And daming nangyayari. Sa ngayon, mainit ang ulo ko. Gusto ko sana ilagay sa freezer kaso hindi kakayanin ng computer sa loob ng freezer. Syempre, habang nagpapalamig ako ng ulo dapat nandun ang computer para mas masaya. Kaso, hindi nga pwede.
Yung title ng post ngayon ay kinuha ko sa isang animé. Yung Kare Kano. Wala lang, sinabi ko lang.
Pano nga ba ako mag-sisimula...
Marami ngang nangyayari.
FALL OUT BOY- Live in Manila.
Venue: Araneta Coliseum.
Nanghihinayang ako. Sa Cubao lang kasi. Malapit lang. Kung hindi ako makakapunta, para sa'kin, isa yung napakalaking SAYANG(at kagag-u-han) sa buhay ko. Pinayagan naman ako kaso ang perang available ay para lamang sa isang tao. PARA SA'KIN LANG YUN kasi ako lang naman talaga ang may gustong pumunta dun. Kung ako lang mag-isa, malamang, hindi talaga pwede. Tsaka, takot ako sa heights---anong konek? Hindi,kasi, marami ng tsekot, takot ako. Tarantado ako kapag marami ng sasakyan. Madali rin akong mataranta kapag nakarinig ng ingay sa gitna ng kalye ng dahil sa mga kotse. Basta,kapag tipong EDSA na, iiyak na ko. Haiz, dehin na. Wala na talagang pag-asa.
Kahapon, sa oval, sa upuan bakal.
Reunion kami. Kasama ko si Pia at Nyx. Masaya. Kahapon lang ulit kami nakapagusap ng matino ng sama-sama kasi maraming ginagawa sa iskul nung mga nakaraang araw. Kaso, medyo limitado ang topic kasi may dalawang college students ang dumating. Ang ganda pa ng topic namin sa kalagitnaan ng pagdating nila. Basta, tungkol sa banyo. Ayun. mga 6:30 kami umuwi. 6:45 nasa bahay na 'ko. Buti hindi ako pinagalitan ng tatay ko.
Kaninang 3:3o pm.
Natutulog ako ng bigla akong ginising ng tatay ko.
"Czarlaine, nandito mga kaklase mo"! Gising agad ako. Sabay akyat sa kwarto para magpalit ng damit(kahit hindi pa naliligo. Takte, shorts lang naman!). Nawindang ako. Pagkababa ko... "WOW! Ang dami niyo"!
Plano sana naming mag-internet sa labas. Naligo ako habang ine-entertain sila ng tatay ko. Natapos na ang lahat(kasama na ang pagbihis), tahimik sila nung bumaba ako. Sinimulan kasi sila ng tatay ko ng Bible Study. Sa utak ko, "Takte. Kaya ayokong iwan ang bisita ko kay Papa eh. Magsisimula 'to. Wala na, nakapagsimula na. Hindi na kami makakaalis niyan. Dito narin sila matutulog dahil for sure, 86 yrs bago matapos ang Bible Study ni Papa".
5:30 natapos si Papa. Oo, advantage yun at walang masama dahil tungkol naman sa Biblya. Pero naginit talaga ang ulo ko. Lagi nalang kasing ganun. Alam naman niyang inaabot siya ng year 3000 'pag Bible ang pinaguusapan at alam naman niyang aalis kami. Nagsimula pa siya. Nung tinanong niya ko kung sasama pa ba ko, Sabi ko, "Oo. Ang ingay mo kasi..." Natawa lang siya. Ano naman ang nakakatawa? Limitado ang oras namin, pwede namang bumalik ang mga kaklase ko para mas mahaba ang oras nila sa Bible Study niya. Ang masakit pa, nag-maong ako. Bihis na bihis, wala rin pala. Takte. Kaya nung umulan, hindi na talaga natuloy. Umuwi narin sila.
Kanina nung tinawag ako ng tatay ko para kumain, nag-init ulo ko. I need some time, I need space. Lumayo ka sa paningin ko para hindi mabasag ang platong hawak ko. Gusto ko sanang sabihin kaso baka bigwasan ako. Mahirap na. Alam ng tatay kong inis ako ngayon sa kanya. Sa parte ko naman, kailangan kong kontrolin ang init ng ulo ko dahil tatay ko ang kinaiinisan ko. Kasalanan yun(kahit madalas mangyari). Hindi siya si Cabangon para sabihan ko ng, "@#$! anong petsa na"!
Haiz. Sarado na 'to. Umiinit na naman ulo ko.
Mga Kung Anu-ano sa buhay.
Ayokong buksan ang topic na ‘to kaso dehin ko mapigilan ang sarili ko.
May himalang nangyari. Hindi ko nasasabihin kung ano yun. Basta, himala talaga.
Marami ring sekretong kumakalat.
Kay Kim, payong kaibigan lamang ‘to… Easy ka lang. Relak.
Kung sa kaalaman mo ay hindi ko kilala si FU, ipagpatawad mo dahil iba yun sa kaalaman ko. Tsaka sa susunod, ‘wag mong babaguhin ang statement mo ‘pag nagbibigay ka ng clue. Yun ang kamalian ng isang tao kaya ang nagyayari, parang dumudulas siya.
Teka, Ang ingay ko na naman.
Kay Leo naman. Wala lang. Hindi lang ako manhid. Hehe. Wala akong magagawa kung yun ang binigay sakin. Tsaka, maraming butas kay Paramore. Hindi ako kuntento sa mga nangyayari.
Kay Kim ulit, mananatiling lingid sa iyong kaalaman kung ano nga ba ang kahulugan ng “Fire…”. Idagdag pa yung “Water, Earth, Wind”. Yan ang mga dahilan kung bakit komplikado ang aming kasinungalingan.
Oo, hindi niyo naiintindihan. Si Cabangs lang ang may alam niyan.
Lagi niyong tatandaan ang sinabi ni Pedro, “Brains are sexy…”
(Paki translate sa ingles ang Pedro).
HBO
Wala lang. Bring It On: All or Nothing tapos Monster-in-Law. Walang lipatan ng channel. Namaga tuloy ang pupil ko. Tapos nung mga nakaraang araw, pinalabas ulit yung Dance With Me(tama ba yung title?). Nakakatuwa lang. Masaya rin palang mag movie marathon paminsan-minsan.
Sa ngayon, yan lang muna.
Nga pala, nakakatamad na naman ang mga susunod na araw. Wala na namang pasok. Hindi yun masaya.
Saturday, August 25, 2007
His and Her Circumstances.
. .
