Bakasyon na. Well, siguro nga e matagal nang nagsimula. Pero mula bukas bakasyon na talaga. Pfft.
Ika-14 ng Abril, 2009.
Nakuha ko ang card ko kanina. Oks naman. Iko-kodak ko sana tapos ipo-post ko dito kaso aking napagtanto na nakakahiya XD. Ganito nalang - Ito ang nangyari sa 4th grading ko (hindi ko na pinansin yung Final Rating e) :
English +5, Filipino +6, Chem +1, Geom +3, Eko +3 (hindi kapanipaniwala), Prac Arts (Sales) -1 (Oks lang kasi 90+ parin ang grade ko XD), IT +7, BCS -4 (ito ang nagpapangit sa napakaganda kong grades), PEHM3 +10 (PE +7, Health +10, Music +14. 100 ang grade ko sa music. Katuwa naman.)
Ramdam kong disappointed si Itay. At iyon ay dahil lang sa BCS. Ipinaalala pa niya sa akin ang bagay na ayokong iniisip dahil nado-down ako at hindi ito nakaka-encourage para sa isang graduating na tulad ko na nagnanais ng magandang kinabukasan. Ang baba ng grade mo. Pano na sa UP niyan? Oo na, sige na, forever na ko sa PUP. Makakatanggap narin ako ng Loyalty Award.
Natuwa rin ako nang malaman kong hindi ako warning, hindi rin reco. Haha. Ako pa. Siguro neks iskul year pwede na kong ma-warning. Pero syempre hindi parin. Ang linis ata ng record ko. XD
III - Entrepreneurship 2008-2009

---

Impeyrnes. Wala lang.
Salamat sa kanila. Salamat ng marami kasi naging masaya ang Junior life ko at siguradong mas sasaya pa neks year. Sana mas bongga ang bonding natin as Seniors. Sana rin lahat ay makasama sa merit every quarter. Galingan natin mga Par`.
Dun sa mga warning, sana hanggang dyan nalang. Yung mga alanganing reco, sana walang matuluyan. Magpakabait na neks iskul year. At dun sa siguradong aalis, kahit ewan ko kung anong magagawa ng earth para hindi matuloy ang pag-alis mo, salamat parin. Salamat ng marami.
Naniniwala akong mas solid tayo this coming school year. Kung nagawa na natin yung mga pangti-trip (tulad nalang nung mayari si Kaye Ron at nang-iwan natin sila ni Lezlee sa loob ng room, atbp syempre), siguradong mas marami pa niyan next year.
Ingat nalang kayo sa bakasyon at God bless. Sana ma-enjoy niyo ng bonggang-bongga ang bakasyon at kita-kita nalang tayo sa enrollment.

Sa mga teachers. Wala lang. Hehe.
No comment sana kaso laging umiihip sa utak ko si Mam Lai. Well...
Siguro nga hindi ko siya nababati o sadyang hindi binabati kapag nakikita ko siya o nasasalubong. Wala talagang "Goodmorning/Goodafternoon/Goodwhatever Mam". Nai-speechless kasi ako e. Ang hirap bumati kung alam niyo lang. Siguro iniisip ni Mam bitter ako sa kanya. Hindi naman. Siguro nung 2nd year, slight. Pero ngayon, wala. Ewan ko. Siguro dahil gustong-gusto ko ang Noli Me Tangere at ine-enjoy ko ang discussion. Kahit headache ang mga projects niya ay oks lang din. Actually isa siya sa mga titser na naa-appreciate ko.
Tsaka hanggang ngayon e hindi ko makalimutan, at sa tingin ko nama'y hindi ko talaga makakalimutan, yung sinabi niya sa amin (Loyalty) noong nakaraang taon - Obligasyon ng guro na matuto ang estudyante niya. Hindi ko na maalala kung "obligasyon" ba 'yon o "responsibilidad". Pero 'yan 'yon. Na-gets niyo naman yung thought e. Oks na 'yan. At sa tingin ko pinaninindigan parin 'yon ni Mam hanggang ngayon.
So, para sa ibang mga guro, salamat. Kahit hindi ko sila nabanggit e salamat parin ng marami. Mas may sense ang Junior life ko kaysa noong nakaraang taon dahil din sa kanila.
---
Geh. Mage-edit pa ko ng mga picture e.
Iu-upload ko pa sa friendster tsaka sa photobucket.