ang tula at magkakaroon ng graded recitation kinabukasan.
Haiz...
Kinarir ko ang pagkabisado. Nagpatulong pa ko sa tatay ko.
Kinabukasan, nagtanong si Ma'am kung sino na ang pwedeng pumunta sa harapan... Siyempre, para i-recite ang tula. Langya, ako lang ang nagtaas ng kamay. Nyak. Center of attraction. No choice, pumunta ako sa harap.
Yabang ko. Wala akong mali. May kasama pang hand gestures ang pag-recite ko. Tapos, palakpakan sila.
Ilang taon na ang lumipas, natatandaan ko pa naman yung tula pero yung eksaktong linya, mga salita, at iba pa... hindi na. Pero may isang parte ang hindi ko mapagtanto pero hanggang ngayon nakatatak sa isip ko. Yan nga, yang unang stanza ng tula.
Kung iisipin, ngayon ko lang nalaman kung ano nga ba talaga ang kahulugan nung tulang ako ang unang nakapagrecite sa harapan ng klase. Dati kasi, wala lang. Sabi pa namin, pang banal ang tula na yun. Ngayon ko na pwedeng sabihin na "I was the first one to memorize that poem".
(pasensya kung mali ang grammar ko pero sabi ng Microsoft Word, tama.)
Sabi kasi ng dictionary, ito ang kahulugan ng "memorize"---> v. LEARN BY HEART.
Naknangtots. Tikas ng definition. Madrama.
May isa pang tanong, bakit yan ang nanatili sa isip ko?
Siguro kasi, ma-pride ako. Oo, aminado ako dun. Humble ako sa harap ng tao peroang totoo, hirap akong tumanggap ng failures, rejections, embarassment, at kung anu-ano pang humiliation sa buhay. Pero dati lang yun. Ngayon, alam ko na kung ano ang pinagkaiba ng daga sa pusa. Hehe, joke lang. Wala yang konek. Basta, alam ko na kung ano nga ba ang ibig sabihin ng "being humble" o yung "humility".
Naks. Nagiisip rin pala ko.
2. "Stop comparing me to others. I know what I'm capable of."
Pasensya na ulit kung mali ang grammar ko. Oo, ako ang gumawa ng blah-blah na yan at siguradong nasabi narin yan ng iba.
Nainis lang (ulit) ako sa tatay ko. Alam niya kasi na "Nana-nana" ang grade ko sa Algebra. Takte. Hindi pa siya nakuntento dun. Sabi niya kagabi, "Bakit si Ashley sabi ok lang siya sa Math"? Sabi ko, "Ok lang talaga siya dahil matagal na niyang tanggap ang palakol na grade. Ano ka ba?! Tsaka syempre, sasabihin nun, ok lang siya. Kahit naman ako. Excuse nalang yun". Humirit pa yung tatay ko... "Eh bakit si Kim, 82 raw siya".
Sabi ko, "Nakatsamba lang yun. Yung isa nga eh, naka-84 kahit walang ginagawa".
(alam kong tinamaan si Lezlee. Hehe. 'Wag kang magalala, dehin ko nabanggit ang pangalan mo). Hindi nag-react ang tatay ko. Sigurado, ito ang nasa isip niya, "Hindi ka kasi nag-aaral!"
Kung sinabi man niya yun, ito lang masasabi ko, "Pa, eh kung ikaw kaya mag-aral? Ikumpara raw ba ko sa iba. O kaya, para mas masaya, ikumpara natin ang transcipt of records natin sa Algebra. Tignan natin kung sino ang hindi nagaaral". Minsan sinasabi ko talaga yan sa tatay ko. Ang talino kasi niya eh. Kasalanan ko ba na nakuha ko ang utak niya na puro literature at history ang ina-absorb? Kasalanan ko ba na hindi nagkaroon ng puwang sa utak ko ang gusto sanang ipamana ng nanay ko sakin na "Exempted in Finals" sa mga subject na Algebra, Trigo, Geometry, at iba pang subject na involve ang numbers? Tsaka masaya naman ako sa pinamana ng tatay ko sakin na puro literature at history. Buti nga pumapasok parin ang equations and axioms sa utak ko. Haiz...
Sa parte siguro ng tatay ko, alam niyang kaya ko kaso pinababayaan ko lang. Oo. Kaya ko. Kaya ko naman talaga. Pero sa ngayon, yun lang ang kinaya ko. Ipagpatawad niya kung dehin pumalo sa 80 ang grade ko. Sa ngayon lang naman 'yan.
TANDAAN: SA NGAYON LANG.
Hindi ko nilalagyan ng limitasyon ang utak ko sa numbers. Alam kong kailangan yang mga yan sa buhay. Tsaka malay natin, hindi ako makapasa ng Fine Arts at ako'y desperado na at kukuha nalang ng Engineering course. Tsaka aminado ako na napapabayaan ko ang buhay ko pag involve na ang Algebra. Pero, sa ngayon lang yan. Ngayong First Quarter lang yan. Susubukan ko parin. Hindi ako mag-e-expect. Pero alam ko kung kaya ko pa. Sabi ko nga, I know what I'm capable of. Malaki pa ang space ng utak ko. Tsaka(tsaka na naman?), malay ulit natin, hindi pa nabubuksan yung pinamana ng nanay ko sakin. Baka biglang gumana sa mga darating na panahon. Baka maging sisiw rin sakin ang numbers. Baka sasabihin ko rin sa mga magiging anak ko yung laging sinasabi sakin ng nanay ko, "Wag kang magalala anak. Sisiw lang ang Algebra. Yan ang pinakamadali sa lahat".
3. Why can't you see me like I see you
Can't you feel me like I feel you
Can't you be with me tonight?
Galing yan sa kantang Dragonfly ng Sponge Cola. Hindi naman ako masyadong tinamaan ng mga linyang yan kaso, dahil sa hindi nga ako manhid(hehe), ramdam ko kung ano nga ba talaga 'yan. Lalo na kung maririnig niyo pa yung napaka-passionate na boses ni Yael. Tatamaan din kayo.
Oo na, aamin na ko, tinamaan nga ako.
Teka, ano nga ba 'yan?
Basta, mahabang diskusyon para dyan. Tsaka baka madulas ako at mabuksan ko ang topic ng lovelife(kadiring term) ko. May masabi pa kong pangalan tapos i-search niyo pa sa friendster. Kaya 'wag nalang... Tsaka nakakaintindi naman kayo ng mga linyang medyo malalim diba? O kaya, pakinggan niyo yung kanta. Tamaan na kung sino ang tatamaan. Hehe.
Basta. Isa yan sa mga linyang lagi kong sinusulat sa papel o sa folder of thoughts ko. Isa rin yan sa mga pinangva-vandal ko sa mga dingding o upuan namin. Minsan, pag gusto kong magsayang ng WB marker o ng chalk, yan din ang sinusulat ko. Matagal na yan, nung Gr. 6 pa.
4. Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw...
Galing naman sa Ang Huling El Bimbo. Yan naman ang unang pumasok sa isip ko nung nalaman ko na yung taong inspirasyon ko sa pagsusulat ng tula ay wala na. Hindi naman siya namatay. Hindi naman pumunta ng ibang bansa. Pero... wala na. Kung ano yung nangyari, yun na yun. Basta.
Sa ngayon, naghihintay pa ko. Hinihintay kong siya ang magsabi na magnets of nature nga kami. Kaso, ang tagal na. Pero maghihintay parin ako. Siguro, kapag April na, susuko na ko.
"Thanks for the memories even though they weren't so great"
Yun lang ang sasabihin ko sa kanya. Pero tandaan niya na hanggang ngayon, hindi ko parin nakakalimutan yung nangyari noong Feb. 15 at Mar. 21. Isama pa yung July 11. Hehe.
TO BE CONTINUED...
Monday, August 27, 2007
These are my confessions. Ngayon lang 'to. Samantalahin niyo na.
. .
