Monday, May 4, 2009

XDD

Now Playing – If I Can’t Have You ~ Adam Lambert

Hindi namin alam ang problema ng PC sa bahay. Ni-reformat ito ni Rowie at after nun masaya ang nangyari. Yung CD drive ay na-paralyze. Kahit anong isalampak na CD, peke o orig, installer man o album ayaw nitong basahin. Wala tuloy photoshop, walang dreamweaver, walang macromedia, walang iTunes, walang… lahat. Buti tumatanggap parin siya ng USB.

---

Ang bilis ng araw. Isang buwan nalang pasukan na naman. Ni hindi pa ko nakakadayo sa probinsya namin. Pfft. Balik-loob ako sa dating gawi. Gaya rin ng nakaraang bakasyon noong 2008, insomnia. Matutulog ako ng 6:30am. Magigising ng 10am o minsa’y aabot ng 12:30pm. Kakain ng brunch. Manonood ng TV, ‘pag bumagsak ang mata’y matutulog na naman. Magigising. Matutulog. Magigising ng 5pm. Oks na, buhay na ‘ko.

---

Music videos.
We Made You ~ Eminem - Rockstar! XD. I Love the Sarah Palin part.
When you walk through the door it was clear to me. You're the one they adore, who they came to see. You're a rockstar. Everybody wants you. Player, who can really blame you. We're the ones who made you.
Pansin ko lang, sa MYX, the Rockstar emblem was covering the kissing part of Eminem and "Amy". SA Channel V wala. Kitang-kita lahat. XD.
Lovegame ~ Lady Gaga - I love the moves.
Waking Up in Vegas ~ Katy Perry - Back to pop. Tapos na ang senti mode sa Thinking of You. And I must say na talo ni Katy si Lady Gaga pagdating sa chest size.
Come Back To Me ~ David Cook - Swerte nung babae, at masasabi ko ring kaliwete talaga si Cook dahil pakaliwa ang tilt ng ulo niya nung ano... ‘Yon.

---

Konting rewind. Hindi ko pa pala nababanggit yung tungkol sa huling librong nabasa ko. Yung Memories of Another Day ni Harold Robbins.


Hiniram ko kay Gienela. Maganda naman. Natuwa ako sa personality ni Daniel Boone Huggins. Naguluhan ako ng konti sa accent nila “Jez tell him to git the mule”. Polish ata sila. Search niyo nalang. At hindi ko kinaya yung eksena kay Miss Andrews. “Just tell me what to do, Miss Andrews. I’ll learn.”

Yung Po-on ni Maan ay nasakin parin hanggang ngayon. Sabi niya tapusin ko raw. May isang buong taon pa raw kami para matapos ko ‘yon. Balak ko namang tapusin ngayong bakasyon para maisauli ko na sa kanya sa enrollment or pasukan.

P 459
"I would like a son who feels as I feel. Who dreams the way I used to when I was a boy, who senses the beauty in people and things around him, for whom living doesn't have to be a series of logical explanations."

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer